Naglalaro kami ni Rykel at Rese noon sa bahay ni Tito Von. Bakasyon ito noong grade ten. Kauuwi lang ni Rykel mula Canada simula kahapon. Excited kami ni Rese dahil nandito na siya at makakapagbike na kami uli. Ngumiti ang daddy ni Kel noong makita niya kami na dumating. Hinatid kami ni Tatay dito. Kumaway ako habang si Rese naman ay humalik sa pisngi nito. "Hello po, Tito Van." Bati niya sa daddy ni Kel. Masyadong pabibo itong kakambal ko samantalang ako ay sakto lang. "Hello din, Thyrese at Thyrene. Nasa loob si Rykel kausap si Tita Ryga niyo." Tumango ako at hinigit na si Rese papasok sa bahay ni Tito Von. Kailangan kong matalo ngayon si Kel. Noong huling bakasyon kasi ay natalo niya ako sa chess kaya naman lalabanan ko siya ngayon at sisigurad

