Kabanata 36

1967 Words

    Inubos namin ang araw sa pag-aayos ng site at ng mga bagong deliver na gamot. Naiilang ako sa ilang nga taga media na nagcocover sa medical mission na ito.     Nakaupo ako sa harap habang may nakatutok na camera sa akin. Ang background ko ay ang mga taong nagkakawang gawa. Umismid ako ng palihim habang sinasagot ang walang katapusang tanong ng mga taga media.     Matapos iyon ay agad akong tumungo sa mga pila ng katutubo para tingnan ang mga nangyayari. Ang mga resident at mga interns ay seryoso sa kanilang ginagawa. Umupo na ako sa isang gilid doon ng lapitan ako ni Allan. Umupo siya sa monobloc at may malaking ngisi.         "Kamusta naman superstar?" Asar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.      May yakap yakap siyang bag ng candy.         "Para saan 'yan?" Tanong ko.       

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD