CHAPTER 15 - Ang Pagtatapat Nag aral ng pag indorsement si Carla. Hawak ang isang bote ng shampoo at pinakilala ni Carla ang shampoo sa harapan ng mga kaibigan niya sa harapan kunwari ng camera. Masiglang nililipad ng hangin ang mahabang tuwid at itim na itim na buhok ni Carla, saka sabay na lumingon at naka ngiti sa camera. “ Cut! “ wika naman ng Direktor na kasama ni Sir Theo. “ Good, good. Kailangan pa ng konting practice.” Wika ni Sir Theo kay Carla. “ Thank you po Sir. “ pagpapasalamat naman ni Carla kay Sir Theo. “ Alright, ang lunch ay na sa kabilang room. We need to go there for lunch. “ paanyaya ni Sir Theo sa lahat. Inalalayan ni Sean si Carla at pumunta sila sa buffet kung saan nakahilera doon ang iba't ibang ulam at mga seafoods. Mga iba't ibang salad, Icecream. N

