-MIA- A P A T . . . araw makalipas ang highschool reunion namin... apat araw na din simula ng huli kong makita si Primo. After that night ay hindi na ito muling nagparamdam sa akin. Kahit na ilang ulit ko ding pagsabihan ang sarili kong wag nang maghintay at wag nang umasa dito, ay hindi ko pa rin maiwasan huwag umasa na sa tuwing tutunog ang cellphone ko ay sya iyon, o na sa tuwing may pipindot ng doorbell naming paos ay si Primo iyon. Para din akong tangang panay ang paglinga-linga sa tuwing naglalakad ako sa kalye namin sa pag asang madaraan ang lalaki at makikita ko ito. Pero syempre, palagi akong bigo. Naabutan kong naglalagay ng make up si Macey habang nakatapat sa maliit na salamin sa sala namin habang ako’y tuloy-tuloy na humilata sa sofa na parang lantang gulay. Kauuwi ko

