CHAPTER FOUR

1943 Words
HALOS tumilapon si Jane nang biglang kabigin ni Khiane ang kotse nito sa tabi ng kalsada. “You— what?” “I’m Jane Lee.” Nanlaki ang mga mata nito. Pagkuwa’y sumiksik sa pinto ng kotse. “What do you want from me? Huwag mo ako’ng guluhin! Wala ako’ng kasalanan sa ‘yo! Get out of my car!” Hindi niya alam kung matatawa o maiinis siya sa reaksyon nito. He looked so horrified. Sa ganda niyang iyon, natakot ito sa kanya nang matanggap sa sarili na multo nga siya? Hah! Nakakainsulto! “Teka, ang sabi mo, hindi ka naniniwala sa multo? Para ngang hindi ka takot sa multo kanina, eh.” “It’s too late para bawiin mo ang sinabi mo. Now, get out of my car!” “And it’s too late para itaboy mo ako. I badly need your help!” “I can’t help you!” “Please, Khiane. Ang gusto ko lang ay mahanap ang katawan ko, ang malaman kung nailibing na ba o hindi pa. B-babayaran kita kapag tinulungan mo ako.” “I don’t need money!” “Kapag nakabalik ako sa katawan ko, gagawin kitang executive.” “Kahit hindi na.” “Ano’ng gusto mong kapalit? Ibibigay ko. Kahit ano.” “Ang gusto ko lang ngayon ay mawala ka sa harapan ko at ibaon sa limot ang mga nangyari ngayong gabi.” “But I can’t and you can’t! Ang sabi ng lalaking nagbalik sa akin dito sa lupa, kailangan kong makahanap ng taong makakakita sa akin. Matutulungan niya akong makaalis sa tapat ng kumpanya at mahanap ang katawan ko. And that was you.” “It’s not me! Ayokong mapasabit sa isang multo!” Kung nahahawakan niya lang ito ay baka nabatukan na niya ito. At kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong, hindi na niya ito kukulitin. “Please, Khiane? Please?” Pinagsalikop niya pa ang mga kamay. “Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ikaw lang ang pag-asa ko.” “But…” “Bakit ba takut na takot ka sa akin, eh hindi naman ako nananakit?” “Multo ka pa rin." “Kalalaki mong tao, takot ka sa multo?” “Hindi ako takot! Ayaw ko lang guluhin mo ang buhay ko.” Napasimangot siya. “Hindi kita patatahimikin kapag hindi mo ako tinutulungan.” “Maghahanap ako ng magaling na espiritista at ipapataboy kita.” “You’re crazy! You wouldn’t do such things!” “Wanna try me?” hamon nito. She helplessly sigh. “Please naman, Khiane. I need you. Hindi ako basta nasagasaan lang. May pumatay sa akin at gusto kong malaman iyon. Hindi pa ako dapat mamamatay. Nagkamali lang si Constantino, ‘yong taga-sundo, sa pagsundo sa kaluluwa ko. Kailangan kong masigurong hindi pa naiilibing ang katawan ko. Kailangan kong mabuhay. Besides,” napatungo siya. “... kailangan kong balikan si Dennis.” “W-who’s Dennis?” “Boyfriend ko siya. Nagkaroon kami ng pagtatalo bago ako masagasaan.” “I see.” Dinig niya ang simpatya nito sa boses. Nabuhayan tuloy siya ng loob. Umaasam na tumingin siya dito. “Tutulungan mo na ba ako?” “Ah, eh…” Mukhang nagdadalawang isip pa rin ito. “Please? Hindi talaga kita papatahimikin hangga’t hindi mo ako tinutulungan.” Matagal siya nitong tinitigan bago napabuga ng hangin at napailing. “Alright. Tutulungan na kita.” “Talaga?” nanlalaki ang mga matang sabi niya. Daig pa niya ang tumama sa lotto sa narinig. “Salamat!” Akmang yayakap siya dito nang iharang nito ang mga kamay sa harap. “Wag kang lalapit sa akin, please lang! Huwag mo na ulit akong hahawakan.” Natawa naman siya. Umayos na sa upuan. “Thank you, Khiane. Thank you very much.” “Okay. Tigilan mo na ang pagte-thank you.” Umayos na rin ito sa harap ng manibela. Sandaling napatitig sa windshield pagkatapos ay ibinalik muli sa kanya ang paningin. Nang makita siya ay napangiwi ito at ipinilig ang ulo. Kinabahan siya. Paano kung bawiin nito ang sinabing tutulungan siya? Pero wala itong sinabi. Binuhay nito ang makina at pinaandar ang kotse. “Paano kita matutulungan,” maya-maya’y tanong nito. “Simple lang, kailangan mo akong samahan sa kinalalagyan ng katawan ko. Naalala kong sabi ni Constantino, hindi ako makakarating sa isang lugar nang hindi ka kasama. You know, sa ‘yo nakasalalay ang paglibot-libot ko.” “So, hindi ka makakapunta sa isang lugar nang ikaw lang? At ibig sabihin no’n, lagi kang nakabuntot sa akin?” “Oo.” Nakagat niya ang ibabang labi nang marahas na huminga ito. “Great.” Napasimangot siya. “Hey, hindi ko rin naman gustong bumuntot sa ‘yo. Never in my whole life na sumunod-sunod ako sa isang lalaki.” “Pero multo ka na ngayon so there’s a difference.” Magpoprotesta pa sana siya pero inunahan na siya nitong magsalita. “Paano kung nailibing na pala ang katawan mo?” “That’s the problem." Napayuko siya. Hindi niya maiwasang makadama ng pangamba. “Ano’ng gagawin mo kapag wala na ang katawan mo?” “Ayaw kong isipin ‘yan pero kung ganoon man ang nangyari, isa na lang ang gusto ko. Ang malaman kung sino ang pumatay sa akin.” “Wala ka bang idea?” Umiling siya. “Wala. Wala naman akong kaaway sa opisina o sa labas. Mabait naman akong tao at alam kong wala akong tinatapakang tao sa pamamalakad ko sa kumpanya. Wala silang dahilan para pagbalakan akong patayin.” “Kung gano’n, mahihirapan tayong isolve ang kaso mo.” Iniliko nito ang kotse sa isang condominium building. Ipinasok nito iyon sa parking lot. “Ano’ng trabaho mo sa kumpanya?” naalalang tanong niya dito. “Photographer ako.” “Really? Hindi ko alam na nangangailangan ng photographer ang kumpanya.” “Madami daw ang projects. Let’s go. I’m tired and exhausted.” Dinampot nito ang camera at bag sa backseat at lumabas na sa kotse. Siya naman ay lumagos palabas ng kotse. Nakita niyang namumutlang nakamata ito sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagkibit-balikat at nagpatuloy na sa paglakad. Wala silang imikan. Hindi niya alam kung ano’ng iniisip nito. Siya ay pinag-iisipan pa rin ang pagha-hire dito bilang photographer. Ang alam niya ay may nakuha nang iba sa posisyon na iyon. Madami nga ang projects ng kumpanya pero sapat na ang photographer nila para suportahan ang projects na iyon. May umalis bang photographer? Hindi niya alam. Sinundan niya si Khiane papasok ng condominium building. Sumakay sila sa elevator. Maya-maya pa’y nasa loob na sila ng condo unit nito. Pansamantang nawala sa isip niya ang pinoproblema at humahangang pinagmasdan ang paligid. Malawak kasi ang lugar nito. Buhay na buhay ang asul na kulay sa dingding. May mga murals doon na lalong nakapagpaganda sa paligid. May mga paintings na nakasabit sa mga dingding at sa isang sulok ay may naka-frame na pictures. Tila galing pa iyon sa isang exhibit. Hindi kataka-takang artist ang naninirahan doon. “Nice place.” “Thanks.” Nilagpasan siya nito at ibinaba ang mga gamit sa mesitang nakaharap sa tv. Ibinagsak nito ang katawan sa sofa. Pumikit ito at hinilot ang sentido. Nilapitan niya ito at naupo rin sa sofa. “Okay ka lang?” “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may kasama at kausap akong multo. Nakaka-stress pala.” “Bakit naman nakaka-stress? Maganda naman ang multong kasama mo, ah.” Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo ito at tinungo ang pinto na palagay niya ay kusina. How rude of him! Pero tinimpi niya ang sariling magalit dito. Sinundan niya ito. Naabutan niyang nagsasalin ito ng malamig na tubig sa baso. “You’re not just a photographer, aren’t you?” aniya rito. Sobrang dami kasi ng appliances nito at alam niyang mahal ang mga iyon. Besides, he can’t afford this condo kung hamak na photographer lang ito. “Architect ako noon,” sagot nito matapos uminom ng tubig. “Tapos, nag-freelance photographer ako.” “Bakit naman?” “Kailangan ko rin ba sa ‘yong ibigay ang resume ko, boss Jane?” sarkastikong sabi nito. Hinugasan nito ang baso at ibinalik iyon sa lagayan. Mukhang wala ito sa mood. “Not really. Nagtatanong lang naman ako dahil wala akong alam sa pagkatao mo.” “I’m so tired para magkwento sa ‘yo. Maybe tomorrow. Or the other day…” Lumabas ito ng kusina at tinungo ang isang silid. Bago ito pumasok ay lumingon muna sa kanya. “Pwede kang magpagala-gala dito pero hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko.” At isinara na nito ang pinto. “Ang sungit! Ano naman kayang mahihita ko sa pagpasok sa kwarto niya?” nakasimangot na bulong niya sa sarili. Tinungo niya ang sofa at naupo doon. May susubukan na lang siyang gawin. Napanood at nabasa niya noon sa mga horror movies at books na nakakahawak din ang mga multo ng mga bagay. Titingnan niya kung totoo nga iyon. Napatingin siya sa gamit ni Khiane na basta na lang inilapag sa mesa. Nilapitan niya iyon. Unti-unti niyang inabot ang camera nito. Pero lumagos lang doon ang kamay niya. Ni hindi niya naramdaman ang matigas na bagay sa palad niya. Ano kayang pwede niyang pagkaabalahan sa bahay na iyon? Hindi naman siya inaantok. Ano kaya kung... pasukin niya si Khiane sa kwarto nito? Napangisi siya sa naisip. IGINALA ni Jane ang mata sa loob ng kwarto. Wala doon si Khiane. Kunot ang noong tuluyan na siyang lumagos sa pader papasok. Madilim ang kwarto at ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag ay iyong galing sa bahagyang nakaawang na pinto. Dinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa. Mukhang naliligo ang binata. Lumakad siya papasok sa loob. Nakita ang mga damit nitong basta na lang inihagis sa kama. Habang naglalakad ay pinagmasdan niya ang paligid. Maluwang rin ang kwarto nito, malinis at masinop. Para bang napakakumportableng tulugan. Sa dingding ay may mga picture na nakasabit, ang iba ay patung-patong pa na tila iyon na ang ginawang mural. Hindi niya lang gaanong makita ang mga nasa larawan dahil nga madilim. Napahinto siya sa paglakad nang makarating sa tapat ng pinto ng banyo. Nagdadalawang isip siya kung titingnan niya doon si Khiane o hindi. Naisip niya kasing baka na-shock nga ito nang malamang multo siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-get over. Baka maisip nitong nababaliw na ang sarili at tuluyang mawala sa tamang wisyo. Baka magpakalunod ito sa banyo! Ah, hello? Paano naman ito malulunod sa pagsashower lang?'At saka masamang manilip ng naliligo lalo na’t lalaki! Bago pa sapian ng kung ano’ng kalaswaan ang pag-iisip at mahuli ng lalaki roon ay tumalikod na siya para umalis. Pero nahagip ng paningin niya ang larawang nakapatong sa bedside table nito. Nasisinigan iyon ng liwanag kaya kitang-kita niya ang mga taong naroon. Lumapit siya larawan. Si Khiane iyon na nakaakbay sa isang babae. Nakasuot ng makapal na damit ang dalawa at tila nasa isang mataas na lugar. Nililipad pa ng hangin ang buhok ng mga ito. Nakangiti ang dalawa sa camera at para bang napakasaya ng mga ito. Girlfriend ba ito ng binata? Sa pagkakatitig sa larawan ay bigla niyang naalala si Dennis. Naalala niya noong nagbakasyon sila sa Paris, France. Umakyat sila sa Eiffel Tower at doon ito nag-propose ng kasal sa kanya. Napangiti siya nang maalala iyon pero napalis din ang ngiting iyon nang maalala niya ang tagpong nabungaran sa opisina bago siya maaksidente. Kapag nakabalik siya sa katawan niya, magagawa niya pa ba itong pagkatiwalaan? Naikondisyon na niya ang sarili na ito ang pakakasalan kaya handa siyang makipagbalikan dito. Pero paano niya ito pagtitiwalaan? Mahal niya ito at sinabi nitong mahal na mahal siya nito. Pero bakit nito nagawa ang bagay na iyon? Napingasan tuloy ang pagtitiwala niya rito. Nasa kanya ba ang pagkukulang? She admit na minsan ay nawawalan siya ng oras dito dahil sa pag-aasikaso ng kumpanyang ipinamana ng ama. But he said, he understand her. Nakakabawi naman daw siya kapag magkasama sila. Nahaplos niya ang larawan bagaman hindi doon dumapo ang daliri niya. Nami-miss na niya si Dennis. Pero sa tuwing maalala niya ito, sumasabay doon ang kataksilan nito. Natauhan lang siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang paghinto ng lagaslas ng tubig sa banyo. Nakita niya ang anino ni Khiane na palapit sa pinto. Hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo sa pader at lumagos doon bago pa siya nito mahuli. Mahirap na. Baka hindi pa siya nito tulungan kapag nalaman nitong hindi niya sinunod ang ipinagbilin nito. Nagbalik siya sa sofa at naupo. Kumusta na kaya ang daddy niya? At ang kumpanya? Itinaas niya ang mga paa sa sofa at niyakap ang mga binti. Malamang na ang tiyahin niyang si Mickey, nakababatang kapatid ng dad niya, ang nag-take charge sa pwestong iniwan niya o nagbalik sa kumpanya ang daddy niya. Pero sa pagtambay niya sa harapan ng kumpanya nang isang araw ay hindi niya nakitang pumasok alin man sa dalawa. Si Hanna lang, ang pinsan niya, ang nakita niyang pumasok. Napabuntong hininga siya. Nami-miss na niya ang buhay niya bago siya naaksidente. Gusto na niyang makabalik sa katawan. Sana lang ay may babalikan pa nga siyang katawan niya. Sana’y hindi pa huli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD