Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Napadilat ako at bumungad sa akin ang kisame. Napaupo ako sa kama at doon bumungad sa akin ang hubad kong katawan lalo na ang dugo sa tabi ng kama ko. Napatawa na lang ako sabay napahawak sa aking noo.
“T*ngina, did I overdo it yesterday? Akala ko ba madami na siyang lalaking nakasama?” bulong ko na lamang sa sarili ko. I looked at the table at nakita ko ang piece of paper. Napakunot naman ang noo ko at tinignan kung ano ang nakasulat doon.
You did great, although nahirapan lang ako makatayo kanina at nahirapan din akong maghanap ng damit mo na pwede kong masuot dahil pinunit mo yung damit ko so I will take your clothes as kapalit. I hope what happens that night, stays that night. Let’s not see each other again.
Napatawa na lang ako kasabay ng pag-crumble ng papel dahil sa mga nabasa ko. I thought ako ang magsasabi ng mga bagay na iyon, pero bakit biglang bumalik sa akin? Ganito pala ang pakiramdam ng mga babae na sinasabihan ko ng ganito noon.
“Paano kung gusto pa kitang makita? Ano na lang ang gagawin mo?” tanong ko sa sarili ko na tilay baliw na baliw sa nangyari ngayon. That’s the first time na merong babae na nakagawa sa akin ng ganitong bagay.
Napasandal na lang ako sa head rest ng kama at kumuha ng sigarilyo sa tabi ng lamesa ko. I need to lie it down, nakarami rin kami kanina, pero t*ngina, hindi ko alam pero parang gusto ko pa siyang kasama at gawin ang bagay na iyon buong magdamag.
Napatingin ako sa kama ko habang humihithit ng sigarilyo, gulo-gulo iyon. Kasama na roon ang alaala ko kagabi, kung paano ko siya niyaya na sumama sa akin dito sa condo at paano namin sinaluhan ang init nang isa’t isa.
Para akong nanaginip ng gising sa mga oras na ito, pilit na iniisip kung asaan na siya. Pero natapos din iyon, ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at nagpakita doon si Kuya.
“Seryoso ka ba Ethan? Talagang ganito ko madadatnan yung condo mo?” sambit ni Kuya. Napailing-iling naman ako sabay pinatay ang hinihithit ko na sigarilyo. Ayaw na ayaw niya ang amoy ng sigarilyo, pero lagi naman siya pumupunta dito sa condo kahit na alam niya na ninigarilyo ako.
“Ang kulit mo talaga, talagang maninigarilyo ka pa dito?” sambit niya sa akin. Agad siyang pumasok sa loob at binuksan ang balcony para makalabas ang amoy ng usok sa loob ng kuwarto ko.
“Tignan mo nga, meron ka na namang inuwing babae dito, ano? The smell, hindi ka na talaga natuto, look ano ba to basahan?” wika niya sa akin. Habang nakatingin sa pinunit kong damit ni Elaine na ngayon ay nasa sahig na.
“Huwag mo ngang pakialaman Kuya, ikaw na nga lang bumibisita dito, mangingialam ka pa.” napakamot ulo na lang siya dahil sa sinabi ko.
“Ayusin mo nga yung kama mo tignan mo parang akala mo mga wild animals yung nandito eh,” wika niya. Napairap na langa ko sa hangin sabay naapailing-iling.
“Sige na, lumabas ka muna, wala akong kahit ano’ng dami na suot. Pakitawagan na rin yung laundry,” malalim kong sabi. Wala naman na siyang sinabi at mabilis na lumabas sa kuwarto ko at sinarado ang pintuan. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napailing-iling.
Tumayo ako sa aking kama at pinulot sa sahig ang boxer at t-shirt na suot ko kahapon at iyon ang sinuot ko. Matapos noon ay lumabas na ako at nakita ko siya na nakaupo sa couch ko.
“Ang aga mo naman ata, bakit ano’ng problema?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin simula ulo hanggang paa ko.
“Tignan mo nga yung sarili mo Ethan, talaga bang laging ganyan yung gagawin mo? Hindi ka na bumabata Ethan, twenty-six years old ka na. Magbago ka naman, puro pambabae na lang ba ang gagawin mo?” galit na sabi niya sa akin.
“Kuya Adrian naman eh, ano magiging katulad na rin ba ni Kuya Leo? Buti pa si Kuya Enzo,” sambit ko.
“Hoy, hindi ko kasalanan na sinusuportahan ka ni Enzo sa gawain mo dahil gawain din niya iyan noon. Ang akin lang naman, magtino ka na, ilang beses ko ba kasing sinasabi sa ‘yo na lumipat ka na sa bahay.” Napahawak na lang ako sa bridge ng ilong ko.
“Ito na naman ba tayo? Alam mo naman na walang kasama si Mama hindi ba?”
“Wala namang pakialam sa tin si Mama, Ethan. Ilang beses ka na rin hinahanap ni Papa sa akin.” Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“Seryoso ka jan Kuya? Si Papa talaga naghanap sa akin? Baka mamaya magalit iyon kasi nakikita niya yung sarili niya sa akin, na dati rin babaero kaya ang daming anak sa iba’t ibang babae.” Agad naman siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ang kwelyo ko.
“Don’t even go there, kahit ganon si Papa, still Tatay mo pa rin siya.” Napailing-iling na lang ako dahil kitang kita kung paano niya talaga ipagtanggol yung Tatay niya.
“Bakit, hindi ka rin ba naaawa kay Mama? Binuntis lang naman ng magaling mong Tatay yung Nanay natin, hindi lang isa dalawa pa. Alam mo yung mahirap, magbabago na pala ang loko pero nabuo pa ako,” natatawa kong sabi. Bigla namang lumamlam ang kaninang galit niyang tingin sa akin at dahan-dahan niyang binitawan ang kwelyo ko.
“Pasensya na, alam ko na hindi mo pa rin kaya na makipakita sa iba nating mga kapatid.,” wika niya sa akin. Napahinga na lang ako nang malaim at inayos ang sarili ko. “Pero pinapunta ka ni Papa doon mamaya, hinahanap ka na rin ni Tita Serene,” wika niya sa akin.
“Bakit naman nila ako hinahanap?” tanong ko sa kaniya.
“They wanted na pag-usapan yung about sa birthday ninyong dalawa ni Miguel,” wika niya sa akin. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya sa akin. Birthday naming dalawa? Bakit pa?
“Pero tapos na yung birthday ko kaya bakit kailangan pag-usapan yung birthday naming dalawa?” tanong ko sa kanya. Tumalikod ako sa kaniya upang gawin ang ibang bagay na dapat kong gagawin.
“Hanggang kailan mo ba ipagkakait sa sarili mo na parehas kayo ng birthday ni Miguel?” tanong niya sa akin. Napatigil naman ako sabay napatingin sa kaniya.
“Sa aming dalawa, ako yung sampid, ako yung anak sa labas, kaya bakit ako makikipagtalo pa sa mga bagay na ganon. Hindi ba dapat ako yung magparaya? Hindi ko naman kasalanan na sabay kaming nabuo.” Napatigil naman ako dahil naalala ko pa lalo kung ano ang mga nangyari noong nakaraan.
“Pero subukan kong dumaan doon, isa pa kailangan ako ni mama ngayon, sabi niya may ipapakilala raw siya,” seryoso kong sabi. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
“Ipapakilala, sino naman?” tanong niya sa akin.
“Magpapakasal na raw siya eh, gusto niya makita ko yung papakasalan niya. Isipin mo ‘yon may isa ulit tayong Tatay,” patawa kong sabi sa kaniya.
“Magpapakasal? Akala ko ba hindi na niya balak iyon?” tanong niya sa akin.
“Tumatanda na si Mama, ano ba naman na pagbigyan mo siya sa bagay na gusto niya. Isa pa may mga anak siya pero wala siyang asawa? Sa tingin mo gano kasakit yung bagay na iyon? Buong buhay na lang ba ni Mama iisipin niya na naging kabit siya at dalawang pagkakamali yung naging bunga noon?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay napatango-tango.
“Pakisabi na lang sa kaniya na, bibisita na lang ako sa bahay kapag may oras.” Napangiti naman ako sabay napatango-tango.
“Sure, natatanong ka rin naman niya kung ayos ka lang ba o kung nagkakasakit pa rin ba. Sabi ko naman malakas ka na, tignan mo iba’t ibang business yung ginagawa mo,” wika ko sa kaniya. Nanatiling tahimik ng ilang sandali ang paligid naming dalawa matapos kong sabihin iyon. Pakiramdam ko napakadaming mga katanungan ang hindi mabigyan-bigyan ng sagot sa mga oras na ito.
“Sige, una na ako Ethan.” Napatingin naman ako sa kaniya at binigyan siya nang masayang ngiti.
“Sure Kuya, I’m always here. Pakisabi sa Tatay mo salamat sa pera na binigay niya nung nakaraan,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin.
“Sa kaniya mo sabihin, pupunta ka naman mamaya.” Napayuko naman ako sabay napatango-tango dahil sa sinabi niya. Lumapit naman siya sa akin sabay hinawakan ang balikat ko.
“Remember Ethan, tanggap ka doon. Huwag mo ng isipin kung ano yung naging gulo nating magkakapatid 6 years ago, matagal nang tapos iyon. Isa kang Sandoval,” wika niya sa akin. Tinapik niya ang balikat ko bago naglakad palabas ng condo ko. Nanatili lang ako nakatingin sa kaniya hanggang sa isarado niya ang pintuan.
Doon ko naramdaman ang bigat na nararadaman ko dahilan upang mapaupo ako sa upuan. Napahinga ako nang malalim at napatingala na lang sa kisame.
“Sandoval…” bakit hindi ko dama na kabilang ako sa kanila? Bakit hindi ako masaya?