HINDI mapakali si Mickey habang pabalik-balik na naglalakad sa kwarto niya. Nakatanggap siya ng tawag kanina na nahuli daw ng mga pulis ang grupo ni Jay. Napag-alaman din niya na kasama pala ni Khiane ang kaluluwa ng pamangkin niya ayon na rin sa sinabi ng psychic. “Huwag lang silang magkakamaling ibulgar ang pangalan ko. Iisa-isahin ko ang mga pamilya nila!” aniya sa sarili habang pinipisil ang mga daliri. Maya-maya’y nag-ring ang cellphone niya. Nang makita ang caller ay agad niya iyong sinagot. “Ano ang nabalitaan ko, Mickey?” pormal sa sabi ng lalaki. “Gumawa ka ng aksyon nang hindi ko nalalaman?” “Kung tumawag ka para manisi, hindi iyan makakatulong ngayon. Ako ang kilala ng mga tauhan ni Jay at hindi ikaw!” angil niya rito. Hindi na nga niya malaman ang gagawin ngayon, dumadagdag

