“CAN I have a sec, Khiane?” Napalingon siya sa nagsalita. It was Dennis. Tumango lang siya. Inilapat niya ang cold compress sa gilid ng labi. Naupo ang lalaki sa silyang katapat ng hospital bed na kinauupuan niya. “Nagamot na ba ang mga sugat mo?” “Yeah. Kaalis lang ng nurse na nag-asikaso sa akin.” “Ayos ka na ba?” “Medyo masakit pa ang katawan ko pero ayos na ako.” “That’s good.” Tumango-tango ito. Pagkuwa’y matiim na tumingin sa kanya. “Is it fine with you na hindi ka kilala ni Jane? Hindi ka ba magpapakilala sa kanya?” Napapabuntong hiningang nagbaba siya ng paningin. Kung siya lang, gusto niyang magpakilala sa dalaga. Pero ano’ng mapapala niya kapag ginawa niya iyon? Makikilala ba siya nito? Mamahalin ba siya ulit nito? Si Dennis ang kinikilala nitong nobyo at nakita niya kani

