NASA tapat na sila ng condo unit ni Khiane nang maalala ni Jane na hindi pa pala niya nasasabi dito na si Dennis ang nagmamaneho ng kotse na muntik nang sumagasa kay Ronah. Kailangan niyang masabi dito iyon. Gusto niya kasing maimbestigahan nila ang nobyo niya. “Khiane iyong tungkol sa driver ng kotseng gustong sumagasa kay Ronah.” Khiane opened his unit’s door. “What about it?” “Pumasok ako kanina sa kotse na iyon... at kilala ko ang driver.” Kunot-noo’ng huminto si Khiane matapos isara ang pinto. Tumingin ito sa kanya. “Sino?” “Si—” “Khiane! Thanks God you’re now here!” Sabay silang napalingon ni Khiane sa babaeng nakatayo sa gitna ng sala nito. Nagsalubong ang kilay niya nang mapagsino ang babae. Maging si Khiane ay tila nasorpresa sa hindi inaasahang bisita. “Nica? What are yo

