Nakatingin lang ako sa kaniya habang busy siyang ayusin ang kaniyang motor. “Ayos ka lang ba talaga?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napatango-tango.
“Yeah, normal lang naman na nangyayari iyon sa akin. Ikaw saan kita ihahatid may pupuntahan pa kasi ako,” wika niya sa akin.
“Uhm kahit sa sakayan na lang madali lang naman makapunta sa bahay ng kaibigan ko eh,” wika ko sa kaniya. Napatango naman siya sa akin sabay isinuot sa akin ang helmet ko.
Umalis na kami sa bahay nila, o kung bahay ba talaga nila kung tawagin iyon matapos nang mga nangyari sa loob.
Tahimik lang kami sa buo naming biyahe, damang-dama ang kalungkutan dahil sino ba naman ang magiging masaya matapos nang mga nangyari kanina. Kahit siguro ako ay hindi kakayanin kapag sa akin nangyari ang bagay na iyon.
“Ayos ka lang ba talaga dito?” seryoso niyang tanong sa akin. Napangiti naman ako sabay napatango-tango.
“Oo naman, kaya ko naman yung sarili ko. Mag-ingat ka na lang,” nakangiti kong sabi. Napatango naman siya matapos noon ay sumakay siya sa kaniyang sasakyan at umalis. Sinundan siya nang paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang mawala.
Napahinga ako nang malalim habang naghihintay nang masasakyan. Hindi rin pala iba si Ethan sa mga nangyayari sa buhay ko. To think na kapatid siya ng boss ko, yet nakita ko rin kung paano siya parang pinagkaisahan kanina, lalo na si Miguel.
Kung titignan mo para talaga silang kambal, pero kita mo rin ang difference nilang dalawa, lalo na sa ugali. Kay Miguel kita mo yung galit sa mukha niya, pero kay Ethan kahit gustuhin niyang lumaban hindi niya ginawa iyon. Hindi ko alam kung ano’ng bagay ang pumipigil sa kaniya kanina.
“Elaine!” rinig kong sigaw ni Selene. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. “Asaan yung kasama mong pogi kanina?” dagdag niyang tanong.
“Umalis na, meron pa raw kasi siyang pupuntahan eh,” paliwanag ko.
Naglakad na rin kami patungo sa kung asaan ang sasakyan niya dahil tinext ko rin siya kanina na magpapasundo ako sa kaniya dahil wala naman akong mapupuntahan kung hindi sa kaniya o kay Justine. Ang kaso wala naman si Justine ngayon sa pilipinas.
“So iyon yung lalaki ano?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.
“Ano’ng lalaki?” Napailing-iling naman siya habang nagmamaneho.
“Aminin mo na kasi, doon ka galing kagabi. Siya yung kasama mong lalaki nung nawala ka sa bar. Kaya nung pumunta ka sa bahay, damit ng lalaki ang suot mo at iika-ika ka,” direkta niyang sabi. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at napatingin na lang sa labas nang bintana.
“Alam mo the more na hindi mo sasagutin ang tanong ko, the more na mac-curious ako. Akala ko ba no dirty business?!” sigaw niya. Napairap naman ako sa kaniya sabay napailing-iling.
“Ano’ng bang dirty business pinagsasabi mo?”
“Malamang sa mga nakita ko kaninang umaga, tapos sumama ka pa sa kaniya. ‘Yung totoo, hindi ka nakuntento sa ginawa ninyo?” Napairap na lang ako dahil sa mga sinasabi niya. Kung ano-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig niya.
“Ewan ko sa ‘yo. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang talaga umuwi sa amin kaya nga ako sumama sa kaniya,” sambit ko. “Hindi ko naman alam na dadalhin niya ako sa bahay nila and guess what, kapatid pala siya ni Sir Jace.”
“What?! Isa rin siyang Sandoval? But how come?” tanong niya habang nagmamaneho.
“Hindi ko alam, madami pala silang magkakapatid. Pero hindi sa iisang Nanay.”
“So meron ding mga ibang anak sa ibang babae ang Tatay nila?” Napakibit balikat naman ako dahil sa tanong niya.
“I don’t know, wala rin naman ako sa posisyon nila para sabihin yung kwento nila. Nakita ko lang naman doon yung Mom and Dad, wala na akong nakitang iba. Besides may away nga rin doon. Away ng magkakapatid, nakkaatakot,” wika ko sa kaniya.
“So ano’ng plano mo ngayon? Pagpapatuloy mo pa rin ba pakikipagkita mo jan sa lalaki mo?” napatingin naman ako sa kaniya habang nakataas ang kilay ko.
“Wow, maka lalaki ko naman ganon ba ako kalandi sa paningin mo?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, ikaw kaya lumapit tapos bigla mo ka na lang kumandong sabay hali–” nanlaki ang mga mata ko dahil sa kinuwento niya sa akin.
“AHH! Stop it Selene! Huwag mo ng ikuwento please!” pagmamakaawa ko sa kaniya. Napatingin na lang ako sa labas sabay napahinga nang malalim. “Besides, iyon na rin naman ang huli naming pagkikita. Kung ano man ang nangyari kahapon, isang malaking pagkakamali lang iyon. Kaya bakit pa namin kikitain ang isa’t isa?” tanong ko sa kaniya.
“So meron ngang nangyari sa inyong dalawa?” bigla niyang pang-aasar sa akin.
“Pwede ba, huwag mo na ngang ungkatin!” inis na sabi ko sa kaniya.
“Bakit, ikaw naman nagsimula ah, nagkwento ka tapos sinabi mo. So kumusta ang performance? Malaki ba?” Mas lalo ko siyang pinandilatan ng mata dahil sa pananalita niya.
“Ano ba namang klaseng tanong iyan Selene, huwag mo na nga akong tanungin about jan!” inis kong sabi sa kaniya.
“Sige na isa na lang, hindi na ako magtatanong ulit.”
“Oo na malaki na siya, masaya ka na? Abot na abot ako sa loob ko habang pinapasok labas niya yung tit* na sobrang laki at sobrang haba na maugat pa sa loob ko na pakiramdam ko puno’ng puno ako dahil sa sobrang laki, okay na?!” inis na sabi ko sa kaniya sabay balik ng tingin sa labas.
“Okay na, nagtatanong lang kung malaki ba, oo o hindi lang ang sagot, pero kinuwento mo naman yung detalye. TMI ka,” sambit niya habang patuloy na nagtatrabaho.
“Ikaw yung may gusto malaman, nung sinabi ko na ayaw mo na? Labo mo talaga.”
“Ewan ko sa ‘yo. Panindigan mo ‘yang paglayo-layo at hindi ka na magpapakita kuno sa kaniya, baka bukas makalawa naman hanap-hanapin mo na,” wika ko. Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya at mas pinili na ipikit na lang ang mata ko para magpahinga.
Makalipas ang ilang araw, balik na rin sa dati ang buhay ko. Bahay, trabaho lang. Pinagalitan pa nga ako ni dad dahil hindi ko raw sila sinipot ng magiging asawa niya. Come on, hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw ko ng gusto niya? Hindi na niya ginalang si Mom sa ginagawa niya.
“Sir meron po kayong dinner meeting with sir Perez at 6 pm.” Napatingin naman sa akin si sir Jace sabay napatango-tango.
“Okay, I will take note of it, thank you. And by the way, alam mo ba kung asaan si Ethan?” tanong naman niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.
Bakit naman niya biglang hinanap sa akin yung lalaking iyon? “Uhm, sir hindi ko po kasi alam,” simpleng sagot ko.
“Hindi mo ba natatawagan? Hindi kasi sumasagot sa mga calls and messages ko. Hindi ko rin naman alam kung saan makikita, wala naman siya sa condo niya and even kay Tita Camille.” Napalunok naman ako sabay napatayo nang maayos.
“Wala po akong contact sa kaniya, sir.” Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin.
“Akala ko ba magkaibigan kayo?” Nasamid naman ako dahil sa sinabi niya sa akin. Bakit naman kasi sa akin pa hahanapin yung kapatid niya? Kung alam lang talaga niya.
“H-hindi naman po kami ganon, ka-close at hindi ko rin po siya nakakausap these passed few days kaya hindi ko alam kung asaan po ang kapatid ninyo.” Napatango-tango naman siya dahil sa sinabi ko. Napahinga na lang ako dahil finally wala na siyang itatanong pa.
“Mukhang bumalik na naman siya sa dati niyang gawin, tsk Ethan talaga.” Napailing-iling na lang siya habang nakatingin sa kaniyang laptop. Medjo na-curious tuloy ako sa part na iyon. Dating gawi? So ibig sabihin dati ng ganito si Ethan sa kanila? Bakit kaya?
“You may go now, Elaine.” Napangiti naman ako sa kaniya sabay tumalikod. Pero napatigil naman ako nang may isang pamilyar na mukha akong nakita sa pintuan ni sir Jace.
Ethan?
“Kuya Jace,” malamig niyang sabi.
No, hindi siya si Ethan.
“Ethan?” bigla namang sambit ni sir Jace. Bigla namang napakunot ang noo niya sabay napataas ang kilay.
“I just dyed my hair back to black, then you’re going to call me Ethan?” inis niyang tanong sa Kuya niya.
“Sh*t sorry, akala ko si Ethan, I think I need to check my eyes now. Sorry kahawig mo kasi sa malayo Miguel, lalo na same kayo ng buhok now. Bakit kasi binalik mo sa black yung buhok mo?” tanong nito sa kaniya.
Naglakad lang naman si Miguel habang ako ay nakatingin sa kaniya. NIlagpasan lang niya ako at dumiretso kay sir Jace.
Hindi nga siya si Ethan, magkahawig man sila ni Ethan, parehas ng korte ng mukha, buhok, tangkad. Pero I know, they are both different.
Naglakad na ako palabas nang office niya, pero napatigil naman din ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila sa loob.
“So ano’ng ginagawa mo dito? Himala ata andito ka?” tanong ni sir Jace sa kaniya.
“Para ka na rin si Kuya Leo kung makapagsalita, hindi ba pwedeng bumisita lang ako?”
“Bakit, may problema ba? If that’s because of your birthday, ayos na iyon, inaayos na namin ni Mika. Huwag mo ng isipin yung ibang bagay, this weekend na yung birthday mo.”
Weekend? Hindi ba birthday din ni Ethan iyon, since same sila ng birthday?
“Hindi naman iyon ang pinunta ko dito, it’s about Ethan.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga oras na iyon. Ano’ng problema ang meron kay Ethan?