Hinihintay ko sa parking si Kel. Nagtext kasi siya na pababa na raw siya. "Kanina ka pa?" Tanong niya ng makita akong nakasandal sa kanyang Dpsec. Umiling ako. "Kararating lang din." Inunlock niya 'yung pinto kaya pumasok na ako sa shotgun seat. "Kel, your Mom texted me. Punta ka sa dinner pagkahatid mo sa akin sa bahay. Please?" Nilingon niya ako habang nagmamaneho siya. Mukhang nagulat siya na tinext ako ni Tita Ryga. "Si Mommy talaga." Iling niya at inayos pa ang kanyang buhok. Nanonood lang ako sa kanya. Mukhang aliwalas aliwalas niya noong nakaraan. "Pupunta ka?" Tanong ko sa kanya makalipas ang limang minuto. Ngumisi naman siya sa akin. "Are you sure na gusto mo akong pumunta? Parang napipilitan ka

