-MIA- “S O . . . . sure ka na talaga dyan Maria Isabella ha? Wala nang atrasan yan?”, tanong ni Clang habang naglalakad kami papasok ng ospital para bisitahin si Papa. Naikwento ko na kasi dito ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Primo simula nung reunion hanggang sa pag-uusap namin ng mommy nito. Tumango-tango ako bilang sagot habang nakayuko at nakatuon ang tingin sa dinaraanan ko. “As in wala na talagang chance na magkabalikan kayo? Final na?”, pangungulit nito. “Kulit mo Clang”, komento ko. “Eh pano kung bigla ka nyang balikan at suyuin? Pakiusapan kang bumalik sa kanya?”, tanong nito. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko ito sinagot. “Malabong mangyari. Di ba nga sya na ang nagsabi. Our story is over. So yun na yun. Hindi na din ako maghahabol pa”, sagot ko

