-MIA- “A T E ! ! ! . . “, umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang boses ni Macey. Kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpunta sa munisipyo para kumuha ng sedula at iba pang requirements para sa pagsisimula kong magtrabaho sa Little Angles Preschool. “OOOOOOO!!!”, sagot ko naman mula sa kwarto at nagmamadaling tinapos ang pag-aayos ng sarili. “ATE!!! DALIAN MO SABI!!!!”, ubod ng lakas ulit nitong sigaw. Pinasadahan ko ng mabilis na tingin ang sarili ko sa salamin bago dinampot ang bag at folder na naglalaman ng ilan kong dokumento tsaka tuluyang bumaba. “Ano ba ‘yun Macey?! Makasigaw ka abot sa ka—bi--lang.....”, sigaw ko din habang pababa ng hagdan ngunit unti-unting namatay ang boses ko nang may maabutan ako sa sala namin. Sa hinaba-haba ng panahon ay ngayon ko lang ito na

