Maghapon na hindi lumalapit sa akin si Rykel. Siguro ay nirerespeto na niya ang hiling ko. Hindi rin siya nagsasalita. Puro tango lamang o iling kapag may kumakausap sa kanya. Tumulong na rin ako sa medical missions. Binibisita ko pa rin ang mga inventory ng mga gamot. May lumapit na katutubo sa akin at hinawakan niya ang suot kong shorts. Ngumiti ako sa kanya at lumuhod para magkaharap kami. Kagaya na ibang katutubo, kulot na kulot ang buhok at sobrang itim ng kulay noon. Ang kanyang mga mata ay bilugan. "Hello. Anong pangalan mo?" Tanong ko. Hinigit niya lang ang damit ko at para inaaya ako papunta sa kung saan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hinihigit nito ako sa dinaanan nila kanina. Nang makita kami ng isa sa mga katutubo ay agad niyang tin

