SPG ALERT! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!! L A K A D – takbo ang ginawa ko para makasabay ako sa mahahaba at mabibilis na hakbang ni Primo habang kinakaladkad ako nito sa braso. Halos madapa-dapa ako dahil sa suot kong heels at sa kirot na dulot ng sugat ko sa tuhod dahil sa pagkakadapa ko kanina. “A-Aray… dahan-dahan Primo…”, daing ko pero hindi nito iyon pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad. Ilang saglit pa ay narating namin ang kotse nitong nakaparada kahelera ng iba pang mga sasakyan ng mga nag-attend ng reunion. Tumunog iyon ng dalawang beses at umilaw hudyat na binuksan nito iyon. Agad nitong binuksan ang passenger’s side at halos itapon ako papasok doon. “Get in”, maawtoridad nitong sabi. Para akong lantang gulay na walang lakas na tumaliwas pa dito. Sa itsura nito

