"T A O . . . ka ba?”, tila nahihipnotismong tanong ni Clang kay Travis nang pagbuksan kami nito ng pinto sa apartment namin dito sa Maynila. Para itong natuklaw ng kung ano at dilat na dilat at akala mo’y natulala.
“Uhh Travis, si Clang, co-teacher ko sa school kung saan ako nagtuturo, Clang si Doctor Travis De Luna, sya ang doktor ni Papa”, pagpapakilala ko dito.
“Uhh.. Hi!”, tila nag-aalangan namang bati ni Travis at pasimple pang tumingin sa akin.
“OMG! Nagsasalita ng salita natin, tao ka nga!”, hirit pa nitong loka-loka kong kaibigan.
“Clang! Tumigil ka nga para kang timang dyan!--”, sita ko sa huli sabay pilit na pinapapasok ito ngunit para talaga itong timang na nakatulala lang kay Travis.
“Travis, ‘lika pasok ka, pasensya ka na maliit lang tong apartment namin tsaka medyo magulo”, nahihiya kong baling sa binata na natiling nakatayo sa may pintuan.
Pasimple kong hinanapan ng pagkaasiwa o pandidiri ang ekspresyon nito nang makapasok ito at iginala ang paningin sa kabuuan ng apartment namin, ngunit wala akong nakita kundi ang ngiti nitong tila iginuhit na doon at hindi mabura-bura.
Maliit lang ang apartment namin, pagpasok mo ay kita mo agad ang lahat, sa kaliwa ay ang maliit na kusina kung saan nandon na din ang maliit na lamesang kainan. Sa bandang kanan ay ang isang shelving unit na nagsisilbing divider ng sala at kusina na pinaglalagyan namin ni Clang ng mga pictures namin at ng pamilya namin. Mga limang hakbang mula sa pintuan, sa kaliwa ay ang nag-iisang kwarto kung saan kami nagsishare ni Clang. Katapat niyon ay ang maliit na banyo.
Nakita kong naghubad ito nang sapatos.
“Ay! Naku wag ka na magtanggal ng sapatos! Okay lang, pasok ka na”, pagpipigil ko dito.
“Are you sure? Ayokong dumihan ang--”
“Sure na sure Doc! Pasok po kayo!”, agad na singit ni Clang na hinawi pa ako upang puntahan si Travis at akayin ito sa bisig papasok diresto sa sala na akala mo ba’y wala ako doon.
Agad nitong pinaupo ang binata sa sofa naming pandalawahan nang hindi inaalis ang mga mata nito sa huli. Naiiling na nagtungo na lang ako sa ref upang tingnan kung ano ang maaari kong I-offer sa bisita.
“So Doc, nililigawan mo nga si Mia?”, narinig kong tanong ni Clang. Hanep talaga itong kaibigan ko, bagay na bagay magsama atsaka ni Macey!
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Travis bago sumagot.
“Uhh, yeah”, anito.
“May kapatid ka ba Doc? Yung kasing gwapo mo? Tsaka kasing bango mo? Yung parang ikaw na din?”, sunod-sunod pang tanong ni Clang.
Mabilis na tinapos ko ang pagsasalin ng orange juice upang daluhan na ang dalawa sa sala dahil baka kung ano pa ang masabi nitong kaibigan ko.
“I have a sister, younger sister”, nahihiya namang sagot ni Travis.
“Uy Clarisse Dimaano, tumigil ka na dyan, ni hindi mo man lang inoffer’ran ng maiinom nag-interview ka na agad dyan”, sabat ko agad tsaka inilapag ang baso ng orange juice sa tapat ni Travis.
“’Apaka territorial nomooonnn...sabagay kung ganito kapogi ang territory kahit ako babakuran ko talaga mga 20 feet!”, as usual ay eksaherada na naman ang isang ‘to.
Nakita kong bahagyang natawa si Travis ngunit agad nito iyong pinigil sa pamamagitan ng pagkagat sa mga labi nito. And there it was again, yung pagkakataong bigla-bigla kong naalala si Primo sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Agad akong nag-iwas ng tingin upang itago ang pagkabalisa sa alalaala ng mukha ng lalaking nakita ko kaninang umaga lang.
“Wait, teka, teka... kayo ba ay siguradong nagliligawan pa lang?”, tanong ni Clang out of nowhere. Nang tingnan ko ito ay nakita kong nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa damit naming dalawa ng binata.
“Paki-explain ang pa-couple outfit???”, tila nanunukso nitong dagdag.
“Uhh, co-incidence lang...”, natatawang sagot ni Travis.
“Or destiny”, agad na dugtong ni Clang.
“Destiny... wala na akong damit! Kaya nga ako lumuwas di ba, para kumuha ng mga damit at iba pang gamit ko. Eto na lang ang meron ako kaya eto ang sinuot ko, dami mong alam!”,
“Nag-explain talaga? Nag-explain?? Ang defensive mo ghorl!.. Doc Travis, medyo pagpasensyahan mo na itong kaibigan kong ‘to ah, valedictorian yan at bright naman din si ghorl pero medyo shunga-shunga pagdating sa pag-ibig, pers lab lang kasi ang meron yan eh, walang second, definitely walang third, pag nagkataon ikaw pa lang ang susunod kaya---”
“Clang! Bibig mo!”, agad kong sita dito dahil as usual wala na namang preno ang bibig nito.
Quotang-quota na ako sa pagkapahiya sa harap ni Travis sa araw na ‘to, una yung eksenang inabutan nya sa bahay kanina bago ako maligo, pangalawa si Macey, pangatlo si Kacey at ngayon pumapang-apat pa itong si Clang! Diyos na mahabagin, please lamunin na sana ako ng lupa!
“Don’t worry, kung sakali ngang ako na ang maging second, ay sisiguraduhin kong ako na din ang huli”, nakangiting sagot ni Travis kay Clang.
Pareho kaming natigilan ni Clang sa sinabi nito. Ako ay as usual, nalilito at naamaze, si Clang ay kung makatingin kay Travis ay akala mo’y parang mga character sa anime na naghuhugis puso ang mga mata.
“Doc? Sure kang wala kang kapatid na lalaki? Kahit kapatid sa labas pwede na”, hirit ni Clang kaya sinamaan ko ito nang tingin.
Naiiling na ngumiti si Travis.
“Uhhh I better go ahead, I promised Mia na ihahatid ko lang sya so I won’t steal the spotlight dahil alam ko gusto nyo din mag-usap", maya-maya'y sabi ng huli at tumayo na mula sa sofa kaya’t ganun din kami ni Clang.
“Ay...akala ko pa naman kasabay ka namin magdidinner”, ani Clang.
“Next time,”, sagot nito sa kaibigan ko tsaka ako binalingan.
“Text me when you’re done, I’ll come and pick you up okay?”, anito sakin. May kung anong tumambol sa dibdib ko dahil ganun na ganun ang palaging sinasabi ni Primo sa akin noon.
“H-Huh? Kung hindi ka uuwi eh san ka pupunta?”, bigla kong naitanong. Akala ko kasi ay uuwi na ito, sabi nya kasi kanina nang nagpumilit itong ihatid ako ay mahirap magbyahe pauwi nang may mga dala-dala kaya akala ko’y sabay din kaming uuwi. Kaya nang magpaalam ito’y para akong napahiya na talagang inasahan kong ihahatid nya din ako pauwi.
“’Apaka clingy agooodddd…”, mahinang komemto ni Clang pero hindi ko na pinansin. Nginitian lang ito ni Travis tsaka muli akong binalingan.
“May mga bibilhin lang din ako, so take your time. You need to reconnect with your circle para hindi puro problema lang ang nasa isip mo. Text me when you guys are done para masundo kita okay?”, mahinahon nitong sagot at sinundan iyon ng malambing na ngiti.
Wala sa loob na tumango ako tsaka ito tuluyang nagpaalam. Ang lakas ang kabog ng dibdib ko, pero kahit na ganun alam kong hindi iyon dahil lang kay Travis De Luna, kundi dahil naaalala ko si Primo sa kanya at sa lahat ng bagay na ginagawa o sinasabi nya.
Nang tuluyang makalabas ng pinto ang binata ay saka nagpakawala ng isang napakalakas na tili si Clang kaya’t nabaling dito ang atensyon ko.
“Pogi? Check! Professional? Check! Gentleman? Check! Yummy? Check na check! Oh my Ghaaaddddd sabi ko na hindi sya tao ghoorl! Ang swerte mo shuta kaaaaaaa”, hindi magkamayaw sa pagtili si Clang at tumatalon-talon pa.
“Clang..aray ko ano ba! Tumigil ka nga!”, pagsaway ko dito nang alog-alogin na din ako.
“Guuurrllll…. Para syang alien sa kagwapuhan! Grabe nag eexist pa pala ang mga ganun kagwapo at kagentleman at the same time! OMG! Feeling ko may sakit ako sa puso baka kailangan kong magpaconfine sa ospital ni Doctor De Luna!!!!!”, dagdag pa nito at OA na humawak pa sa dibdib nya sabay bagsak sa sofa.
“OA mo”, komento ko.
“Di ka man lang ba kinikilig sa mga ginagawa nya para sayo?”,tanong nito.
Napabuntong hininga ako. Kinikilig ba ako? Paano na nga ulit ang kiligin? Eto na nga ba yun?
“More like kinakabahan”, pag amin ko.
“At bakit ka naman kakabahan?”,
Muli akong napabuntong hininga.
“Lahat ng ginagawa nya, lahat ng sinasabi nya…everything about him reminds me of Primo”,sa wakas ay nagawa kong isatinig iyon.
Tinitigan ako ni Clang ng mataman, tila nag iisip ng tamang sabihin sa akin.
“Mia…”, panimula nito sabay hawak sa kamay ko.
“Mahal mo pa ba sya?”, tanong nito.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, naalala ko ang naging pag-uusap namin kanina sa elevator. Obviously, galit pa din sya, after all those years na lumipas. Ang daming naglalaro sa isipan ko. Bakit kaya kami pinagtagpong muli? At sa lahat ng pagkakataon ay doon pa talaga sa kung kailan nagtanong ako kung handa na ba akong buksan ang puso ko. Eto kaya ang sagot ni Lord sa tanong kong iyon?
Hindi ako makasagot kay Clang, nanatali lang akong nakatitig din sa kanya. Napabuntong-hininga ito.
“Hindi ka makasagot, I think that’s a yes” anito sabay bawi na nang kamay at akmang tatayo na nang magsalita ako.
“H-Hindi...”, sabi ko kaya’t napatigil ito at muli akong binalingan.
“H-Hindi ko alam...”, pagkakuway sabi ko.
“Well nagkita kayo kanina di ba? I’m sure from that encounter ay nasagot na ang tanong mo. Ang tanong na lang ngayon eh... handa ka bang aminin at harapin ang sagot na nalaman mo kanina?”, saad nito.
“Clang..”, may pakikiusap sa tono ko.
“Hay! Wag na nga muna natin isipin! Pati ako nadadamay sa pagka-emo mo!”, sabi nito nang marahil ay mahimigan ang pagmamakaawa sa boses ko.
Tumayo na ito at nameywang.
“Wag mo na muna isipin yang pag-ibig na yan, dahil may mas malaki kang problema”, dagdag pa nito habang tinutungo ang working table nito na nasa isang sulok ng maliit naming sala.
May kinuha itong puting sobre atsaka iniabot sa’kin.
Kinuha ko naman iyon at kunot-noong binuksan.
“Nung isang araw pa talaga yan ibinigay ni Principal Torres kaya lang ayoko namang sabihin sayo sa telepono o sa chat lang. Nacarried away naman ako pagdating mo tapos may kasama kang gwapong alien kaya nawala sa isip ko”, anito habang ako’y abalang binabasa ang laman ng sobre. Termination letter.
“C-Clang...a-ano ‘to? Bakit hindi man lang ako kinausap ni Mr. Torres? Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag o ipagtanggol ang sarili ko? Termination agad?”, mangiyak-iyak kong sabi.
Noon pa man ay alam ko nang hindi ako gusto ng matandang baklang iyon, kaya nga sa tuwing may mga out of town na seminar ay palaging kami ni Clang ang pinapadala para daw mawala naman kami sa paningin nya kahit ilang araw lang. Hindi ko nga alam kung anong bang nagawa ko para kainisan nya ako nang ganun. Pero ang hindi ko ubos akalain ay ang pagpaprocess nito ng immediate termination ko nang hindi man lang ako inaabisuhan at lalo pa’t alam naman nito na ang reason of leave of absence ko ay ang pagkakasakit ng tatay ko.
“Gusto ko nang sabunutan na ang matandang baklang hukluban na yun eh! Pinigilan lang ako ni Lalaine at Mam Oliveros!”, gigil na sabi naman ni Clang.
“Pano na ako ngayon Clang? Kung kailan naman kailangang-kailangan namin ng mapagkukunan ng pang gastos para kay Papa”, sa pagkakataong ito ay hindi ko na napagilan ang mga luha ko.
Dinaluhan naman ako nito at hinimas-himas ang likod ko. Gusto kong magalit pero hindi ko naman alam kung kanino ako dapat magalit. Pakiramdam ko lang ay palagi na lang akong hinuhusgahan ng mundo, masakit ay sa mga bagay pang hindi ko naman ginawa.
Umiyak ako nang umiyak. Gustuhin ko mang tumigil ngunit ang bwiset na mga luha ko ay panay pa din ang pag-agos. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal akong nakaupo sa sala habang umiiyak. Pinilit pa akong kumain ni Clang pero ni hindi ko magawang tumayo mula sa kinauupuan ko .Doon ko naalalang itext si Travis, baka hinihintay pa din nito ang text ko. Sinabi kong wag na nya akong sunduin dahil dito na muna ako matutulog sa apartment. Nagsinungaling na lang ako na napasarap ang kwentuhan namin ni Clang kaya’t ginabi kami. Tinext ko din ang asawa ni Kuya Myco na baka pwedeng sa bahay na lang muna sila matulog nina kuya para may kasama si Papa dahil may pasok si Macey ngayong gabi.
Matapos kong mabasa ang reply ni Ate Gisella ay itinaob ko na ang cellphone ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Travis kung meron man. Pinauna ko na ding matulog si Clang dahil may pasok pa ito kinabukasan kahit na nagpipilit pa sana itong samahan ako sa sala.
Mga bandang alas dos na siguro ng madaling araw nang makaramdam ako nang antok. Ngayon ko naramdaman ang pagod, hindi ko alam kung alin ang mas pagod, ang katawan ko ba o ang puso o ang isip ko.