Dahil sa kakulitan ng mga kaibigan niya, walang nagawa si Saint kundi pumunta sa Alumni Party na gaganapin sa isang Private Resort. No outsider allowed. Kaya hindi niya magawang isama si Seiri. "Saan ka pupunta?" tanong ni Seiri nang makita siyang pababa ng hagdan. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at talaga namang napaka-guwapo "Uuwi ako agad, magpapakita lang ako saglit sa kanila nang matahimik lang ang mga kaibigan kong tukmol." aniya nang harapin ang nobya. "Okay.." tipid na sagot ni Seiri. "Alumni Party iyon, kaya hindi muna kita maisasama. Bawi ako sayo pag uwi ko, Seiri.." tugon naman ni Saint. Yumakap si Seiri sa kaniya at hinalikan naman ito ni Saint sa noo saka sa labi. "Huwag kang mangbabae roon ah? Umuwi kang akin ka pa rin.." nakasimangot na sabi ni Seiri. Natawa naman si

