Ang kanilang halikan ay nauwi sa tawanan at kilitian. “ Ha ha ha…. Mahal tama na. Nakikiliti ako. “ tawa ng tawa na wika ni Penelope kay Sean. “ Isa pa mahal ko. Bibirit pa ako ng isa pang kiss. Sige na. Please? “ Panunukso pa nito kay Penelope. “ Mahal di pa tayo kasal. Puro ka ganyan. Mamaya mabundat mo na ako niyan. Kahahalik mo sa akin. “ natatawang wika ni Penelope habang kalong kalong ito ni Sean at naka hawak ang dalawang kamay sa mag kabilaang pisngi sa gwapong mukha ni Sean. Saka dinampian ng halik ang dulo ng ilong ni Sean. Saka tumayo na ito at natatawang tumakbo sa kusina. Samantalang si Sean naman ay nag kakamot na sumonod na lamang sa kanya sa kusina upang mag hapunan. Samantala sa Mansion… “ Mama, anong nakain ni Kuya at nag aasawa na agad? Hindi pa niya napag sasawa

