Pagkalabas ni Rykel ay pinilit kong punasan ang luha ko. Nakahawak siya sa parte ng kanyang kamay kung nasaan ang ugat niya. "Done. I told you this is a simple fever." Aniya at ngumiti. Tumayo na ako at hindi na makangiti. How could he pretend? Hindi ba siya nahihirapan? Kunot ang kanyang noo habang lumalapit sa akin. Agad niyang hinawakan sa kanyang dalawang kamay ang aking mukha at tiningnan iyon. "Umiyak ka ba?" Tanong niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay ay marahang binaba iyon. Pakiramdam ko ay mababasag ko siya anytime. "Hindi. Napuwing lang." Ngiti ko. Hindi siya nakuntento at hinigit ulit ako papasok sa elevator. Pumunta kami ulit sa opisina niya at iniupo niya ako sa couch bago siya humiga sa aking mga hita. "Rykel, kaila

