*flashback*
“S O . . .that’s it?”, tanong ko na tila ba naghihintay pa ako ng kasunod na sasabihin ni Nick matapos kong sabihin dito na girlfriend ko na si Mia at sinagot lang ako nito ng ‘congrats’ na may kasamang pagtango.
Ihinanda ko na ang panga ko sa suntok sa oras na sabihin ko sa kanya na sinagot na ako ni Mia.
“What do you mean ‘that’s it’?”, nagtatakang tanong nito at ituloy ay pagdidribble ng bola. Kasalukuyan kaming nasa practice ng basketball nang mapagdesisyonan kong ibalita na sa bestfriend ko ang good news ko, well, at least para sa akin.
“Walang suntok? Walang mura?”, takang-tanong ko pa din habang sinunsundan ito sa bawat pag galaw nito.
Nagdribble ito ng mabilis tsaka ishi-noot ang bola na hindi na ako nag-abalang tingnan kung pumasok ba o hindi. Abala ako sa pagbasa ng ekspresyon nitong bestfriend ko s***h karibal sa panliligaw kay Mia.
Tila tinatamad naman akong tiningnan nito saka mahinang sinuntok sa kanang balikat.
“Happy?”, tamad ulit na tanong nito tsaka tinungo ang bolang ishinoot nya kanina. Agad ko naman syang hinabol.
Hindi kasi talaga ako makapaniwalang ganun nya lang tatanggapin ang ibinalita ko sa kanya. Actually kasi matagal ko nang crush si Mia, kaya lang ay masyado pa kaming mga bata nun at isa pa palagi akong inaaway at sinusungitan ng huli kaya hindi ako makaporma.
Nang mahuli ako ni Tito Caloy na inuukit ang initials naming dalawa sa puno ng mangga sa likod-bahay nila nung first year highschool kami ay wala akong nagawa kundi aminin dito na may gusto ako sa pangalawa nitong anak. Hindi naman nagalit si Tito Caloy, pero pinaalalahan nya lang ako na masyado pa kaming mga bata para sa mga relasyon. Kaya naman nangako akong hinding-hindi ko liligawan si Mia hangga’t makatapos kami.
Kaya nga lang nung minsa’y nalate ako sa practice namin, ay inabutan kong nagkakantyawan ang mga kateam ko, at ang bestfriend ko ang sentro niyon, si Nick. Nang tanungin ko kung anong meron ay kulang na lang malagas ang mga ipin ko nang magtagis ang mga iyon dahil sa sagot nila... may gusto si Nick kay Mia, at tinutukso nang mga magagaling kong teammates na pormahan na nito ang dalaga.
Nung araw na iyon din ay kinausap ko si Nick at sinabing pareho kaming may nararamdaman para kay Mia. Tila hindi naman ito nagulat nang sinabi ko iyon ngunit nilinaw nito na hindi por que magkaibigan kami ay magpapaubaya ito. Kaya sa kaba na baka nga magustuhan din ito ni Mia ay napilitan akong suwayin ang kasunduan namin ni Tito Caloy at magtapat na dito.
Iyon nga lang ay bigla naman ako nitong iniwasan. Sa tuwing susubukan ko itong kausapin ay lagi akong iniiwasan. Kahit na puntahan ko sa bahay nila ay hindi din ako hinaharap, kaya mas lalo akong kinabahan lalo pa nang makita kong kinakausap ito ni Nick at panay ngiti ang dalawa sa isa’t isa. Matinding pagpipigil ang ginawa ko na huwag suntukin ang bestfriend ko nang mga oras na iyon.
Halos magmakaawa ako kay Mommy na wag na akong isama papuntang Canada para sa birthday ni Lola dahil natatakot ako na baka sa saglit kong pagkawala ay tuluyan akong makalimutan ni Mia. But of course, hindi ako mananalo sa mommy ko. Naalala ko pa nun, ni hindi pa nga lumalapag ang eroplano sa Vancouver ay nagsimula na akong magcountdown sa araw ng pag-uwi namin.
Nang makauwi nga kami 3 weeks later ay agad akong pumunta sa bahay nila Mia with the excuse of manghihiram ako nang mga notes nya para sa mga lessons na namiss ko, pero ang totoo ay gustong-gusto ko lang talaga syang makita. But to my dismay, as usual, ay hindi ako nito hinarap at ibinilin lang sa nakababata nitong kapatid na si Macey ang mga notebook nito.
Umuwi akong laglag ang balikat, halos isang buwan ko na syang hindi nakakausap, ni tarayan ako ay di na nya ginagawa. I miss Mia. I terribly miss her. Paano ba ang gagawin ko para makausap ko sya nang maayos?
Wala sa loob na inisa-isa ko ang mga notebook nyang hiniram ko habang nag-iisip nang paraan kung paano ako magtataapat at manliligaw. Doon ko nakita ang notebook na bukod tangi sa lahat. Panay character kasi ng winx ang design ng notebook ni Mia, pero ang isang ito ay namumukod tangi na plain red lang at hardbound. Nang buklatin ko iyon ay doon ko nalaman nang di sinasadya...
June 6, 2000
My Dear P.C.,
Yes! First day of school at first day na official highschool students na tayo! Kabadong kabado akong pumasok sa gate kanina pero nang makita mo ako’t inakay papasok hindi ko alam kung saan na ako mas kinabahan, sa first day of school ba o sa pag-akbay mo sakin! But then, I know in my heart, I got through my first day high no problem dahil andyan ka, palagi akong kasama sa kapag nag-introduce ka, namemorize ko na nga ang linya mo eh ‘Hi, I’m P.C , I love basketball at kababata ako ni Mia, we grew up together so kung may balak kayang pormahan ako, daan muna kayo kay Mia’. Hanep, ginawa mo pa akong guardian mo! Kung alam mo lang, sa bawat babaeng pumoporma nga sayo kung pwede lang ipakulam ko na gagawin ko!
September 27, 2000
My Dear P.C.,
My first ever highschool intramurals! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa mong pagpapatanggal sakin sa cheering squad team! Aaminin ko, kinilig ako nang bahagya dahil nag-aambisyon akong kaya mo ginawa yun ay dahil ayaw mo yung maiksing uniform na isusuot namin pero alam ko namang ginawa mo lang yun para asarin ako at gawin akong watergirl mo sa basketball team!...
July 4, 2001
My dear P.C.,
Masakit na sa akin na makita kang ngini-ngitian ang ibang babae, pero ang nakita ko sa may tapunan ng basura sa likod ng school kaninan uwian ay parang may kutsilyong sinaksak sa puso ko. Ang dami kong tanong, bakit? Bakit? Bakit? But then, wala naman akong karapatang masaktan kung makita man kitang may kahalikang ibang babae dahil bukod sa hindi mo naman alam ang nararamdaman ko ay tiyak na para sayo, ako’y hamak na kababata mo lang.
July 10, 2001
My dear P.C.,
Crush kita noon pa, simula pa lang nung batang gusgusin ka pang palaging nakikikain at nakikitulog sa bahay namin. Sa tuwing naririnig kong dumating ka parang may mga kabayong nagkakarera sa aking dibdib...akala ko’y simpleng paghanga lang yun at kusang mawawala kapag tumuntong na tayo ng highschool.
Halos magiba ang kama ko kakatalon ko nang malaman kong gusto din ako ng babaeng matagal ko nang gusto!
Nang makita ko si Mia sa garden ng classroom namin kinabukasan ay hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya at kausapin. I told her that the feeling was mutual at liligawan ko sya sa ayaw o sa gusto nya.
Dalawang buwan ko syang niligawan. And all seemed to be working out well, until dumating ang ranking namin sa third grading period. Mia was always our top student kaya nang lumabas ang ranking at bumaba sya sa rank 3 ay sobrang nadisappoint sya sa sarili nya. I never cared about ranks, awards and all that stuff, I just enjoy healthy debates and exchange of ideas. But I know how important it is for Mia to be first.
When I tried talking to her after class ay sakin nya ibinuntong lahat ng sama ng loob nya. I knew she didn’t mean what she said, kilala ko si Mia, mula ulo hanggang paa... kabisado ko ang ibig sabihin ng bawat pagtaas ng sulok ng labi nya, o kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nya. Alam ko kung ilang buntong-hinga ang gagawin nya bago sya magwalk out dahil sa boredom o sa inis.
Mas okay na sa’kin na sa akin sya maglash out kaysa sarilinin nya na naman ang mga sama ng loob nya.
Noong araw na yun, I figured na mas makakabuti kong hahayaan ko muna syang mag-isa. But I instantly regretted my idea nang pagdating ko sa bahay ay sya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Sure akong hindi pa nakakauwi si Mia. Kaya nagpasya akong bumalik sa school para ihatid na sya pauwi para na din sa peace of mind ko.
And I was right, pagdating ko sa gate ng school ay natanawan ko agad si Mia nakatalunko sa ilalim ng waiting shed. At kahit nasa malayo ako, alam kong umiiyak ito. Nilapitan ko sya and we all know what happened after that.
.
.
.
.
.
“Di ba sabi ko, may the best man win?”, naagaw ng biglang pagsasalita ni Nick ang atensyon ko.
Ipinasa nito sakin ang hawak nyang bola saka pumwesto sa ilalim ng ring nang nakadipa. Nang makuha ako ang ibig nyang mangyari ay nagsimula na din akong magdribble.
“I thought you said hindi ka basta-basta susuko just because we’re bestfriends”, sabi ko habang patuloy ang pagdidribble.
“Yes, and I did try courting Mia”, anito sabay agaw ng bola sakin. I was caught off guard dahil sa sinabi nya. Kaya ngayon ay nagkapalit na kami ng posisyon, sya naman ang opensa samantalang nagsimula naman akong dumipensa.
“You did? Kelan?”, kunot-noo kong tanong.
At dahil wala sa paglalaro ang focus ko ay agad sya nakalusot at nakapag lay up.
“Way before you started courting her”, kaswal nitong sagot saka muling ipasa sakin ang bola.
“And? Anong nangyari?”, tila lula kong tanong.
Nagkibit-balikat ito tsaka nagpunas ng pawis gamit ang laylayan ng tshirt nya.
“I got reject, out-front", naiiling nitong sagot. Lihim akong napangiti.
“S-sinabi nya ba kung bakit?”, nag-aalangan kong tanong.
Kunot-noo naman akong tiningnan nito bago sumagot.
“Eh dahil sayo! Loko!”, natatawa nyang sagot at sinubukang agawin ang hawak ko ng bola ngunit mabilis ang reflexes ko kaya’t agad ko itong naiiwas.
.
.
.
.
.
*end of flashback*
“Primo, anak, gising ka pa pala”, ani Mama kaya’t nagbalik ako sa kasalukuyan.
“Hi Mom”, bati ko dito sabay umayos ng tayo.
“Si Talia? Tulog na?”, tanong nito habang lumalapit sa double-doored refrigerator na katabi ko lang. Tumango lang ako bilang sagot.
Kinuha nito ang isang pitsel ng tubig at mwestrang ipag-abot ko sya ng baso mula sa overhead cupboard na nasa tapat ko lang din. Kumunot ang noo nito nang makitang naka-on ang coffee maker.
“Magkakape ka?”, tanong nya.
“Opo Ma”, sagot ko at iniabot sa kanya ang baso.
“Baka mas lalo kang mahirapang matulog nyan”, komento nito habang nag sasalin ng tubig doon. Napangiti ako.
“As the matter of fact mom, mas hindi ako nakakatulog kapag hindi ako nagkakape”, natatawa kong sagot. Siya namang paghinto ng coffee maker hudyat na tapos na ito. Kinuha ko ang mug at inamoy muna iyon bago humigop.
“Do you mind if I join you? ”, anito. Tumango ako nagpatiuna na na maupo sa high stool sa may kitchen counter. Ang totoo ay balak ko sanang tumambay sa may pool, kaya lang baka lamigin ang mommy kaya dito na lang sa loob.
“Kamusta naman ang daddy mo kanina?”, muling tanong ni mommy nang ganap itong makaupo sa katabi stool.
“He seemed okay earlier, masigla pa nga eh, inaaya pa akong maggolf.”, natatawa kong sagot.
“That’s good then, alam mo naman ang daddy mo, masyadong dinidibdib ang mga problema ng ospital”.
May ilang segundo ding walang nagsalita sa amin ni Mommy. Hindi naman kami awkward, but we are just not those typical kind of family na open sa mga bagay-bagay. I guess dahil most of the time when I was growing up, ay wala sila kaya sanay akong hindi sila kasama. Siguro nga it’s even safe to say na mas close ako sa mga magulang ni Mia kaysa sa sarili kong mga magulang... well noon, of course.
Nang mag-angat ako nang tingin matapos humigop ng kape ay nakita kong nakatitig sakin si Mommy.
“You okay?”, tanong ko. Humugot muna ito nang malalim na hininga at tila ba nag-aalangan sa sasabihin nya.
“You’re dad told me what happened in his office today”, sa wakas ay nagawa nitong sabihin.
Bahagya akong natigilan. Alam kong ang pagkikita namin ni Mia ang tinutukoy nito.
“Yeah”, tipid kong sabi. Nagkunwari akong uminom muli ng kape upang hindi mahalatang nag-iiwas lang ako nang tingin.
“And...did you talk to her?”, tila curious na tanong nito.
“Briefly. Nothing major”, muli ay pinilit kong panatilihing kaswal ang tono ko.
“Did she tell you anything?”, muli ay tanong nito.
“About what?”, kunot-noo kong tanong.
“J-Just...anything, you know...a-an explanation, or..or.. Anything”,
“Mom I said it was a brief encounter. Besides, ang tagal na nun, it’s not like may dapat pa kaming pag-usapan. I’ve moved on... at judging from the scenarios earlier, it looks like she’s moved on too”, pilit kong itinatago ang iritasyon sa boses ko.
“...and that makes you angry?”,
Napabuntong-hininga ako nang marahas.
“Ma, andito ako for the outreach, for work. After this Talia and I are going back to our own lives in Canada. Let’s not complicate things, please”, muli akong humigop ng kape.
Muli ay tumahimik ito. Inubos ko na ang kape ko at tatayo na sana nang muli itong nagsalita.
“Primo, your dad has lung cancer, Stage 3”.
Natigilan ako at mabilis na napatingin kay mommy. I was hoping na sasabihin nyang ‘it’s a prank’, but when I saw her starting to tear up, I know those hopes are far from reality.
Muli akong naupo dahil pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas. Hindi kami close ng mga magulang ko, pero iba pa din pala kapag nalaman mong anumang oras ay pwede silang mawala sayo.
The silence was filled with my mom’s sobs.
“Kailan nyo pa alam?”, ang tangi kong nagawang sabihin.
“Three months ago,”
“Why didn’t you tell me?”,
“Ayaw na sana ipasabi ng daddy mo sayo. Alam nyang kapag nalaman mo ay mapipilitan kang umuwi and he knows how hard that would be for you”, patuloy sa pag-iyak si mommy.
“Mommy hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko”, sa puntong ito ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ni mommy kaya niyakap ko na lamang ito.
“Alam ba ni Tito Nico?”, bigla kong naitanong.
Tumango naman si mommy at kumawala sa pagkakayakap sa akin. Tito Nico is Nick’s father.
“Ang Tito Nico mo ang pumilit sa daddy mo na magpacheck after he collapsed during one of the morning huddle. He had been having chest pains and difficulty of breathing for a while but you know your dad, he thinks he is invincible! I had a feeling, and I know may hinala na din sya, but he was in denial”
I was in daze. I am so used to being the one who breaks heartbreaking news to my patients, but not the one receiving it.
“And is he getting any treatment?”, sa wakas ay naitanong ko.
“Yes, he started his radiation therapy straight away, buti na lang napilit ni Nicholas ang daddy mo. He appointed himself as his oncologist”.
Inabutan ko ito ng tissue na nakapatong sa kitchen counter, she smiled weakly bago pinunasan ang mga luha.
“But if he’s sick, bakit hinahayaan nyo pa din syang magtrabaho? Mas lalo iyong makakasama sa kanya”, pagkakuway tanong ko matapos ang ilang minutong pag-iisip,
“Primo, ang ospital ang naging buhay ng daddy mo for so many years, malaki ang naging papel nya para marating ng San Mateo Gen ang kinatatayuan nito ngayon. He would not let just anyone take over. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan nyang pwedeng pumalit sa kanya, but he knows you are not ready to come home at ayaw ka nyang pilitin”.
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni mommy. Napako ang tingin ko sa kamay kong nakapatong sa counter.
“Anak...I know your dad would never ask you this, pero, anak... please, come home. Tulungan mo ang daddy mo. Tutal sabi mo naman, Mia has moved on. You have moved on. Baka naman it’s time for you to come home to us”, ani mommy sabay pinisil ang kamay kong tinititigan ko kanina.
Nag-angat ako ng tingin upang salubingin ang tingin ng mommy. There was desperation in her eyes. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hinga bago ako nagsalita.
“I don’t know mom...I---”, I was lost for words for a few seconds there. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
My mom is still looking at me as if waiting for what I have to say.
“I still have to consider Talia’s opinion. Kung mayroon mang mas pinakamaapektuhan ng pag uwi namin dito, sya yun”. Isang buntong hininga ang sinukli ng mommy.
Pagkuway tumango at binawi na ang kamay nya.
“I understand, may sarili na kayong buhay. Minsan na naming tinggal sayo ang karapatang magdesisyon para sa sarili mo, I won’t make that same mistake again”, she smiled weakly and stood up.
“Since you and Talia came home, nagkabuhay ulit ang mansyon. We may not be the typical kind of family who are always together, but we love you anak. And we missed you”, dagdag pa nito sabay pinisil ang kaliwa kong pisngi at sinabayan iyon ng isang mainit na ngiti. Hinawakan ko naman ang kamay nyang nasa pisngi ko at pinisil din iyon.
Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon, at doon ko natitigang mabuti ang mommy ko. She has aged. Funny na ngayon lang iyon nagsink in sa akin. In my mind my mom would always be thirty five. Sa sobrang pagfofocus ko sa pagbuong muli ng sarili ko, nakalimutan kong tumatanda din pala ang mga magulang ko, na hindi magtatagal ay darating ang araw na hindi ko na sila kasama. I suddenly felt that all those seven years of being away were time wasted.
Lumabas na si mommy ng kusina at naiwan akong mag-isang nakaupo pa din sa may kitchen counter. Naglalaro sa isip ko ang samu’t saring bagay.
Napahawak ako sa ulo ko at bahagyang hinilot-hilot ang banda noo.Maya-maya pa ay hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Oo, hindi ako malapit sa mga magulang ko. Pero pagbali-baliktarin man ang mundo, magulang ko sila. At masakit para sa isang anak na malamang ano mang oras ay pwede silang bawiin sayo.
Napadukdok ako sa kitchen counter sa halo-halong nararamdaman ko, gulat at lungkot, frustration, pagkalito sinabayan pa ng physical exhaustion dahil sa kabilaang trabaho. Hindi pa man nagsisimula ang mga surgeries ay pagod na pagod na ako.
Habang nakapikit ako ay muling nagflashback sa akin ang tagpong nakita ko sa restaurant kaninang hapon. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghila nang antok sa akin.
Maya-maya ay may narinig akong tinig na hindi ko sigurado kung totoo o panaginip.
“Daddy...”