PRIMO- “K U Y A . . .? Ikakasal ka ba?”, tanong ni Macey sa’kin habang pinagkikiskis ko ang mga palad ko for the nth time while I nervously wait for Mia to come out of her room. “Ha?”, wala sa loob kong tanong sabay sulyap muli sa itaas ng hagdan nila kung saan tanaw ko ang pinto ng kwarto nila Mia at Macey. Sa totoo lang ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito dahil wala akong ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. “Kung kabahan ka naman akala mo naman hinihintay mo na si Ate sa altar... prom lang ‘to kuya, easy ka lang”, muli nitong sabi pero kunot-noo ko lang itong nilingon dahil hindi ko talaga ito maintindihan. “O ayan na pala si Ate...”, maya-maya ay sabi nito kayat agad din akong napalingon sa direkyon ng mga mata nito. And there she was... the most beautifu

