Nakaalis na kami sa restaurant na kinainan namin at kasalukuyan kaming nasa motor niya. Nakayakap lang ako sa kaniya habang siya ay nagmamaneho paalis. At some point, natulungan na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon.
Kahapon, tinulungan niya ako na tanggalin ang stress na nararamdaman ko kay dad dahil gusto niyang makita ko ang bago niyang mapapangasawa, ngayon naman tinulungan ulit niya ako para hindi muna ako makauwi sa bahay dahil andoon ang babae ni dad.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngayon, pero pumayag na lang akong sumama sa kaniya. Wala na rin naman akong choice pa, kesa tumambay ako sa mall. Wala na rin naman akong ibang mapupuntahan, kaya dapat talaga mag-invest na ako para sa sarili kong matutuluyan.
Nagulat naman ako nang bigla siyang huminto dahilan upang mapayakap ako nang mahigpit sa kaniya. “Gustong-gusto mo talaga na niyayakap ako, ano?” pang-aasar niya sa akin. Hinampas ko naman ang likod niya nang napakalakas.
“Aray! Huwag mo akong paluin sa likod, masakit pa rin yung kalmot mo sa akin kagabi.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig ng isang ito.
“Bwisit ka talaga kahit kailan,” inis na sabi ko sa kaniya. Agad naman akong bumaba sa kaniyang motor at napatingin sa malaking bahay na nasa harapan namin ngayon. Napakunot lang naman ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Asaan tayo? Bakit tayo andito?” tanong ko sa kaniya.
“May idadaan lang ako, tapos aalis na rin tayo,” wika niya sa akin. Mas lalo akong naintriga dahil sa sinabi niya. Ano bang trabaho ng lalaking ito, isa ba siyang delivery man?
Hinubad namin ang helmet na suot namin at sabay niyang kinuha ang doughnut na kanina niya binili at sinenyasan ako na sumama sa kaniya. Hindi na rin naman ako lumaban at naglakad na lang papalapit sa kaniya.
Nag-doorbell naman siya habang ako ay nililibot ko ang mata ko. Dahil malaki ang bahay, actually ang ganda rin ng lugar dahil para siyang mataas na hill, yung bahay nila nasa tuktok na bahagi, madami ring mga puno at sila lang talaga ang tao dito.
Meron ding gate sa pinaka baba, na ni-check kanina bago kami papasukin. Hindi ko expected na meron pa lang ganitong bahay dito, yung lugar kasi medjo malamig na rin dahil nga mataas at ang tahimik. Plus ang laki pa ng bahay na akala mo mall sa laki.
“Sir anjan na po pala kayo, pasok po kayo,” wika sa kaniya nung maid. Napatingin naman ako sa kaniya, gulong-gulo sa mga nangyayari.
Sir? Dito ba siya nakatira, pero hindi halata.
“Tara na sa loob, sandali lang naman tayo tapos aalis na rin tayo,” mahinahon niyang sabi. Napalunok naman ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan o dahil siguro makakapasok ako sa ganito kalaking bahay–no mansion!
“Alam ba nila na darating ako?” tanong niya sa kasambahay.
“Yes, sir akala po ng dad ninyo na hindi kayo pupunta. Sabi naman ni ma’am Serene na dapat po talaga pumunta kayo, gusto na nga po kayo ipahatid sa Kuya ninyo,” wika ng kasambahay sa kaniya. Ngayon pa lang naguguluhan na ako sa nangyayari, so bahay niya ito, pero kung umasta siya parang hindi siya dito nakatira?
And bakit parang ayaw pa niyang pumunta dito?
Napatingin naman si Ethan sa akin sabay ngumiti. “Anak ako sa ibang babae ng Tatay ko and itong bahay na ito sa kanila. Pumunta lang talaga ako dito, I don’t know, for visit, but hindi ako magtatagal ayaw ko rin naman magtagal,” sambit niya sa akin na para bang binigyan niya ng kasagutan ang mga tanong na nasa isipan ko.
Hindi namna na ako nagsalita at napatango-tango na lang bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Naglakad kami papasok sa loob ng bahay at doon tumambad sa akin ang napakalaking chandelier na nakasabit, ganon an rin ang malaking hagdan.
Sa paligid ay puno’ng-puno ng mga iba’t ibang vase, meron ding halaman na siyang nagbe-blend sa kulay bahay na puti at gold. Andoon rin ang malaking picture ng gwapong lalaki at magandang babae at sa gilid noon ay ang mga pictures ng iba’t ibang tao.
Hindi ko mapigilan ang hindi maglakad papalapit doon upang tignan iyon at napako ako sa picture ni Ethan na sobrang seryoso sa litrato niya, pero andoon pa rin ang maangas na looks niya. The Ethan that I saw sa bar last night, iyon ang nakikita ko sa picture niya dito.
Napatingin ako sa mga picture sa table at nakita ko ang iba’t ibang pictures nila. Sa pinaka gitna ay yung family picture nila, hindi ko alam na ganun pala sila karami magkakapatid. At sa gilid yung iba’t ibang pictures, ng iba niyang kapatid. Pero ang mas pumukaw sa paningin ko ay yung picture nung bata pa si Ethan at may kasama siyang kamukha niya, na nakasalamin at parehas silang nakangiti at magkaakbay sa isa’t isa.
Napakunot naman ang noo ko pero napangiti rin. Meron ba siyang kakambal? Kasi kamukha niya, hindi sila magkalayo ng itsura.
“Hey huwag mo ng tignan iyan, tara na doon sa loob,” wika niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at napangiti sabay napabaling muli sa picture.
“Sino itong kasama mo? Hindi ko naman alam na meron ka pa lang kakambal,” wika ko sa kaniya.
“Hindi ko iyan kakambal.” Nagulat naman ako nang bigla niyang ipinadapa ang picture frame at tumingin sa akin ng seryoso. “That’s photoshopped, let’s go para mabigay ko na rin ito at makaalis na tayo dito.” Nag-iba muli ang mood niya nang sabihin ko ang bagay na iyon. Meron ba silang problema ng lalaki sa picture.
Besides, ano’ng photoshopped na sinasabi niya, eh magkatabi rin sila ng solo picture na nakasabi sa pader.
Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa dining area nila kung asaan andoon ang mga kapatid niya at magulang niya na nakaupo na habang ang kasambahay nila ay inihanda na ang kanilang pagkain.
“Kuya Ethan,” sambit ng magandang babae na mas bata sa kaniya sabay bigay ng yakap sa kaniya.
“Buti andito ka na Ethan,” sambit nang magandang babae na katabi ng dad niya. I guess that’s his auntie. “Meron ka pa lang kasama, girlfriend mo?” tanong niya dahilan upang masamid ako.
“I wish, pero hindi, she's just a friend.” Napatingin naman ako kay Ethan na para bang may gusto pang bigyan ng ibang meaning ang pagsama ko sa kaniya dito. Ang totoo lang naman ay nandito ako dahil ayaw kong umuwi sa amin.
“Elaine?” tawag ng pamilyar na boses sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang boss ko.
“Sir Jace, andito po pala kayo,” sambit niya ko. Agad naman akong napayuko dahil sa kaba at takot dahil hindi ako nakapasok sa trabaho ngayon dahil wala akong damit na isusuot at meron din akong hang-over.
“Hindi ko alam na kilala mo yung kapatid ko?” napatingin naman ako sa kaniya at doon nag-sink in sa akin lahat. Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso lang na nakatingin sa kanila.
“Teka, Sandoval ka Ethan?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at kita ko ang pagtataka sa kaniyang mata.
“He didn’t tell you? He’s also part of us, Ethan Gabriel Sandoval,” wika ni sir Jace. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na iyon. What the f*ck just happened? May nangyari sa amin ng kapatid ng boss ko at isa siyang Sandoval.
“Yeah, hindi ko pala nasabi sa ‘yo,” mahina niyang sabi.
“Ethan,” seryosong tawag ng papa niya. “Hindi mo ginagamit ang Sandoval? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na iyon ang gagamitin mong apelyido?”
“Ginagamit ko naman po,” wika nito.
“Then bakit hindi niya alam na Sandoval ka?” napahinga naman si Ethan nang malalim.
“Big deal ba iyon na dapat malaman niya na isa akong Sandoval? Isa wala naman ding nagtatanong kaya bakit ko sasabihin na isa akong Sandoval?” pilosopong sabi niya. Nakaramdam ako nang kakaibang bigat sa paligid na para bang naglalaban-laban sila nang mga tinginan nila.
Parang merong malalaking pader na nakaharang sa kanila at para bang wala ni isa sa kanila ang gustong magpaubaya o magpakumbaba. Ito ba ang sinasabi ni Ethan kanina?
“Alam ninyo, huwag na natin pag-usapan ang bagay na iyan dito,” sambit ng asawa ng papa ni Ethan. “Oo nga pala, balita ko magpapakasal na si Camille?” nakangiting tanong nito kay Ethan.
“Yes po, Tita. Actually dapat pupunta ako doon, pero marami rin akong ginagawa,” mahinahon lang niyang sabi.
“If that’s the case, tell Camille na hindi niya papalitan ang apelyido ninyong dalawa ni Adrian. Mga anak ko pa rin kayo, kaya dadalhin ninyo ang pangalan ko,” seryoso nitong sabi sa kaniya. Napatingin naman ng diretso si Ethan sa kaniya sabay ngumiti.
“Hindi naman gagawin ni Mama ‘yon, halata naman sa pangalan ko,” wika niya. Natahimik naman muli ang lahat dahilan upang mas maramdaman pa ang tensyon sa pagitan nila.
“Kuya, hindi ka pa dito kakain? Sabi mo sa akin kakain ka dito?” bigla namang sabi ng nakababatang kapatid niya. “Miss ka na namin ni Matteo, wala na raw nagtuturo sa kaniya ng math,” wika nito. Napangiti naman si Ethan sabay ginulo ang buhok nito.
“Lianne madaming ginagawa si Kuya eh, next time pag may oras ako puntahan ko kayo ni Matteo,” wika nito sa kaniya.
Hindi naman maiwasan ng mata ko ang mapatingin sa iba niyang kapatid na nakatingin lang sa kanila. Karamihan pala sa kanila ay puro lalaki at dalawa lang ang babae. Pero ang pumako sa paningin ko ay nang mahagip ko ang lalaking nakasalamin na kahawig ni Ethan na siyang nakaupo lang at bukod tanging hindi tinitignan si Ethan.
Mas lalo akong nacu-curious sa kung ano ang nanging problema nila dahil ayos naman sila sa picture, bakit ngayon hindi na?
“Hindi ka ba magtatagal Ethan? Pag-uusapan pa natin yung Birthday ninyong dalawa ni Miguel.” At doon pa lang nakuha ang atensyon ng lalaking nakasalamin at napatingin sa Tita ni Ethan.
So Miguel ang pangalan niya, at sabay ang birthday nila?
“Hindi na po Tita, marami na rin po kasi akong ginagawa.”
“Bakit ninyo ba kasi pinagpipilitan ang taong may ayaw,” seryosong sabi ni Miguel. Napatingin naman siya kay Ethan sabay tumayo sa kaniyang kinauupuan at naglakad papalapit. Doon ko mas naramdaman ang tensyon sa kanilang dalawa.
“Hindi ko nga alam kung bakit andito ka pa, hindi ka ba nahihiya na sa ating lahat na magkakapatid eh ikaw yung pinaka sampid at ang magko-cause na muntik ng magkasira-sira ang Sandoval?” diin na sabi ni Miguel sa kaniya.
“That’s enough Miguel!” sigaw ng babaeng kapatid niya.
“Why Ate Mika, hindi ba totoo? Dapat magkakaayos na ang pamilya kung hindi ka lang nabuo. Ikaw ang tinik sa pamilya natin, yung kahuli-hulihang pagkakamali ni dad!”
“Miguel that’s enough!” sigaw nang dad nila. “Hindi ba napag-usapan na natin ang about dito? All those things happened in the past.”
“Yet hindi naman na kayo nagkaayos ni Mom dahil sa gulo na ginawa nila hindi ba? Kahit naman naayos yung pamilya natin, hindi na ganon katatag dahil wala ng tiwala si mom sa inyo. At ngayon papasukin ninyo pa rin sa pamamahay na ito yung isa sa mga sampid na sisira sa pamilya?!”
“Miguel, hindi natin pag-uusapan ang bagay na iyan dito,” sambit ng isang lalaki na lumapit sa kanila.
“Bakit hindi kuya Adrian? Para matapos na. Ikaw ang may sabi na ayaw mo na magkaroon ng koneksyon sa pamilya na ito hindi ba? Bakit andito ka ngayon, ah dahil umaasa ka na sa ‘yo ipapamana ni Dad ang yaman niya dahil kinuha mo ang pangalan niya, ganon ba?”
“Miguel stop, ako ang nagpupumiliit na pumunta dito si Ethan,” sambit ng mom niya.
“He’s right, hindi na dapat ako pumupunta dito. Ang ironic na pinagtatabuyan ko kayo pero andito pa ako. Kaya tama naman po si Miguel, hindi na dapat ako pumupunta dito,” wika ni Ethan. Dama ko ang bigat ng loob niya habang binibitawan niya ang salita na iyon.
“Ethan, no, andito ka para sa birthday ninyong dalawa,” sambit ng mom ni Miguel.
“No need na po, tapos ko na rin naman na-celebrate. No need for the celebration. Besides it’s Miguel’s day, bakit ako makikisama?” Tumingin naman siya sa akin, kita ko ang lungkot sa mga mata niya nagmamakaawa na tulungan siya.
“Let’s go, Elaine, may pupuntahan ka pa hindi ba?” wika niya sa akin. Napatango-tango naman ako kahit na hindi naman iyon totoo, para lang matulungan siyang makaalis. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan upang mapatingin siya dito.
Tumaas ang tingin niya sa akin dahilan upang bigyan ko siya nang maaliwalas ng ngiti. “It’s fine,” bulong ko. Isang bagay na mabibigay ko upang palakasin ang loob niya.