SHE closed he eyes. Ngunit bago pa siya makatugon sa halik na iyon ay inilayo na nito ang mukha. “I’m sorry.” Her eyes flew open. Nakayuko ito at tila ba talagang sising-sisi sa ginawa. Tila may mga karayom na tumusok sa puso niya. “Hindi ko dapat ginawa iyon. Pasensya na.” Saktong katatapos ng kanta. Unti-unti siya nitong binitawan. Pakiramdam niya ay mas malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa kanya nang dumistansya ito. He wearily smiled at her. “You must enjoy your party. Welcome back, Boss Jane.” Then he turned his back and walked away. Nakaawang ang mga labi na nasundan lamang niya ito ng tingin. She wanted to call him pero tila may nakabara sa lalamunan niya kaya walang lumalabas na tinig doon. Tumitining sa isipan niya ang itinawag nito sa kanya. Boss Jane... “Khiane

