Chapter 6

1021 Words
Halos mapatalon si Seiri sa gulat, namumula ang tainga at pisngi sa sobrang hiya. Agad siyang tumayo at lumayo. "H-Hindi ko sinasadya, Sir Saint. W-Wala naman po akong nahawakan." tugon ni Seiri sa kinakabahang boses. Mas lalo namang nainis si Saint sa sinagot nito. Pakiramdam niya iniinsulto siya ng babae na wala itong nahawakan dahil maliit ang p*********i niya. "Are you insulting me?!" nang gagalaiting sigaw ni Saint. "Hindi, Sir. Ayoko lang isipin niyo na ano." nahihiyang yumuko si Seiri. Ikinalma naman ni Saint ang sarili saka pinakatitigan ito. "Ano ba kasing ginagawa mo rito, huh? Nagbabalak ka rin ba na gayahin yung mga kasambahay na pinaalis ko?" masungit na tanong ni Saint. "Hindi, Sir. Napag utusan lang po ako ni Manang Lucia. Ayoko nga sana dahil alam kong ayaw niyo ng istorbo. Kaya lang anong oras na po, kailangan niyo ng kumain." paliwanag ng kasambahay. Wala namang pakialam si Saint na tumayo paalis ng kuwarto. Sumunod naman sa kaniya si Seiri at dumiretso sila sa kusina. "Seiri, sige na. Mag linis kana muna ng mga gamit na nasa labas ng Mansion. Pagkatapos mo roon, mag pahinga kana." biglang sabi ni Manang Lucia nang makita si Seiri. "Sige po, Manang.. Pupunta na po ako roon." sagot naman ni Seiri. Saka saglit na nilingon ang amo na noo'y abala na sa pagkain. Samantala, nang makaalis na si Seiri nag salita si Manang Lucia. "Senyorito, ayos ka lang ba?" tanong ni Manang Lucia. "Bakit mo siya inutusan na gisingin ako, Manang?" tanong ni Saint. "Sinusubukan ko lang kung ano ang gagawin niya. Nagkaproblema po ba? Naulit yung sa ibang katulong? Ginagawa ko ito para mapigilan agad natin at mapalitan kung talagang ayaw niyo?" paliwanag naman ni Manang Lucia. "Hindi. Ayos naman siya kaya lang pasaway. Wala naman siyang ginawa sa kuwarto. Naging alerto lang talaga ako." sagot naman ni Saint. Nakahinga naman ng maluwag si Manang Lucia at pinaglagay ng tubig sa baso si Saint. "Mabuti naman kung ganoon, Senyorito. Mabait naman kasing bata si Seiri. Nakakaawa nga ito dahil maagang nawalan ng mga magulang. Sa edad niyang disi-siete nag sikap na itong buhayin ang sarili. Sigurado akong pinahahalagahan niya ang trabaho dahil dito siya nabubuhay. Nawalan siya ng pang kabuhayan nang palagyan niyo ng gusali ang palengke. "Isa siya sa vendor roon?" kunot ang noong tanong ni Saint. Marahang tumango naman si Manang Lucia. "Oo, Senyorito. Pinapabenta sa kaniya ang mga gulay at iba pa. Iyon ang naging pangunahing hanap-buhay niya. Kaya napilitan siyang mag apply bilang katulong." sagot naman ni Manang Lucia. Napainom naman ng tubig si Saint at napaisip. "Akala ko kagaya rin siya ng iba.. Gusto ng easy money. Yung kikita agad sa pamamagitan ng pagkapit sa patalim o kumuha ng mauutong mayaman?" sagot ni Saint sa seryosong tono. Umiling naman si Manang Lucia. "Hindi, Sir. Sa tinagal-tagal rin niya rito. Masasabi kong maasahan natin siya at mapapagkatiwalaan. Walang gamit na nawawala. Walang nasisira. Maingat niyang ginagawa ang trabaho kahit na madalas siyang dikitan ng kamalasan at kapalpakan." paliwanag ni Manang Lucia. Nakumbinsi naman nito si Saint. Kaya tumango ang lalaki. Matapos niyang kumain, inasikaso na ni Manang Lucia ang mga pinagkainan nito at pinaligpitan sa taga hugas. Nag pasya naman si Saint na mag lakad-lakad muna dahil nakapahinga na rin naman siya. Naabutan niya si Seiri roon na nag aayos ng mga vase na may lamang halaman. Pinapalitan niya na kasi ang ibang mga nalantang halaman ng bago. "She look normal, but when you're with her.. So abnormal." puna ni Saint. Napansin naman ito ni Seiri kaya nag alangan ang babae at binilisan ang pagtapos ng gawain. Nang maihatid na iyon sa Green Garden, papasok na sana siya sa loob nang harangin ito ni Saint. "Where are you going, nuts?" malamig na tanong ni Saint. "Seiri po ang pangalan ko, Sir. Hindi Nuts. Nagkakamali po kayo." sagot naman ni Seiri na may inosenteng muka. Nakaramdam na naman ng inis si Saint roon. "Damn! Are you telling me?" naiinis na sagot ni Saint. "Goodnight, Sir. Pagod na ako, ayoko ng makipag talo." sagot ni Seiri at umalis. Dumiretso ito sa loob ng Mansion at pumasok sa kaniyang sariling kuwarto. Hindi na siya naligo dahil sa pagod at agad nagpahinga. Sumunod naman si Saint at dumiretso sa sarili niyang kuwarto. Samantala, nagising si Seiri kinabukasan at agad nag trabaho. Habang nag lalakad papunta sa Laundry Area, nabunggo siya sa malaking bulto ng tao. Doon niya lang napagtanto na si Saint ang nakabungguan. "Aww! Sorry, Sir! Inaantok pa po kasi.." katwiran ni Seiri. "Get lost!" masungit na tugon ni Saint. Aalis na sana si Seiri nang mapatid niya pa si Saint kaya bumagsak ang lalaki sa kaniya. Halos mamula naman si Saint dahil nakadagan siya ngayon kay Seiri. Hirap na hirap naman ang kasambahay dahil padapa siyang bumagsak sa malamig na sahig. "Aray! S-Sir, ang bigat mo.." reklamo ni Seiri na may namumulang muka. Agad namang tumayo si Saint at dali-daling umalis. "Stupid!" aniya saka tuluyang nakalayo. "Kainis naman si Sir! Ang sungit at ang sama ng ugali. Siya na itong mali, ako pa nga ang sinabihang stupid! Wala talagang perpekto sa mundo. Kapag maganda o guwapo ka, sa ugali ka babawian. Tumulong nalang si Seiri sa mga naglalaba at siya ang taga sampay. Habang nagsasampay, panay ang kanta niya nang bigla nalang siyang nagulat kay Saint sa pag sulpot nito sa gilid niya. "Ay Kapreng sunog!" bulalas ni Seiri. Halos mamula naman sa inis si Saint dahil inaasar na naman siya ng kasambahay. "Are you kidding me?! Seiri, get down!" galit na utos ni Saint. Agad namang tumalima si Seiri at bumaba sa upuan na tinutuntungan niya. "Joke lang, Sir. Akala ko kasi kung ano na." nahihiyang sagot ni Seiri. "Iwan mo 'yan at iba ang pagsampayin mo. Samahan mo ako." sagot ni Saint. Tumango naman si Seiri at tinawag si Mika, ang isa pang kasambahay. Ito ang pumalit kay Seiri. Kinaladkad naman ni Saint si Seiri. "Saan po tayo pupunta, Sir?" tanong ni Seiri. "Sa impyerno.. Kaya sumama ka." malamig na tugon ni Saint. Napatingin naman si Seiri sa kamay ng amo kasabay ng kakaibang kaba sa kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD