One
One week, before...
Beers: check.
Pulutan: check.
My friends: ekis.
I invited my friends to came at my Apartment para uminum. No occasion, sadyang trip ko lang magyaya kasi naman simula nang maka graduate kami ng college minsanan nalang kaming mag kita-kita kaya nakakamiss lang.
Pero until now wala parin sila, sinabihan ko silang pumunta ng Apartment ko ng 6pm kasi alam kong mga Pilipino time sila, pero 7:30pm na wala parin sila. Nakakaloka na yung pagiging Pilipino time nila.
I decided to dial Calvin's number para malaman kung nasaan na siya. Calvin Bautista is my best friend. Yup I do have a guy best friend.
Two rings bago niya sagutin. "Nasaan ka na ba?" Sabi ko pagkasagot niya.
"Ito na, naka park na sa tapat ng Apartment mo." Pagkasabi niya nun, tumakbo agad ako papunta sa pinto para buksan ito at nakita ko na nga siyang pababa ng kotse niya.
Tumingin siya sa direksyon ko 'tsaka kumaway gamit yung kamay niyang may hawak na cellphone. I waved back at him.
Naglakad siya papalapit sa'kin na may bitbit na foods, pang dagdag pulutan siguro. Pagkalapit niya niyakap ko agad siya dahil dalawang buwan din ata nung huli ko siyang makita.
"Na miss kitang ugok ka!"
"Soph, 'wag ka naman masyadong mahigpit ang yakap nakakasakal eh." Pagaangal niya kaya bumitaw agad ako sa pagkakayakap sa kanya, 'tsaka ko hinampas siya sa dibdib niya.
"Tagal mong 'di nag paramdam ah, kung 'di pa 'ko nagyayang uminum 'di ka pa magpapakita!" Pagtatampo ko.
He chuckled. "Busy sa work eh."
"Tss... ang sabihin mo yang possessive mong girlfriend ang pumipigil sa'yong makipag kita sa'kin." Yup, may girlfriend siya at sooooobrang as in selos na selos siya sa'kin, paano kasi mas maganda ako sakanya. Haha! Echos lang syempre.
Inakbayan niya' ko. "Well syempre kasama yun, pero talagang busy din." See? I knew it.
"Buti pinayagan ka niyang pumunta dito?"
"Nag away pa kami bago ako payagan dito." Haay! Talaga naman, sasabunutan ko talaga yun eh. Kung 'di lang dahil dito kay Calvin baka kinalbo ko na yung babaeng yun. Maiintindihan ko ang pagseselos niya kung may ginagawa kaming kalokohan ni Calvin pero... wala eh. Wala kaming talo-talo nitong Bestfriend ko.
Nag simula na kaming pumasok sa Apartment ko, 'tsaka dumiretso sa Sala.
"Nasaan na sila Kara at Edward, bakit wala pa?" Tanong niya ng makaupo siya sa sofa ko.
"Ewan ko do'n sa mag jowang yun, sarap paltukan lagi nalang late."
"Baka busy pa sa kama." Natatawa niyang sabi.
"Alam mo 'yang bibig mo walang pag babago!" I disapprovingly said then umupo ako sa tabi niya 'tsaka kinuha yung bitbit niyang foods at inilapag 'to sa maliit na lamesa sa harap namin 'tsaka tinignan yung laman.
Mmm... my favorite, fried chicken. Amoy palang nakakatakam na.
"Thank you, ugok." I said grinning.
"Welcome, Bata." I give him a sweet glare, lagi nalang niya 'kong tinatawag na Bata 'pag binibigyan niya 'ko ng fried chicken, paano kasi mukha daw akong bata 'pag nakakakita ng fried chicken. Sorry naman!
Pareho naming narinig na may nag doorbell mula sa labas kaya pareho kaming napatingin sa direksyon ng pinto. Ako ang tumayo syempre para pag buksan yung nag bell kasi naman ako mayari ng Apartment. Pag bukas ko ng pinto nakita ko na yung mag jowang hinihintay namin.
"Hey Sophie beb." Kara greeted lively.
"Bakit ngayon lang kayo?" I asked raising my right eyebrow.
"Traffic eh." Edward answered, smirking.
"Bagong bagong palusot ah." Sabay silang tumawa sa sinabi ko. I rolled my eyes.
Pinapasok ko na sila para naman makaupo na sila at para masamahan na si Ugok na nag iisa sa sala. "Vin, akalain mo nga naman oh. Buti wala ka sa palda ngayon ni Cynthia mo." Pangaasar ni Kara na dahilan para tumawa kaming lahat. Paano kasi lahat kami banas sa jowa ni Calvin, maldita kasi talaga eh.
"Grabe kayo sa'kin ah." Pagaangal niya.
"Under ka kasi, dude." Pangaasar din ni Edward.
"Nag salita ang hindi."
"Hindi talaga 'no, masunurin lang." Edward said winking on Kara. Ano namang pinag kaiba nun? Under parin ang kahulugan nun.
"Since nandito naman na tayong lahat, uminum na tayo." I said interrupting their conversation.
Pumunta na muna 'ko sa kusina para kunin yung pulutang niluto ko, sisig lang naman ang niluto ko na talaga namang masarap. Luto ko yun kaya syempre ipagmamalaki ko, pero syempre most requested nilang pulutan yun kaya no choice.
Tinulungan naman nila ako sa pag bitbit ng beers papunta sa sala dahil doon kami iinum. Nang ma-settled na namin lahat, sinimulan na namin ang inuman.
"Sophie, nag paparamdam pa ba sa'yo yung ex mong si Liam?" Kara asked.
"Ayaw ko siyang pag usapan." I snapped.
"Bakit anong ginawa sa'yo nung gagong yun?" Calvin asked.
"Kalma, wala naman eh. Sadyang ayaw ko lang pag usapan, alam n'yo namang fresh pa yung hiwalayan namin kaya ekis muna 'yang topic na 'yan." Pag kasabi ko nun, nakarainig kami ng doorbell mula sa labas. Hmmm? Wala naman na kaming hinihintay ah, sino naman kaya yun?
"May bisita ka ng ganitong oras?" Kara asked.
I stand. "Titignan ko lang kung sino yun." Nag lakad na ko papunta sa pinto habang inaayos yung buhok. Nag bell ng nag bell yung tao sa labas na dahilan para mag madali akong pag buksan yun. Sino ba kasi yun? Atat naman masyadong pagbuksan ng pinto.
"Sino ba 'yan?" I yelled, opening my door. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung taong wagas maka-doorbell ay ang ex kong si Liam. Shocks!
"Sweetie.." he's drunk. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako at dahil sa kalasingan niya, 'di na niya kinayang tumayo at dahil mabigat siya napaupo ako sa sahig. Pambihira naman oh!
"Guys..!" I called them.
"Mmm.. sweetie.." Liam murmured. Tss.. bakit ba niya 'ko tinatawag pang sweetie? eh wala naman na kami. Ano 'di pa siya makapag move on gano'n? Haay!
"Oh! Anong nangyari dyan?" Pagtataka ni Kara habang nakatingin kay Liam na halos hindi na makatayo.
"Lasing eh, patulong namang dalhin siya sa guest room oh." Sabi ko do'n sa dalawang boys.
"Dito mo siya papatulugin? Baka kung anong gawin niyan sa'yo!" Calvin said pointing Liam.
"Eh kesa naman pauwiin ko 'to ng ganito, 'wag kang magalala kilala ko 'tong mokong na 'to wala 'tong gagawin." Paniniguro ko.
Wala na siyang nagawa kundi pumayag. Si Edward at Calvin ang nag buhat kay Liam papunta sa guest room, ako naman ang nagayos ng kama para sakanya.
"Sure kang walang gagawin sa'yo 'yan?" Calvin asked.
"Wala nu! Sa dalawang taon naming relasyon ni wala ngang nangayari sa'min eh ngayon pa kayang wala na kami."