Nalaman ni Sean na pinaiimbistigahan ng kanyang Ina si Penelope. Hinarap niya ang kanyang Ina at kinausap ito ng pribado. “ Mama, ano’t pinaiimbistigahan mo si Penelope? Anong problema Mama sa kanya? “ nasa mukha ni Sean ang pag aalala para sa kanila ni Penelope. “ Huwag kang mag alala anak, pinaimbistigahan ko lamang siya kung ano ang background ng pagkatao niya. Gusto ko mapanatag at malaman kung ano ang dahilan niya kung bakit ka niya pakakasalan. “ mahabang paliwanag ng kanyang ina, habang umiinom ng kape sa balkonahe nila at malapit sa swimming pool. Nag babasa ito ng diyaryo habang papalapit naman si Sean sa Ina. Nag mano ito at umupo sa tabi ng kanyang Ina. Lumapit ang maid at binigyan ng plate at pancake with syrup, ang isa namang maid ay nag serve ng coffee brewed. Nasa lamesa

