Samantala, lumipas ang ilang taon na sobrang tatag ng dalawa. Kaya lang nang mag transfer si Thaddeus nag simula ng magkagulo ang lahat. Nakiki-epal na ito sa relasyon nila ni Cordelia. Isang beses kinausap ni Thaddeus si Cordelia para makipag kaibigan. "Hi!" "T-Thaddeus?" kabadong sagot ni Cordelia. Kilalang guwapo at matalino ang bagong transfer student na ito. May fansclub na rin ito gaya ng grupo ni Saint. Pero mas angat palagi si Saint. "Gusto ko lang sanang makipag kaibigan. Can I have the chance?" tanong ni Thaddeus. "Eh?" nag aalangang sagot ni Cordelia. Hindi siya nakasagot ng ayos nang tawagin siya ni Camerine. Ang isa sa kaklase nilang babae dahil mag sisimula na silang gumawa ng project para sa finals. Samantala, hindi naman tumigil si Thaddeus sa pakikipag lapit rito. Mat

