bc

STARTING OVER AGAIN || (COMPLETED)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
3.6K
READ
second chance
independent
brave
boss
drama
heavy
icy
office/work place
office lady
engineer
like
intro-logo
Blurb

Paano mo patatawarin ang isang taong pinili ang lumayo at iwan ka sa ere?

Si Jasmine ay nabuntis ng kanyang nobyo, ngunit hindi pa handa ang lalaki sa responsibilidad bilang ama. Tinalikuran siya ng lalaki at pinili nito ang lumayo. Pero ang paglayo na yun ng lalaki ay may dahilan. Bumagsak ang mundo ni Jasmine, idagdag pa ang pagka disgrasya ng magulang sa kasagsagan ng ulan, nawalan ng preno ang dyip nila at dumiretso sa bangin. Halos mabaliw si Jasmine sa nangyari sa kanyang pamilya. Pero pilit na nagpakatatag ang dalaga para sa kapatid. Nilisan nila ang probinsya at nagpunta sa maynila. Doon ay nag simula ulit sila, tinulungan sila ng matanda. Ngunit dahil napabayaan ng dalaga ang kanyang sarili ay nakalimutan niyang buntis siya at nakunan.

5years later,. muling nagkita ang dalawa .

Hininhingi ni Renzo ang kapatawaran ng dalaga pero sarado ang tainga niya at isip para sa paliwanag ng lalaki.

Magkakaroon pa kaya sila ng pagkakataong magsimula ulit o tuluyan nang kalimutan ng dalaga ang lalaki.

chap-preview
Free preview
STARTING OVER AGAIN : CHAPTER 1 ( HIS BACK )
JASMINE POV "Guy's mauuna na ako sa inyo,bye." paalam ko sa mga ka-trabaho ko. "Okay sis, ingat sa pag uwi." Tugon nila. "Sureness, bye." Nakangiting paalam ko. 3 years na akong nag-tatrabaho sa kompanyang ito. Lahat ng co-workers ko kilala at naka-kasundo ko even si manager Dona. Pag-labas ko, agad akong nag abang ng jeep. "Tatawagan ko nga pala yung isa." Usal ko, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Gaby. "Tsk, bakit di kita ma contact?" Gigil na tanong ko. Hayss gutom pa naman ako, nagluto na kaya yun? Bulong ko. Maya-maya pa may jeep na huminto sa tapat ko agad agad akong sumakay at nag-bayad. After 30 minutes, nasa kanto na iyon village. Pumara ako at bumaba. Walking distance lang ang apartment namin kaya nag-lakad na lang ako para maka-tipid. "Gab? " *tok tok tok * Katok ko sa pinto. "Gabriel!?" Tawag ko ulit. Wala pa ring nagbukas, I use my own key to open the door. "John Gabriel!" Sigaw ko sa pangalan niya. Kaya pala di ako narinig naka headset ang kumag. Lumapit ako at pinitik ang tainga niya. "Aray ate, bakit ka nami-mitik? Angsakit ha." Reklamo niya. "Ehh kasi naman, tinawagan kita di ka ma-contact, kumatok ako di mo'ko pinag-buksan. Tinawag kita di mo ko narinig yun pala naka-saksak sa tainga mo 'yang headset!" Gigil kong sabi sa kanya. "Bakit ka pa kumatok? May susi ka naman at yung sim ko nasa wifi. Ang bagal ng net, nag momodule ako." Paliwanag niya. "Eh di sorry, naka-pagluto kana ba? Anong ulam?" Tanong ko. "Tapos na master, kakain na lang tayo. Teka ihanda ko lang ang pag-kain sa mesa." Sabi niya at nag-tungo sa kusina. Pumasok naman ako sa kwarto ko para mag-bihis. Pag-labas ko naka-handa na ang pag-kain. "Hmm, sarap ng ulam ah. Kailan ka pa natutung mag-luto ng sinigang?" Tanong ko. "Ngayon lang, ginaya ko sa YouTube. Sinubukan ko lang, tikman mo nga ate kung tama lang ba ang alat at asim." Nakangiting sabi niya, tinikman ko naman iyon. "Mmm, wow perfect ha. Galing mag-luto ni bunso. Kain na tayo kanina pa ako nagu-gutom eh. Ang daming trabaho sa office." Litanya ko. "Ayy ate nag-punta pala dito yung land-lady hinatid yung bill ng kuryente at tubig." Sabi niya sa akin. "Ganun ba, asan na? Mag-kano maba-bayaran natin lahat kasama apartment?" Tanong ko. Kinuha niya ang sobre sa ibabaw ng ref. "Andiyan ate naka-sulat lahat." Inabot niya sa akin ang sobre. "Mabuti naman at naisipan niyang ipa-sobre." Tiningnan ko ang bill ng kuryente, 4,760 lahat. "Mamaya ko na ibigay yung pera. Kakain muna tayo." Pag-katapos naming kumain si Gaby na ang nag-hugas ako naman pumasok sa kwarto ko. "Hayss, buti na lang may na-ipon ako." Pag-katapos kong ihanda ang pang-bayad naligo muna ako. "Bunso,paki-lista mo kung anong wala dito ha. Bukas, sahod ko mang-go-grocery ako. Isama mo na rin kung may kailangan ka. Tapos ipatong mo na lang sa lamesa ma-tutulog na ako." Bili ko sa kanya. "Opo ate, ayy ate bukas nga pala may sideline ako. Baka gabi-hin ako." Paalam niya. "Saan naman? Ang tanong ko. "Sa tindahan ni Madam wala daw kasi siyang katulong bukas kaya naki-usap siya sa akin. May sahod naman daw iyon." Sagot niya. "Ahh ganun ba, oh sige-sige. No problem, ako na bahala. Bibili na lang ako ng lutong ulam bukas." Sabi ko sa kanya. "Okay po ate." Pag-katapos naming mag-usap nahiga na ako at natulog. Simula nung namatay ang magulang namin, kami na lang dalawa ang naiwan. Nag-tulungan kami para lang may makain araw-araw. Habang tinatapos ko ang koleheyo ay pumasok ako bilang waitress sa isang Coffee Shop sa gabi. Si Gaby naman nag working-student kay Madam Pacita. Siya ang tumulong sa aming mag-kapatid. Malaki ang utang na loob namin sa kanya. Kaya nung nag-kapag tapos ako at nag-karoon ng maayos na trabaho ay bumawi kami. Nangupahan kami sa apartment niya. Bina-bayaran namin sa saktong halaga, kahit na ayaw niya. Kapag kailangan niya ng alalay sa tindahan niya si Gaby agad ang tina-tawag niya. Lumaki kaming responsable sa buhay, bagay na itinuro sa amin ng magulang namin. Ngayon ga-graduate na siya sa Senior High. Ilang buwan na lang koleheyo na siya. Pasalamat na lang ako at ma-diskarte din si bunso. Ayaw niyang ako lang yung nag-tatrabaho, maging dito sa bahay siya na lahat gumagawa. Araw ng biyerness ngayon. Nag-hahanda na ako para pumasok. "Good morning bunso, ang aga mo nagising ah? Tugon ko. "Good morning din ate, maaga kasing mag-bubukas yung tindahan ni Madam, kaya gumising ako ng maaga." Sagot niya. "Ayy oo nga pala naka-limutan ko. Maliligo lang ako, paki-timpla ako ng kape bunso." May paki-usap na tonong sabi ko. "Sige po." Binilisan ko ang pag-ligo ko, maya-maya pa nag-bihis na ako at nag-ayos sa sarili bago lumabas ng kwarto. Kumain na kami at na-una akong natapos. "Bunso ikaw na mag-sara ng bahay ha. Wag mong kalimutan. Ito na yung bayad sa apartment andiyan na lahat." Bilin ko sa kanya sabay abot ng sobre. "Ma-uuna na ako sayo ha" Paalam ko. "Sige po ate ako na bahala, iwan mo na lang sa lamesa tapos pa-kisara ang pinto pag-alis mo." Sigaw niya mula sa banyo. "Okay, bye bunso." Paalam ko at lumabas na ako ng apartment. Sinara ko din ang pinto. Pag-dating ko sa kanto tamang-tama may jeep na huminto na-kasakay agad ako. After 45 minutes na-karating na rin ako sa kompanya na pina-pasukan ko. "Good morning Miss Jas." Bati ni kuya Joe na gwardiya ng kompanya. "Good morning din po kuya Joe." Bati ko pa-balik. Pag-pasok ko sa elevator pinindot ko ang 2nd floor. Maya-maya tumunog na at bumukas. Nagtaka ako pag-dating ko dahil nag-kumpulan ang mga ka work-mates ko. "Anong meron? Tanong ko sa sarili ko. "Ehem, anong meron? Bakit kayo nag-kumpulan? May chismis? Biro "Ayy buti girl ditey na you. May news si Miss Donalabs" Sabi ni Vince na bakla. "News? Anong news?" Takang tanong ko. "Jas, mabuti at nandito kana. Sir Drew have an important announcement. That's why, we're all here. I don't know kung ano yung announcement niya. Tumawag lang siya this morning sa akin. Sabi niya kompletohin ko daw kayong lahat. Actually his on his way here. Baka nandito na yun later." Mahabang paliwanag ni Miss Dona. "Ahh kaya naman pala. Okay, pero kailangan ko munang ayusin ang table niya, balik lang ako." Paalam ko sa kanila. Binilisan ko ang pag-aayos sa office niya. Ayaw ni Sir Drew na nagkalat ang papers niya sa table niya. "Jas dumating na si Sir, dali na." Tawag sa akin ni Mia "Sige-sige susunod na ako." Sagot ko. Inayos ko muna ang sarili ko. Paglabas ko narinig ko na ang boses ni sir Drew. " Good morning everyone." bati niya ,, " Good morning din po Sir Drew." Sagot ng mga officemate's ko. "Is everybody's here? Walang late or absent?" Tanong niya. "Yess Sir, everybody is present." Sagot nila. "Where is Jasmine?" Hanap niya sa akin. "Inayos ang office mo Sir, pero susunod na daw po siya." Ang sabi ni Mia. "Okay, so I won't take this announcement so long dahil may importanti pa akong lakad. Everyone, I want you all to know that starting today, I am not your Boss." Sabi niya. Nagulat kaming lahat, lalo na ako. Hindi muna ako lumapit sa kanila pero rinig ko ang sinasabi ni Sir. "Sir, bakit po? Aalis na ba kayo?" Nalulungkot na tanong ng mga kasamahan ko. "No I'm not, other branch need me. Kaya kailangan kung lumipat, but dont worry kasi may papalit naman sa akin. He is kind kaya makakasundo niyo siya agad." Sagot niya. "His? So lalaki ang kapalit mo Sir?" Tanong ng isang staff. "Ayy jusko sis, syempre kailan ba naging babae ang His?" Pataray na tanong ni Vince. Nagtawanan naman ang mga kasamahan namin. "His here." Sabi ni Sir Drew. Tumunog ang elevator at may lumabas na lalaki. Di ko makita ang mukha niya pero alam ko na lalaki siya dahil sa suot niya. "Omg! Ang pogi." Tilian ng mga kasama ko. Basta pogi talaga nangingisay sila sa kilig. "Ahm, everyone I want to introduce to all of you. Your new President Mr. Renzo Gaviola." Nabingi ako sa pangalang binanggit ni Sir Drew. Tama ba ang pagkarinig ko? Renzo Gaviola? Napalunok ako at lumapit ako sa mga kasamahan. Gusto kong ma-kumperma ko kung siya ba o baka ka-pangalan niya lang. "Good morning, I am Mr. Renzo Gaviola, your new boss nice to meet you all." *s**t* Napamura ako, kilala ko pa rin ang boses niya. Dahan-dahan akong sumilip, tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko ang lalaking ayaw kong makita. "So where is Jasmine?" Tanong ni Sir Drew. "Hoy bruhaa, anong ginagawa mo diyan? Hanap ka ni Sir." Kalabit ni Mia sa akin. Nagulat pa ako at binigyan nila ako ng daan. Wala na akong kawala. Bakit ikaw pa? bakit ka pa nagbalik? I don't have a choice, pumunta ako sa harapan. Inaayos ko ang sarili ko at di ko pina-halatang kilala ko siya. " Yes Sir, hinahanap niyo ko?" Tanong ko kay Sir Drew. "I want you to meet Mr. Renzo Gaviola, from now on siya na ang magiging boss mo." Pakilala ni Sir Drew sa kanya. Nagulat ako at kumabog ng mabilis ang puso ko. This is crazy, magsasama kami sa isang kompanya? Araw-araw kaming magkikita at iisa lang ang opisina namin. Ano ang gagawin ko? Tanong ko sa aking sarili. "Hi, nice to see you again Ms. Jasmine Esguerra." Nakangiting banggit niya sa buong pangalan ko. Buong pangalan ko pa, ano na lang ang sasabihin ng mga kasamahan ko at ni Sir Drew. "Ahh you two, know each other?" Tanong ni Sir Drew. "NO" "YES" Sabay naming sagot. "Omg! What's going on? magkakilala sila?" Rinig kong bulungan ng mga kasamahan ko. "Hindi mo man lang ba tatanggapin ang kamay ko Ms. Jas?" Tanong niya na nakatitig sa akin. "I'm sorry, nice meeting you." Seryosong sagot. Bumalik lahat ang ala-alang masakit, but i try to hide it. Ayokong malaman ng lahat kung ano ang nakaraan namin ng lalaking to. "So, kailangan ko nang umalis, marami pa akong gagawin. Ahm Ms.Jas, ikaw na ang bahala kay Mr. Gaviola okay?" Bilin niya, nag alinlangan man ako ay tumango na lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook