NAPABUNTONG-HININGA si Jane habang nakatitig sa laman ng kopita niya. Tahimik lamang siyang nakaupo sa isang sulok ng function hall na iyon ng isang first class hotel. She’s thinking about K.H. Ang misteryosong sender na nagpapadala ng ilang regalo sa kanya nitong nakaraang mga buwan. Yes. After the shoes and the painting, marami pang sumunod na regalo na galing dito. Maari kayang ang photographer na sumali sa exhibit at ang mysterious sender niya ay iisa? Ipinilig niya ang ulo. Pinag-iisipan pa ba iyon? Isn’t it clear? K.H. stands for Khiane Harold. The same man she met in that exhibit. Kaya alam nito ang kahulugan ng picture na iyon ay ito mismo ang photographer niyon. She remembered Dennis said that Khiane is a photographer. Pero ito nga ba at ang K.H. na mysterious sender niya ay ii

