“ Nabusog ka ba mahal ko? Huwag kang mag papagutom mahal. Lagi mong tatandaan na dala mo ang bunga ng ating pag - iibigan. “ paalala ni Cardo kay Victoria na hinimas ang naka aumbok na ng konti ang tiyan.
“ Oo mahal ko. Tatandaan ko `yan lagi. Ngayong dalawa na kami at kasama ko siya sa aking katawan, aalagaan ko siyang mabuti.” nag nining ning sa kasiyahan na mga matang sumang - ayon si Victoria kay Cardo.
Nag patuloy sila sa pag lalakad, kahit may bahid ng pag kapagod ang kanilang mga mukha ay halatang masaya naman ang dalawa. Sumakay sila nang Jeepney at bumaba sa Monumento. Naglakad - lakad pa sila hanggang makarating sa address na binigay sa kanya ni Yaya Ising kay Victoria.
“ Tao po….Tao po! “ lakas loob na kumatok si Victoria sa pintuan na nakasara.
Maya - maya may nag bukas ng pintuan. Isang matandang babae na naka daster ang bumungad sa kanila sa may pintuan. Tignan at inaaninaw sila mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo.
“ Sino po sila?” tanong ng matandang babae kay Victoria at Cardo. Bistida ang suot ni Victoria. Samantalang si Cardo naman ay polo shirt at maong na kupas na. Nag bihis sila sa kubeta ng estasyon ng bus bago sumakay ng Jeepney.
“ Ako po si Victoria at siya naman po si Cardo. Ako po `yung binabanggit ni Yaya Ising na alaga po niya.” Pakilala ni Victoria sa sarili at kay Cardo.
Nagliwanag ang mukha ng matandang babae na hindi pa nag papakilala sa kanilang dalawa. Tanda itong kilala niya si Yaya Ising na nabanggit ni Victoria.
“ Ikaw pala si Victoria iha? Pasok kayo , pasok kayo sa munti kong tahanan. Pag pasensyahan mo na iha at iho ang aking tahanan. Medyo magulo ang masikip dahil sa maliit lamang ito.” paliwanag ng matanda na pinapasok sila Victoria at Cardo.
Pumasok sila Victoria at Cardo sa bahay ng matanda na hindi pa rin nag papakilala sa kanila.
“ Ako nga pala si Aling Iska. Maupo kayo iha at iho.” sinara ng matanda ang pintuan at saka nag pakilala. Pinaupo ni Aling Iska sila Victoria at Cardo. At umupo naman ang dalawa.
“ Anong gusto nyong maiinom? Nag almusal na ba kayo o nananghalian na? Alam ko na malayo ang nilakbay ninyo.” hindi mag kanda ugaga na pag istima ng matanda kay Victoria at Cardo.
“ Manang Iska. Manang na lang po itatawag ko po sa inyo. Manang Iska hihingi sana po kami ng pabor sa inyo. Kung pu-puwede po kaming munuluyan dito sa inyo pansamantala habang nag hahanap po nang trabaho si Cardo. Pangako po na hindi po kami mag papabigat sa inyo.” mahabang winika ni Victoria na hinawakan ang mga kamay ng matanda. Tanda nang katapatan niya sa mga sinabi niya kay Manang Iska.
“ Iha, kahit dito na kayo manirahan. Wala naman akong kasama dito. Sapagkat ako na lamang namumuhay mag isa dito. Hindi na ako mag tatanong kung bakit napa luwas kayo ng Maynila.” nakangiting wika ng matanda at pinisil ang mga kamay ni Victoria at Cardo.
“ Maraming salamat po Manang Iska. Tatanawin po namin itong malaking utang na loob.” maluha luhang pagpapasalamat ni Victoria kay Manang Iska.
“ Wala naman `yun. Parang mga anak ko na lang kayo. Itatawag ko na lang sa inyo ay mga anak. Kasi wala akong anak.” masayang sabi ni Manang Iska sa kanilang dalawa ni Victoria at Cardo.
Nag daan ang mga araw at limang buwan na ang tiyan ni Victoria sa pag dadalang tao. Nag hanap ng trabaho si Cardo at hindi rin
nag tagal ay natanggap din si Cardo na maging pahinante o karkador ng mga mabibigat na tela.
Isang araw nag deliver sila Cardo ng tela para dalhin sa wherehouse ng Company nila, bago sila dumating sa pupuntahan nila ay napadaan sila sa check point.
Nag sila na ang checking sasakyan, binuksan nila ang likod ng sasakyan at pina tingin o pina check nila sa pulis ang kanilang dala na sasakyan. Umakyat ang K9 na aso para amuyin ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Nang huminto ang aso sa isang part ng sulok ng sasakyan at tumahol ito. Mabilis na umakyat ang mga pulis at inalis ang mga gamit na naka harang doon sa tinatahulan ng aso.
Takang - taka man ang dalawa, isang driver at si Cardo na karkador. Nag hintay sila kung ano ang susunod na sasabihin ng mga pulis. Kinakabahan man at nag tataka man sila Cardo ay hindi sila umimik.
“ Nakita ko na! “ Isang pulis ang sumigaw at sinenyasan ang ibang pulis na posasan sila Cardo at ang driver.
“ Teka po, bakit ninyo po kami hinuhuli? “ takang tanong ni Cardo sa mga pulis.
Dinala sila Cardo sa kulungan ng hindi nalalaman kung ano ang kasalanan niya at bakit siya kinulong.
Takang - taka naman si Victoria kung bakit hindi pa umuuwi si Cardo kahit gabing gabi na. Wala pa itong hapunan. Dati sabay silang nag hahapunan. Nagugutom na si Victoria at sumasakit na ang kanyang tiyan sa kadahilanang dumadalas ang pag sipa ng bata sa kanyang sinapupunan.
“ Iha, hindi ka pa ba kakain ng hapunan? Baka mapano ka na niyan. Hating gabi na. “ pag aalala ni Nanay Iska kay Victoria. Mag mula nang tinawag na sila ni Cardo na anak ni Nanay Iska ay tinawag na rin nila itong Nanay. Itinuring na nila itong pangalawang ina nilang dalawa ni Victoria at Cardo.
Dumating ang madaling araw na hindi pa rin kumakain ng pag kain si Victoria at hindi pa rin natutulog kakahintay kay Cardo. Nag aalala na ito. Ano na kaya nangyayari kay Cardo? Napaano na kaya ito? Kumain na kaya ito? Baka na trapik lang si Cardo? Mga katanungan na nasa isipan ni Victoria.
Lumipas ang mga buwan….
Kabuwanan na ni Victoria. Masama ang loob niya habang iniiri ang bata sa kanyang sinapupunan. Mga hinanakit niya kay Cardo Tangulan. Basta na lamang siya iniwan nang hindi nag papasabi, kung saan siya pupunta. Bigla na lang itong parang bula na nawala. Paano ko palalakihin nang mag isa ang bata.
“ Iri mo pa anak Victoria. Isa pa.” pinagpapawisang sabi ni Nanay Iska kay Victoria. Sanay na siyang mag pa anak ng mga buntis, sapagkat isa siyang komadrona ng mga buntis. Pero alam niyang hirap na hirap si Victoria sa pag iri at pag labas ng bata.
“ Aahh…….! Ang sakit sakit. Hu hu hu hu….” humihingal at umiiyak na sabi ni Victoria.
“ Kaya mo `yan anak Victoria. Huwag kang susuko, malapit nang lumabas ang anak mo.” butil butil ang pawis nilang dalawa ni Nanay Iska at Victoria.
“ Aahh…….Hmp…..!” Isang todong mahabang iri ni Victoria upang lumabas ang kanyang anak.
“ Uhaaaa……!” Iyak ng sanggol nang buhatin at paluin ni Nanay Iska ang puwet ng bata.
Ngumiti si Victoria na may pait nang masilayan niya ang kanyang anak na sanggol. Nahabag siya sa anak niya sapagkat hindi man lang ito nakita nang kanyang Ama na si Cardo.
“ Anak, Babae ang bata na anak mo Victoria.” Masayang balita ni Nanay Iska sa namumutlang si Victoria. Binalot ni Nanay Iska ang sanggol sa lampin na puting puti.
“ Mag mula ngayon ang ipapangalan ko sayo Carla Valleria Rivera Tangulan.” kita sa mukhang ang pait at ngiti ni Victoria sa anak na babae. Pagkasabi nun ay bigla siyang naubusan nang hininga at nawalan nang malay.
“ Iha, anak Victoria? “ nababahalang wika ni Nanay Iska. Pinulsuhan niya ang bagong panganak na si Victoria. Maraming naubos na dugo kay Victoria at kita ang hirap sa mukha sa panganganak. Nalungkot at umiyak si Nanay Iska nang malaman niyang wala na itong pulso. Patay na si Victoria. Kasabay nang pag kawala ni Victoria ay ang bunghalit ng todong iyak ng sanggol. Tila dama nang batang sanggol ang pagka ulila niyang lubos.