Hindi mahinto ang pagkwento ko kung gaano ako ka-excite at kasaya kay Calvin dahil sa balitang buntis na si Kara. Alam kong dapat hindi ko muna idaldal yun hangga't hindi pa nasasabi ni Kara kay Edward ang lahat pero ‘di ko talaga mapigilan. Sobrang nakaka excite kasi talaga eh. Eto ang magiging first baby sa aming magbabarkada kaya sobrang nakaka excite.
"Bakit parang mas excited ka pa kay Kara?" Calvin asked.
"Eh kasi naman, imagine magkakaroon na ng baby sa barkada. ‘Di ka ba na e-excite do’n?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"Uh... hindi ko alam."
I rolled my eyes. "Alam mo, minsan talaga wala kang kwenta kausap."
"Grabe ka naman!" He makes a fake hurt face.
I shrugged. "Just sayin!" Tumitig siya sa’kin at unti unting sumeryoso yung mukha. Hala! Mukhang na offend sa sinabi ko, pambihira! Kailan pa ‘to naging sensitive?
"May sinabi bang dahilan sa’yo si Liam kung bakit siya nandito kanina?" He suddenly asked. Oh!!! Hindi pala siya na offend sa sinabi ko, tungkol pala kay Liam kung bakit siya biglang sumeryoso.
"Uh... m-meron." I hesitantly said. Dapat ko bang sabihin ang totoo na nakikipag balikan si Liam? or ‘wag nalang? Pero siguradong ipipilit niyang sabihin ko yun.
"Ano yun?"
I stand not facing him. "Gusto mong kumain? Nagugutom na kasi ako eh." Pagiiwas ko.
"You obviously changing the topic."
I sighed, facing him. "Fine! Nakikipag balikan siya."
"And?"
"And... what?" I asked confused.
"Sinagot mo ba yung tanong niya?"
"I told him na hindi ko pa alam ang isasagot sa kanya."
"May chance ba na magkabalikan kayo?" He asked again he’s looking straight at my eyes. Grabe bakit ba napunta agad sa ganitong kaseryoso ang usapan namin?
I close my eyes and i take a deep breath. Then tumingin ulit ako sa mga mata niya at nagsalita. "Wala na." Ayoko ng idagdag na dahil yun sa wirdong nararamdaman ko sakanya baka kasi mag feeling siya eh.
He finally smiles, again. "Dahil ba sa’kin?"
"Aba! Ang kapal ha!"
He laughed at my reaction. He stands and holds my both cheeks. "Tama ‘yan ‘wag ka munang umamin, gusto talaga naming mga lalake ang mga pakipot." He winks.
Tinangal ko yung mga kamay niya sa pisnge ko. "HeHe!" I sarcastically said. "Masyado kang feeling nu?!" I added.
He shrugged. "Sakto lang." Inilevel niya yung mukha niya sa mukha ko, akala ko hahalikan niya ko pero hindi. "Ngayon, gutom na ‘ko magluto ka na... please." He said, puppying his eyes.
Hinawi ko yung mukha niya at tumalikod. "Oo na!" Kailangan mag pa-cute pa talaga sa harap ko?
Nag lakad nalang ako papunta sa kusina ko para masimulan na ang mag luto. Naramdaman ko lang nag pag sunod niya sa’kin pero ‘di ko lang siya pinansin. ‘Di rin naman niya ‘ko ginulo sa pag luluto ko kaya mabilis ko lang natapos yun.
Nang matapos naman akong mag luto, pinagsaluhan naman agad namin to. Gutom siya kasi, paano ko nasabi? Takaw eh.
Nang matapos kaming kumain, we decided na uminum ng kunti bago siya umuwi. Tutal medyo maaga pa naman kaya ‘di na ‘ko tumangi, ‘tsaka pang patulog din ‘to.
Kaya nasa sala kami ngayon at umiinum, habang mag katabi. Hawak hawak niya lang yung kamay ko, hilain ko man ayaw naman niyang pumayag kaya hinahayaan ko nalang.
"Ano bang meron sa kamay ko at hinahawakan mo?"
"Hayaan mo na ko minsan lang manantsing eh." Baliw talaga!
"Minsan? Napapadalas na kaya!" I said making him laughed.
"Napapadalas na ba? ‘Di ko napapansin eh." He said laughing. I rolled my eyes then ininum nalang yung beer ko, since wala naman talaga siyang planong bitawan kamay ko ‘di ko na pinilit pang hilain.
Naramdaman ko ang pag halik niya sa kamay ko, kaya ‘di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko pag katapos niyang halikan yung kamay kong hawak hawak niya.
He was about to kiss my lips, pero nahinto nung biglang mag ring yun cellphone niya. Kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone niya at tinignan kung sino yung tumatawag. Bigla napakunot noo siya ng makita niya ‘to atsaka tinago ulit sa bulsa niya yung cellphone.
"Sino yun? Bakit ‘di mo sinagot?"
"Wala lang yun." Para siyang biglang nawala sa mood. Uminum nalang siya sa ulit nung beer.
"Si Cynthia ba?" Tanong ko. Tumingin siya sa’kin at kita sa mukha niya na tama ako ng hinala na yung ex nga niya yun. Hindi ko alam pero parang medyo, nainis ako sa nalaman ko.
"Nakikipag balikan ba siya?" Ngayon oras ko namang mag tanong.
"Wala na ‘kong planong gawin yun." Dati pinu-push ko siyang balikan niya si Cynthia pero ngayon nakahinga ako ng maluwag.
"Pero nakikipag balikan nga siya?"
"Oo. Alam mo na, gwapo ko kasi." He tries to make a joke, pero ‘di ako natawa. Uminum nalang ako ng beer at ‘di na nag salita, wala din naman akong maisip na sabihin kaya... shut up nalang!
"Soph... don't tell me nag o-over think ka na naman?" He asked.
"Wala naman akong sinasabi."
"Yun na nga eh, wala kang sinasabi. Mas gusto kong may sinasabi ka para alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo."
"Wala naman akong iniisip."
Binitawan niya yung kamay ko at tumayo. "Sige, uuwi nalang ako." Hinalikan niya ‘ko sa ulo ko ‘tsaka nag lakad paalis ng sala.
Haay! Ano ba ‘tong kinikilos ko? Pati tuloy ako naiinis na sa sarili ko. Sa kanya na nga nanggaling na wala na siyang planong balikan si Cynthia pero ‘di ko parin maiwasang magselos. Oo, alam kong hindi kami pero nag seselos pa din ako.
Tumayo ako at hinabol siya palabas. "Calvin," i called, pasakay na siya ng kotse niya. Tumingin siya sa’kin ng blangko.
Naglakad ako papalapit sa kanya at hinawakan siya sa mag kabilang pisnge ‘tsaka hinalikan ang labi niya ng hindi gano’n katagal pero hindi rin naman mabilis. "Goodnight." I said after the kiss.
He smiles. "Goodnight."