“ Teka Sean, paki baba na ako. Nangangalay na ako. “ wika ni Ria habang nakaliyad at sapo sapo naman ni Sean ang likod nito. Kinikilabutan siya at namumula ang pisngi niya sa tuwing dumadantay ang mga kamay ni Sean sa kanyang malasutlang likod at braso. Inalalayan ni Sean si Ria na tumayo. Naiilang si Ria kay Sean ng mga oras na `yun. Pakiramdam niya namumula siya sa hiya. Tumindig ng maayos si Ria at pinagpag ang damit. Kinuha ang nilapag na pinamili at patay malisyang kinuha ang isang kamay ni Sean upang ayain itong umalis na sila sa gitna ng mall. Pinag titinginan na silang apat doon. “ aheemmmm! Hintayin ninyo naman kami ni Alexander. Ang lagay eh…. “ natatawang wika ni Twinkle sa dalawa. Halatang nahihiya din ito dahil hawak din nito ang isang kamay ni Alexander at hatak - hatak

