Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko doon si Mama na busy mag-ayos ng sarili niya. Masaya siyang nakatingin sa salamin habang nilalagay ang make-up sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang nakita na ganon si Mama, ibang-iba siya ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon na kasama ko siya.
“Ethan anjan ka na pala, ayan lang ba ang isusuot mo? T-shirt na puti at jeans?” tanong niya sa akin. Napahinga naman ako nang malalim sabay napakamot sa ulo ko.
“Ma naman, ako ba ang magpapakasal? Baka naman ang gagawin mo talaga eh ireto ako sa anak niyang babae,” patawa kong sabi. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinagis sa akin ang unan sa sofa.
“Umayos ka Ethan, ilugar mo yang pagiging babaero mo, tandaan mo magiging kapatid mo iyon kapag naging kasal na kami.” Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi niya.
“Pwede naman kasing hindi mo ako isama, bakit pa kasi kailangan na andoon ako kung kaya mo naman mag-isa?” tanong ko sa kaniya.
“Malamang, sino ba dapat ang daldalhin ko doon si Miguel, hindi ko naman anak iyon,” wila niya sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napakamot sa aking ulo.
“Hindi mo ap pala sinasabi kay Kuya na gusto mong magpakasal?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin.
“Kung sasabihin ko sa kaniya iyon sa tingin mo papayag siya na magpakasal ako? Nung unang beses kong sinabi sa kaniya na gusto kong magpakasal hindi naman siya natuwa,” wika niya sa akin. “Hindi ko alam sa Kuya mo kung bakit ayaw akong pag-asawahin, kesyo anjan naman daw siya pati ikaw.” Napatingin naman ako sa kaniya at kita ko sa itsura niya na hindi siya masaya.
Alam ko na hindi pa rin kami tanggap ni Mama, mahal niya yung Tatay ni Kuya na Tatay ko rin, pero mas pinili niya si Tita Serene. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin dahil kasal naman sila ni Tita Serene. Sadyang umaasa lang si Mama dahil naanakan siya nang pangalawang beses at akala niya pipiliin na siya ni Papa, pero mas pinili ni Papa si Tita Serene na buntis din kay Miguel.
Kaya bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa pamilya nila, kung sa ganong bagay din naman hindi niya ako nagawang piliin o ipagmalaki, kahit na alam ko na pagkakamali niya ako pero ginusto niya ang bagay na iyon. Hindi lang niya gusto ang may nabuo sa pagkakamali niyang iyon.
“Huwag mo na siyang isipin,” wika ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. “Huwag mo ng isipin kung ano ang sasabihin ni Kuya Adrian, hindi naman alam ni Kuya kung ano ang pinagdaanan mo. Piliin mo naman yung sarili mo this time Ma,” mahinahon kong sabi. Napatingin lang naman siya sa akin sabay napangiti.
“Salamat sa pagpili sa akin, Ethan,” wika niya sa akin.
Hindi ninyo naman ako pinili, walang pumili sa akin, napilitan ka lang piliin ako dahil may dugo akong Sandoval, pero kunga ko mismong pagkatao ko bilang Ethan, hindi mo ako pipiliin.
Napahinga ako nang malalim sabay napatayo sa aking kinauupuan para pumunta sa kuwarto ko. Napatigil na lang ako nang bigla siyang nagsalita. “Ikaw ba, kailan ka magpapakasal? May nahanap ka na ba na babae na alam mong bagay sa ‘yo?” tanong niya sa akin.
Bigla namang sumagi sa isipan ko si Elaine, f*ck she was like a wine, once consumed you can’t stop drinking it. Nakakaadik at alam mong hahanap-hanapin mo sa oras na natikman mo at nakuha mo yung lasang gusto mo.
“Yeah, I found her pero one sided eh. Ayaw mo no’n magkakaroon ka ng anak na hopeless romantic?” loko kong tanong sa kaniya.
“Huwag lang kasi puro f*ck, do some action or words, ipakita mo na karapat dapat ka, hindi yung katawan lang niya ang habol mo,” wika niya sa akin. Napailing-iling naman ako dahil sa sinabi niya.
“Wow, galing ba sa experience? May laman eh,” patawang sabi ko bago ako pumasok sa kuwarto ko. Humiga naman ako agad sabay kinuha ang cellphone ko. Napatingin ako sa picture na kinunan ko kagabi sa bar and it was her photo. Napangiti naman ako sabay napapikit.
What do I need to do? Baliw na baliw na ako sa kaniya ngayon pa lang. Imbis na ako yung hahabulin bakit parang bumabaliktad ngayon?
Lumipas ang ilang oras, na nasa kuwarto lang ako lutang at nanaginip ng gising, umaasa na magkakaroon ako ng pagkakataon para makita ko siya.
Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at lumabas sa kuwarto. Paglabas na paglabas ko doon ko naman nakita si Mama na may kayakap na lalaki. Napataas na lang ang kilay ko at nakatingin lang sa kanila ng seryoso.
“Andito pala ang anak mo Camille,” wika ng lalaki. Bigla namang napatingin si Mama sa akin at ngumiti. Bumitaw siya ng pagkakayakap at naglakad papalapit sa akin.
“Oo, ito ang anak ko si Ethan Gabriel Sandoval,” wika ni Mama sa kaniya. Bigla namang lumiwanag ang kaniyang ngiti at lumapit sa akin sabay niliyad ang kaniyang kamay sa harapan ko. Napakunot naman ang noo ko sa hindi ko alam na dahilan. Bakit ganito ang expression niya? Masaya siya na nakita ako o meron siyang ibang balak?
“It’s nice to see you, Ethan, hindi ko alam na isa ka pa lang Sandoval?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko ba nasabi sa ‘yo, pero hindi naman dapat kasi,” wika ni Mama. Merong siyang punto sa bagay na iyon. Hindi naman na dapat alamin ang bagay na iyon dahil hindi na dapat niya inaalam ang dating gulo sa buhay ng pamilya namin.
“Wala lang, hindi ko alam na kinuha mo rin pala ang pangalan ng Papa niya at binigay sa kaniya. Mukhang ikaw ata ang magiging tagapagmana ni Gabriel Sandoval sa mga anak niya,” wika niya sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag-init ng dugo dahil sa inis ko sa sinabi niya.
Seryoso ba ‘tong lalaking ito, kailangan niya ba talagang ungkatin kung ano ang gulo ng pamilya namin? “Mawalang galang na po, pero hindi ninyo naman dapat panghimasukan ang problema namin, kasi problema namin ito. Hindi ibig sabihin na gusto ninyong pakasalan ang Nanay ko kailangan ninyo na ring manghimasok,” wika ko sa kaniya. Napatawa naman ito sabay napatango-tango.
“Pasensya na, hindi lang ako makapaniwala na ang isa sa mga anak ni Gabriel eh soon magiging anak ko na rin,” masaya niyang sabi. Napahinga na lang ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko inis.
Ngayon pa lang inis na inis na ako sa ugali at pagkatao na meron ang lalaking ito. Sigurado na ba si Mama sa papakasalan niya?
“Ako pala si Albert Santiago, you can call me dad already,” wika niya sa akin. Napangiti naman ako sabay napailing-iling.
“No need na, Tito na lang ang itatawag ko sa iyo since hindi pa naman kayo kasal ni Mama,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay napatango-tango.
“If that’s what you want. Siguro tara na, maayos na rin siguro yung mga pagkain sa bahay.” Napayuko naman ako at napahinga nang malalim.
“Sumabay ka na rin sa amin Ethan,” wika ni Mama. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti at umiling-iling.
“No need, meron naman akong dalang motor, besides meron pa akong need daanan sa mall. Pinapunta kasi ako ni Kuya doon sa bahay nila, family meeting siguro,” wika ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya bilang sagot sa akin.
“Sumunod ka na lang, kailangan andoon ka rin,” seryoso niyang sabi sa akin. Napangiti naman ako sabay napatango.
Nauna na akong lumabas sa kanila at umalis. Ngayon pa lang alam ko na sa sarili ko na hindi ko gusto ang lalaking iyon para kay Mama. Kuya was right, hindi naman na need ni Mama ng ibang lalaki dahil andito naman kaming dalawa ni Kuya. Even though andoon si Kuya sa poder ni Papa, kahit papaano hindi niya nakakalimutan si Mama. Pati ako na mas pinili si Mama kesa sa kanila.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nakarating sa mall. Meron lang akong bibilhin dito tapos aalis na rin.
Pagpasok ko sa loob ng mall, agad akong pumili ng dougnut na pwede kong bilhin para kila Lianne at Matteo. Iyon lang naman ang hilig nilang dalawa. Hindi naman ako magtatagal doon kila Mama dahil alam ko na wala naman akong mapapala doon.
“I told you, ayaw ko pa ngang umalis,” rinig kong sabi ng babae habang busy akong pumili ng dougunut.
“Kailangan mo na ngang umuwi, kasi ano’ng oras na. Hindi ba sabi sa ‘yo ni Tito na need mo na raw pumunta sa inyo. Look, tignan mo rin naman ang sarili mo, pagod na pagod ka na, kung hindi ka man lang kasi nagpahinga muna bago tayo nag gala.” Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pakinggan ang usapan nila, pero pamilyar sa akin ang babaeng iyon.
Napalingon naman ako sa gawing iyon. Napatigil na lang ako nung makita ko ang hinahanap ko. “Ayaw ko nga hindi ko naman alam kung bakit kailangan pa ni Dad magpakasal, naiinis lang ako, lalo na yung pagpupumilit niya na merong kasalanan si Mom sa nangyari sa relasyon nila.”
Hindi ko alam, pero napangiti na lang ako nang makita ko siyang nagagalit. Far from what I saw earlier.
“I thought hindi na kita makikita,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero dinala ako mismo ng paa ko kung asaan siya naroroon.
Papalapit pa lang ako, alam kong nakita na niya ako, nagsalubong yung mata naming dalawa. Hindi lang nagsalubong, nagkatagpo pa at ngayon ay napako na sa isa’t isa.
“Elaine, ayos ka lang ba natulala ka?” tanong sa kaniya ng kasama niya. Napalunok naman siya at tila balisa na hindi alam ang gagawin.
“We meet again,” sambit ko lang sa kaniya. Bigla naman siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan na parang hindi alam ang gagawin. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil sa reaction niya.
“Sino ba kasing–” napatigil naman ang babae nang makita ako.
“Buti nakakatayo ka na–” mabilis siyang lumapit sa akin sabay tinakpan ang bibig ko dahilan upang hindi ako makapagsalita.
Napako lang ang paningin ko sa mga mata niya na puno’ng puno ng kaba sa mga oras na ito. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita ko. She’s really the girl that I saw yesterday.
“Huwag mo ng itutuloy yung sasabihin mo,” mahinahon niyang sabi. Dahan-dahan naman akong napatango bilang sagot sa kaniyang tanong.
“Selene, I know gusto mo ng umuwi, sige na umuwi ka na. Meron pa kasi kaming pupuntahan,” wika niya. Napakunot naman ang noo ko gaya ng pagkunot ng noo ng kaibigan niya dahil sa sinabi niya.
“What? Girl hindi kita iiwan sa kung sino man lalo na hindi ko kilala,” wika nito sa kanila.
“I know him, sige na, baka pagod ka na rin, umuwi ka na magte-text na lang ako sa ‘yo,” wika naman ni Elaine.
“Are you sure?” tanong nito. Napatango lang si Elaine bilang sagot. Kinuha ng kaibigan niya ang bag sa lamesa at lumapit kay Elaine para bumeso.
“Sige na una na ako, mag-ingat ka ah.” tinignan naman ako ng kaibigan niya simula ulo hanggang paa bago bumulong kay Elaine.
“May utang ka na kwento sa akin, gwapo ito ah, for sure hindi lang ito kung sino man, may something sa inyo,” bulong niya pero rinig na rinig ko naman kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil may punto siya doon. “Sige na, bye, mag-ingat ka.” kasabay noon ay iniwan na niya kami.
Napatingin naman ako kay Elaine at kita ko pa rin ang halo-halong emosyon sa kaniyang mata. “Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?” inis na tanong niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya sabay napangiti.
Dahil may katangkaran ako sa kaniya, I bent my knees same to her level at dahan-dahan na lumapit sa mukha niya dahilan upang mapatigil siya. “What if I say yes, ibibigay mo ba yung sarili mo sa akin?”