Nasa trabaho ako ngayon pero yung utak ko parang naiwan sa pag iisip sa bahay. May tiwala naman akong aalagaan ni Calvin ang anak ko kaya lang first time kasi ‘tong ibang tao ang magaalalaga sa anak ko at lalake pa, sana naman hindi makalat sa bahay pag uwi ko. "Magiging ayos lang sila." Patty said sensing my thought. I sighed. "Sana nga." Sinubukan ko nalang mag focus sa trabaho ko kahit na mahirap, nag libot nalang muna ako ng resort para i-check ang trabaho ng mga employees para iwas pag iisip. Nakatulong naman siya kahit papaano. Nang matapos ang working hour… Ako ang Manager pero, ako ang pinaka nagmamadaling makaalis ng resort. Halata yun ni Patty kaya hindi na siya nag pahintay para sabay kaming pumunta sa parking. Dumiretso ako sa pag punta sa park

