-MIA- H I N D I . . . ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko nang magmulat ako ng mga mata at una kong nakita ay ang gwapong mukha ng natutulog na si Primo. Para akong teenager muli na kinikilig habang tila ba kinakabisa ko ang bawat detalye ng mukha nito. Tumagilid pa ako paharap dito para mas mapagmasdan ko itong mabuti. Ang sarap gumising sa umaga at ganito agad kagwapo ang tatambad sa’yo. Bigla kong naisip ang bestfriend ko at si Macey, siguradong aabot sa kabilang barangay ang tili ng mga ito kapag nalaman nitong may nangyari na sa amin ni Primo at hindi lang yun, nagkaaminan na din kami nang tunay naming nararamdaman para sa isa’t isa. Oo, pagod at antok na ako kagabi pero hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko, sinabi nitong mahal nya din ako. Tinakpan ko ang mukha

