Bumalik naman sa trabaho si Seiri, habang nag wawalis sa loob ng Mansion hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng kaniyang demonyitong amo. Hinihiling nalang niya na huwag na sanang umulan dahil kapag umulan paniguradong ipapatawag talaga siya nito.
"Pag minamalas-malas ka nga naman! Akalain mo ba namang alaga niya daw ang mga palakang iyon?" naiiritang sabi ni Seiri.
Sa sobrang pagkainis at pagkatulala ng babae hindi niya akalain na paa na pala ni Saint ang winawalis niya. Mabuti nalang at hindi siya narinig nito.
"Anong kinaiinis mo?" tanong ni Saint. Halos mapatalon naman si Seiri sa gulat nang makita ang boss.
"Speaking of the devil.." bulong ni Seiri. Nag salubong naman ang kilay ni Saint at pinanliitan ng mata ang kasambahay.
"W-Wala, Sir. Sorry po. Anong ginagawa niyo rito? May kailangan po ba kayo?" kinakabahang tanong ni Seiri.
"Meron.." tipid na sagot ni Saint saka hinawakan ang babae.
"Linisan mo ang library. Sobrang dami ng alikabok. Napapabahing na ako." reklamo ni Saint. Tumango naman si Seiri at nang makarating sila sa Library binitawan siya roon ni Saint.
"Sige po, Sir.." sagot ng babae.
"I'll be waiting..Here." turo ni Saint sa lamesa niya. Saka nag basa ng libro tungkol sa negosyo.
Mabilis namang tumalima si Seiri at hindi nito mapigilang mamangha sa sobrang laki, lawak at dami ng mga storage ng libro sa Library ni Saint. Pakiramdam tuloy niya nasa Hogwarts siya. Nag simula na siyang mag walis roon at halos sipunin siya sa kapal ng alikabok.
"Anong klaseng library ba 'to? Bakit hindi man lang nalilinisan?" nagtatakang tanong ni Seiri. Habang nag lilinis may nakita siyang ulo ng ahas sa isang istante. Nagpasya siyang buksan ang ilaw at doon nakita niyang may ahas talaga.
"Kyaaahhhh! May ahas!!!" sigaw ni Seiri. Natataranta namang lumapit si Saint nang marinig ang nagpapanic na boses ng babae.
"Anong problema?" takang tanong ni Saint. Halos manginig naman ang kamay ni Seiri habang tinuturo ang ahas na noo'y nag sisimula ng ilabas ang buong katawan.
Napatalon siya kay Saint sa sobrang takot. Napahawak naman si Saint sa magkabilang baywang ni Seiri at dali-daling umalis roon. Lumabas sila ng Library at binitawan nalang bigla ni Saint si Seiri kaya bumagsak sa malamig na sahig ang babae.
"Aray ko! Sir naman, hindi niyo man lang ako ibinaba ng ayos?" reklamo ni Seiri habang hinihimas ang pang upo na nananakit.
"Who told you to jumped on me?" naiinis na sagot ni Saint. Naghaharumentado naman ang puso niya sa nangyari.
"Sorry na, Sir. Nakakagulat kasi yung ahas. Bakit ba ang daming ahas rito? Alam kong Year of the Snake na. Pero.." sagot naman ni Seiri. Tinalikuran naman siya ni Saint at tinawag ang tauhan niya para utusan itong magpapunta ng taga animal welfare para icheck ang paligid at bahay nila kung meron pang mga ahas.
"Sir.. Hindi niyo naman po siguro alaga ang ahas na iyon?" tanong ni Seiri.
"Hindi. Wala akong alagang ahas!" sagot ni Saint sa mataas na boses.
"Akala ko kasi alaga niyo na naman. Kumpleto na yung special beast ng Naruto niyan. May palaka kana may ahas ka pa. Akala ko kalahi mo si Orochimaru e?" sagot naman ni Seiri.
"Baliw!" sagot ni Saint.
"Ako pa nga ang baliw. E kayo itong nag aalaga ng palaka? Akala ko idol mo si Master Jiraiya e?" dagdag pa ni Seiri.
"Tigilan mo ako sa kabaliwan mo, Seiri. Baka ipadala kita sa sss River?!" masungit na tugon ni Saint. Kinilabutan naman si Seiri sa narinig. Kilala pa naman ang sss River sa pinaka nakakatakot na lugar.
"Huwag naman, Sir! Hindi na po mag sasalita.." sumusukong sagot ni Seiri.
Inasikaso naman ng mga taga animal welfare ang tungkol sa mga ahas. Marami silang nakuha roon. Pati ang mga kalapit na gubat ay sinuri na rin nila. Naglalabasan na naman raw kasi ang mga ahas dahil tag init at naghahanap ng makakain.
"Kakilabot! Kaya siguro walang naglilinis dun e?"
"Kaya walang naglilinis sa library dahil sobrang laki. Huwag kang baliw." masungit na tugon ni Saint. Nakanguso namang tumango si Seiri.
"Sir, may tanong po ako."
"Ano na naman?" naiiritang tanong ni Saint.
"Bakit ka po laging galit? Dati ka bang angry bird?" seryoso ang mukang tanong ni Seiri. Ramdam naman ni Saint ang labis na inis sa narinig.
"Gusto mo bang iihaw kita ng buhay? Para malaman mo kung dati akong angry bird?!" dumagundong ang boses ni Saint sa sala kaya naman nagtatakbo paalis si Seiri roon.
Hindi naman mapigilang matawa ni Manang Lucia nang makita kung paano mag asaran ang dalawa. Napansin naman siya ni Saint.
"Bakit ka tumatawa, Manang?" napipikon na tanong ng binata.
"Natutuwa lang ako, Senyorito. Nagkabuhay ang Mansion na ito simula nang dumating si Seiri. Nagiging mapang asar na rin kayo.." sagot naman ni Manang Lucia habang nakangiti.
"Hindi ako nang aasar, Manang. Naiinis ako. Pasaway ang katulong na iyon. Hindi niyo man lang pinapatingnan kung wala itong tililing bago niyo tinanggap." sagot ni Saint. Lalo namang natawa si Manang Lucia at napailing.
"The more you hate, the more you love. Baka naman nahuhulog kana riyan, Senyorito?" tanong pa ng matanda.
"Hindi!" mariing sagot ni Saint at napipikon na umalis. Dumiretso ito sa kuwarto para matulog. Nawalan na siya ng ganang mag basa ng libro dahil sa nangyari. Natulog nalang siya mag hapon.
Samantala, naging abala si Seiri sa gawaing bahay. Sumabay naman siya kina Manang sa pagkain ng Hapunan. Matapos kumain, inutusan siya ni Manang Lucia na gisingin ang amo.
"Sige na, Seiri. Gisingin mo na." udyok ng matanda.
"Baka mag ala-dragon iyon kapag ginising ko, Manang? Ikaw nalang kaya ang mang gising?" nag aalangang sagot ni Seiri.
"Hindi 'yan. Gabi na rin naman." sagot ng matanda. Walang nagawa si Seiri kundi mag punta sa taas at gisingin ito. Naabutan niya namang nakapatay ang ilaw kaya kinabahan siya lalo.
"S-Sir...?" pagkasabi ni Seiri noon bigla siyang hinila ni Saint at itinulak sa kama. Kumubabaw ito at binuksan ang lampshade. Nagkatitigan sila sa mga mata at aksidenteng nahawakan ng babae ang p*********i ng amo.
"SEIRI!" Halos maglabasan ang ugat sa sentido ni Saint sa galit. Nanlaki naman ang mga mata ni Seiri at napangiwi saka mabilis na binitawan ang hawak.