“TINANONG ko ulit si Drigz kung may nasagap na siyang tsismis kung nasaan ang katawan mo.” “Ano daw?” malamyang tanong niya. Nabawasan na ang excitement na nadarama niya, hindi tulad ng dati. Nasa parking lot sila noon ni Khiane. Lumipas ang buong maghapon na walang nangyari sa pag-iimbestiga niya. Wala siya sa mood na pasukin si Hans sa opisina nito at mag-ispiya. “May narinig daw siyang tsismis na nasa Clemence Medical Hospital ang katawan mo.” There’s an excitement on his voice. “We can check that place, you know.” Medyo late na kaya wala na rin sila halos kasabay doon. Kaya naman hindi nag-aalinlangan magsalita si Khiane. May tinapos pa kasi ito’ng trabaho at ipinasa pa iyon kay Hans. Iilan na lamang ang kotse sa parking lot na iyon. Khiane get in on his car. Lumagos naman siya pa

