-PRIMO- *flashback* S U N O D . . . sunod na katok sa pinto ng kwarto ko ang gumising sa akin. Muli akong napapikit dahil sa liwanag ng sikat ng araw na agad na tumama sa mata ko pagkadilat na pagkadilat ko. Para namang hinihila akong muli ng kama ko at ayokong bumangon. Halos mag-uumaga na kasi nang matapos ako sa nirereview ko para sa exams namin next week. Dalawang linggo na akong nagsusunog ng kilay and I am just too grateful to have a very understanding girlfriend na hindi nagrereklamo kahit na missing in action na ako ng dalawang linggo. She understands that med school is really demanding and she is very supportive about it. “Primo! Wake up!”, narinig kong sigaw ng boses mula sa labas at muling inulan ng katok ang pinto kong gawa sa narra. Padabog akong bumangon at halos ibato

