Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa araw na ito, talaga bang kailangan kong maranasan ito? Sunod-sunod na parusa at bad luck ang natatanggap ko ngayon?! Kung hindi pakikipag-away kay Dad, kailagan ko pang makasalubong sa iisang lugar yung lalaking nakasama ko kagabi?
Ngayon kasama ko siya na kumain dito sa isang restaurant para lang ubusin ang oras hanggang sa magsawa sila dad sa bahay. Pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit itong lalaking ito ang kasama ko dito. “Please, huwag mo nga akong titigan,” sambit ko sa kaniya.
“Masama na ba tumingin ngayon? Gusto ko lang naman kumain at tignan ka,” wika niya. Napailing-iling na lang ako sabay napasubo ng pagkain. Pagod na ako ngayong araw dahil matapos kong umuwi galing sa condo niya, dumiretso ako kay Selene para magpalit ng damit kung saan nakatanggap ako ng madaming questions dahil sino nga ba ang matinong babae na uuwi pero suot damit ng lalaki?
At ngayon, makikita ko pa ang lalaking muntik lumumpo sa akin. “Akala ko ba one night stand lang?” tanong ko sa kaniya. “After seeing you with a lot of girls last night. Iba’t ibang babae ang kahalikan, for sure gamit na gamit mo ang what happens that nights, stays that night?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya pero nanatili pa rin ang pagtingin niya sa akin.
Suddenly bigla na lang siyang ngumiti, nakakaloko, pero hindi mabigat, ang gaan ng ngiti niya. He’s smile is like a ray of sunlight, talagang gaganahan ka at magigising ka. Well with his looks, understandable kung bakit napakadaming babae ang nahuhumaling sa kaniya.
“Yeah, alam ko naman yun. I used that a lot actually.” Nang magtama ang paningin naming dalawa agad akong umiwas. Parang hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal. “Pero gusto kitang makita ngayon eh.” Napatigil naman ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Tama ba ang naririnig ko? Gusto niya akong makita ngayon? Sa ano’ng kadahilanan naman?
“Ako, gusto mong makita?” tanong ko sa kaniya. “I already told you, sa letter na iniwan ko roon hindi ba?” tanong ko sa kaniya.
“Right, pero hindi ako ang nagsabi noon, ikaw. At the fact na merong ibang nagsabi sa akin noon, ngayon ko lang na-realize kung gaano kasakit yung mga sinasabi ko sa ibang babae,” sambit niya sabay napahawak sa kaniyang dibdib, umarte na para bang nasasaktan siya sa nangyari.
Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kaartehan na ginagawa niya. Hindi ko alam na may mas igag*go pa pala itong lalaking ito?
“Pwede ba, tumigil ka nga ikaw lang ‘yung nagpapahiya sa sarili mo,” inis na sabi ko sa kaniya. Bakit ko pa kasi pinilit na sumama rito. Pwede naman na ako sumama kay Selene kanina. Kainis kung hindi lang talaga ako kinabahan kanina nung nakita ko itong mokong na ito dahil baka kung ano-ano ang sasabihin kay Selene kung hindi siya pinagbigyan.
“Hindi mo pa ba kakainin yung pagkain sa harap mo?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya habang napataas ang kilay ko. Ano bang problema ng lalaking ito at lahat na lang ng gagawin ko ay napapansin.
“Bakit mo ba napapansin lahat? Kumain ka na lang jan, tignan mo mauubos na nga yung pagkain mo, sarap na sarap ‘yan?” inis na sabi ko.
Napasandal naman siya sa upuan sabay tumingin sa akin at binigyan ako nang nakakalokong ngiti. “Pero mas masarap ka,” wika niya. Dahil sa inis ko hindi ko mapigilan ang sipain ang paa niya dahilan upang mag-react siya.
“Bwisit ka talaga,” inis na sabi ko sa kaniya. Bulong lang iyon pero damang-dama talaga ng inis ko dahil sa presensya niya.
Binabawi ko na ang lahat ng papuri na sinasabi ko sa sarili ko kanina. Yes, habang sinusulat ko iyong letter kanina, labag sa loob ko ang sinabi ko dahil gusto ko pa siyang makita at kilalanin. What we did yesterday was excellent. Talagang nakuha niya ang sarap na hinahanap ko, yung haba at taba ng t*te niya na humahagod sa loob ko na alam kong hahanap-hanapin ko.
Pero kung ganito lang din naman nakakainis ang taong ito, magdi-d*ldo na lang ako!
“So bakit ka nandito pa rin, hindi ka ba napagod kanina?” tanong niya sa akin. Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga itong lalaking ito talagang sasabihin pa niya yung bagay na iyon?
“Wala ka na doon, isa pa gusto ko lang umikot dito,” palusot ko. “Pero ikaw, bakit ka nandito? Sinusundan mo ako ‘no? Sorry but what happened last night, that’s the last.” Napatawa naman siya na parang nakakatawa ang sinabi ko.
“Hindi ko naman sinabi na dahil sa ‘yo kaya ako nandito, but thankfully nandito ka at least hindi na ako mahihirapan hanapin ka.” Napailing-iling na lang ako dahil sa sinasabi niya.
“Bakit mo ba kasi gusto akong hanapin, ang dami pa namang ibang babae jan, besides f*ck boy ka hindi ba? Hindi ba hindi stick to one ang mga kagaya mo?” tanong ko sa kaniya. Napakagat labi naman siya sabay napapikit at napahawak muli sa kaniyang dibdib.
“Aww, sakit no’n ah. Pero ikaw yung gusto ko eh,” wika niya sa akin agad, dahilan upang mabilaukan ako ng sarili kong laway. What the f*ck is wrong with this guy?
“Pwede ba, Ethan cut the act. Hindi ako bumabalik sa lalaking nakasiping ko na ng isang gabi,” wika ko sa kaniya. “And for sure ganon ka rin, ayaw mo ng makasiping ulit ang babaeng nakasiping mo na dati?” wika ko sa kaniya.
“But your different, I only want you, bawal ba ‘yon?” malumanay niyang sabi. Napako lang ang tingin ko sa kaniyang mata na tila ay nagmamakaawa na piliin ko siya. Agad akong umiwas ng tingin para hindi ako madala sa mga tingin niya.
He’s really different from how he acted yesterday. Kahapon, kita mo sa aura niya yung hot and sexy type na alam mong kayang-kaya kang bayuhin ng ilang beses sa kama at hindi ako nagkamali sa bagay na iyon. Pero ngayon, ibang-iba ang pagkatao niya dahil hindi mo makikita sa mukha niya na para siyang halimaw sa kama. Ang dali-dali ka niyang dalhin sa pagpapaawa at pagpungay ng mata niya.
“The moment I woke up earlier and wala ka. It feels different. Iba ka Elaine eh, hindi lang sarap at libog ang naramdaman ko.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Seriously, wala bang preno ang bibig ng lalaking ito. What if may makarinig pa na ibang tao sa amin?
“Pwede ba, tone down your voice, nakakahiya kapag merong nakarinig,” sambit ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatigil sabay tumayo sa kaniyang kinauupuan. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. Nababaliw na ba ang lalaking ito?
Bigla naman niyang niliyad ang kamay niya sa harapan ko dahilan upang mapakunot ang noo ko. “Ano’ng ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ba sinabi mo, masyadong malakas ang boses ko? Edi ito na,” wika niya. Hindi ko naman malaman kung ano’ng koneksyon ng kamay niya sa sinabi kong masyadong malakas ang boses niya. Pero hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinunod at hinawakan ang kaniyang kamay.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan ko at mapayakap sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ko sa nangyari, that time gusto ko na siyang itulak papalayo. Pero grabe ang higpit ng kaniyang pagkakayakap sa akin na para bang kinulong na niya ako sa kaniyang mga bisig.
Lumapit naman siya sa tenga ko sabay may binulong. “Like what I said, hindi lang libog yung naramdaman ko, it’s different yet alam kong magugustuhan ko,” bulong niya gamit ang malalim na boses. Napalunok naman ako dahil kakaibang kabog ng aking dibdib ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Kinurot ko ang tagiliran niya para mapaalis siya, pero kahit ano’ng gawin ko ay hindi siya natitinag. “Ano ba, Ethan. Ganito na ba ang mga f*ck boy at playboy ngayon? Gusto na maging stick to one?” inis na sabi ko sa kaniya.
“I don’t know, Elaine,” wika niya sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ano ba ang problema ng lalaking ito? Nasa public place kami tapos ganito ang iaasta niya, kulang ba ito sa aruga?
“Ethan umayos ka, nasa public place tayo, nakakahiya sa mga tao,” bulong kong sabi sa kaniya.
“Can we stay like this for a while, I don’t know…kailangan ko lang talaga ng ganito ngayon,” sambit niya. Suddenly my heart melts, sa hindi ko malaman na dahilan. Pero nung narinig ko ‘yung boses niya na nagmamakaawa sa akin, nadala ako sa kaniya. Sumuko na lang ako at ibinigay ang gusto niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlambot, but I can feel, that this Ethan in front of me right now, is very vulnerable. Hindi siya ang Ethan na nakita ko kagabi sa bar, this Ethan right now is fragile and deprive with care and physical touch. Ano bang dala-dala mong problema Ethan?