Naghighbeam ang kanyang sasakyan sa aking likuran noong bandang alas-otso. Bumaba agad siya at pumunta sa aking kotse. "Are you okay?" Tanong niya at nilingon pa ang flat na gulong. Tumango ako sa kanya at lumabas na din para ipaliwanag ang nangyari sa aking kotse. "Wait here, may tools ako sa Dspec ko." Binuksan niya ang likuran at may kinuhang tool box. Sinilip niya ang gulong. Inikot pa niya iyon at tinaas. Umiling siya ng nakita iyon. Inabutan ko siya ng tissue at alcohol. "We can't fix this. Nagmamadali ako kaya hindi ako nakabili ng bagong tire." Aniya Tumango ako. "It's okay. You don't need to spend money on me." Tiningnan niya lang ako. Kinagat niya ang kanyang labi at mariin na pinadikit iyon. "Don't tell me

