Hinatid ni Sean ang pamilya niya sa dating Mansion na kinalakihan ni Sean noong bata pa ito. Hindi na muna nila ito ginambala, upang makapag pahinga. Sa tagal ng biyahe ay paniguradong pagod ito at lalo na may kasama silang bata. At saka naman sila ni Penelope ay umuwi sa condo nila, kasama sila Lola Iska na nag hihintay sa kanila. “ Kamusta ang lakad ninyo mga anak? Dumating na ba sila? “ tanong ni Lola Iska sa mga bagong dating. Nag mano si Penelope sa matandang babae at ganun din ginawa ni Sean. “ Lola, magpapahinga lang po muna ako at mag papalit ng damit po. “ pamamaalam ni Penelope kay Lola Iska at kay Sean. “ Ganun din po ako Lola. Mag papalit lang po ako ng damit sa room ko po. “ wika ni Sean na ngumiti sa matandang babae. Tumango naman si Lola Iska kay Sean at nag tungo sa

