Kinabukasan ay walang humpay ang mensaheng pinapadala sa akin ni Rykel. Nalilingat ako at hindi na makapagfocus sa kompanya dahil sa kanyang ginagawa. Rykel: Ang hirap pag hindi ikaw ang nakikita ko sa emergency ward. Umiling ako at nagtipa ng mensahe. Ako: Kasalanan mo rin naman 'yan. Wala kang trabaho? Nilapag ko iyon at sinilent. Kailangan kong matapos ang mga papel na ito bago mag-alas dose kung hindi wala akong mapepresent sa board. Hindi ko na muna tiningnan ang aking cellphone ng mabilis ko itong matapos. Wala pang tatlumpung minuto ay kumatok na ang aking secretary para sa meeting. Binulsa ko na ang aking cellphone at tanging flash disk lamang ang dala ko. Pinresent ko lang ang naging kita at gastos namin sa buong unang quarter ng taon. Pati ang mga labor ay ni

