Kabanata 1
Maya's POV
Panibagong araw. Panibagong sakit ng ulo. Ang hirap na talagang makipagsapalaran sa buhay, ano? Nakakapagod ng mangapa dito sa mundong puno ng problema.
"Ineng! Ito ang magiging kwarto mo. Pagtiyagaan mo na dahil mura lang naman ang renta dito." pagsasalita ng matabang babae na sa edaran forty plus.
Napatingin ako sa katapat na kwarto. Pintuan pa lang bulok na. Pano na lang kaya pagpumasok pa ako sa loob? Ano kaya ang mayroon? Tambakan ng basura? Ganern ba?
"Salamat po. Nasaan na ang susi?" walang ganang tanong ko habang bitbit ang maleta at backpack sa likod ko.
"Oh eto!" inabot niya sa akin saka tumingin ng masungit. "Siya nga pala, huwag mo na lang pansinin ang ingay tuwing alas dose ng gabi."
Doon nangulubot ang noo ko. "Ano ho'ng ibig niyong sabihin?"
"May mga ingay na lumulukbo sa silid na iyan tuwing gabi. Umaabot hanggang first floor. May mga yapak na maririnig at huwag mo na lang pansinin. Ang importante ay may kwarto kang natutulugan. Nagkakaintindihan ba tayo?"
I smell something fishy.
Walang gana akong ngumiti. "Opo, sige. Salamat."
Umalis ang matabang babae at bumaba ng hagdanan. Nasa ikatatlo akong palapag ako kung nasaan ang kwarto kong bulok. Nakakaiyak ang pintuan na ito. Pakiramdam ko marami na siyang pinagdaanan kumpara sa buhay ko.
Ibinaba ko ang maletang dala at hinawakan ko ang kinakalawang na door knob upang sana ay ipasok ang susi doon. Ngunit natigilan ako nang humangin ng malakas, yung tipong pati bangs ko ay tinangay. Para din akong nanigas sa kinatatayuan dahil sa lamig na bumalot sa aking katawan. Gano'n na lang kalakas ang pagtibok ng puso ko!
Napailing-iling na lang ako at isinantabi muna ang kilabot na nararamdaman. Tiis takot muna tayo dahil kailangan ko ng matutulugan ngayon. Nagpakawala ako ng marahas na hininga kasabay nang pagpasok ko ng susi sa loob ng door knob. Hmm, sagad.
Nang tuluyan kong maibaon ang susi na medyo may kahirapan ay unti-unti kong binuksan ang pintuan. May tunog pa ang pinto na wari'y nahihirapan sa pagbukas.
*Eeeeeeeennnggggg*
? weird.
Napailing-iling na lang ako at yuluyang binuksan ang pinto. Kaagad na bumagsak ang balikat ko nang makita ang kabuuan ng silid.
"Nyeta! Daig ko pa ang nakatira sa kweba ah!"
Kitang-kita ang mga naglalakihang sapot ng gagamba at syempre ang mga gagamba na nagkakainan. May maiitim na bahagi ang kulay kupas na dilaw ang pader. Ang mauupuan sa sala ay sofa na parang sira naman na. May maliit na tv na mukha namang gumagana.
Haysstt! Hayaan mo na, Maya! Wala ka namang pera para makarenta sa iba, di'ba? Pang-kain mo na lang ang natitira mong pera hanggat hindi ka pa nakakahanap ng part time job!
Inisan kong dinampot ang maleta at iginaya iyon papasok sa loob ng silid. Sinarado ko ang pintuan at nagsimulang libutin ang buong kapaligiran. Nagtungo ako sa sala maliit na kusina at napangiwi ako nang may mga kagamitan doon na hatalang napaglipasan na ng panahon. Naagaw naman ang atensyon ko sa mini-refrigerator at kaagad na nilapitan iyon upang tingnan.
"Whoah! Hindi pa sira! Nice!" namamanghang sambit ko.
Sunod akong nagtungo sa maliit na banyo sa kusina. Pumasok ako at nakita ang nangingitim na tiles. Mayroong shower at gripo sa ibaba. Basag din ang salamin sa dingding. Konting ayos lang sa mga ito at gaganda rin 'yan. Hmm... magagawan ko ito ng paraan.
Kung mayroon mang isang bagay na pinagmamalaki kong gawin, iyon ay ang pagdesensyo ng madudumi at napaglipasan ng kagamitan. Ako ang bahala dito.
Pagkatapos kong magtungo aa kusina ay pumasok ako sa isa pang maliit na silid tabi ng sala. Sobrang liit lang niyon na kakasya ang isang kama at maliit na cabinet sa gilid niyon. Syempre, puno ng alikabok ang foam ng kama na parang nakakatakot higaan. Pero sa kaso ko? Kahit pa may multong nakahiga diyan ay tatabihan ko. Tsk.
Tumalikod ako sa kama para tingnan ang nabubulok na cabinet na gawa sa kahoy.
Binuksan ko iyon at laking gulat ko nang mayroong salamin sa gilid niyon. Nakikita ko ang sarili ko pati na ang bangs ko. Todo salamin pa ako....
Ngunit.....
M-may nakikita r-rin ako....
B-bukod sa s-sarili ko...
M-mayroong.....
s-sa...
sa likod ko....
s-sa kamaaaa!
N-nakahiga sa kamaaa!!!!
L-l-l-lalaki ka kama!!
"KYAAAHHH!!!"
"Oh f**k!"
Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig....
At tuluyang nagdilim ang buong kapaligiran...
Binalot ng dilim ang mata ko at nanahimik ang lahat.
Nagmulat ang mga mata ko at una kong nasilayan ang muta sa mga mata ko. Tinanggal ko iyon at pilit na binangon ang sarili kahit pa masakit ang ulo ko.
"A-aray ko!" paghawak ko sa ulo ko kung saan parte ang masakit.
OH SHEEETT!
"Shet! Shet! She---huh?"
Napatigil ako sa pagmumura nang mapagtanto ko ang sarili na nakahiga na sa kama. Napatingin ako sa cabinet at nakasarado na ito ngayon.
"Tangenaaa! Hindi ba't sa sahig ako nahimatay kanina?!! T-tapos....t-tapos nakabukas iyang c-cabinet?! T-tapos....t-tapos... May... May lalaking nakahiga dito sa kamaaa!!!kyaaa!!!"
Napatayo ako sa kama at nagmamadaling lumabas ng silid. Takot at panginginig ang bumalot sa sariki ko dahil sa alaalang bumalik sa akin kanina.
May lalaking nakahiga at mukhang nagpapahinga doon sa kama noong nagsasalamin ako sa cabinet. Nakapikit pa ang mata na wari'y masarap ang tulog ngunit noong tumili ako ay bigla itong nagmura. 'Oh f**k!' ang sambit niya.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at halos magkanda-dapa-dapa habang bumababa sa hagdanan. Nang makarating ako sa first floor ay kaagad kong nakita si manang Eldren na siyang matabang babae at nagbubuhat ng mga karton.
"M-manang! Manang! Manangggg!" gulantang kong sigaw habang tumatakbo papunta sa kaniya.
Gulat na gulat itong napatingin sa akin saka binaba ang karton at sinalubong ako. "Anong nangyayari sa'yo? Bakit ganiyan ka makatili? Nakakaistorba ka sa ibang---"
"Mananggg! M-may lalaki akong nakita sa kwarto kooo! May lalaking nakapasok sa kwarto ko!! A-akala ko ba bakante iyon?! Bakit may lalaki doon!?!" gulat na gulat kong tanong kay manang habang habol ang hininga.
Hindi ako makapaniwala na mayroong lalaki na makakapasok sa kwarto na iyon. Sinabi ni manang na bakante iyon sa tagal ng panahon ngunit ano iyong nakita ko? Bakot may lalaking natutulog doon? Imposibleng namamalikmata lang ako dahil narinig ko pa siyang nagmura! Sino ba ang lalaking iyon?! Dahil sa takot na naramdaman ko ay nahimatay pa 'ko! At teka nga? Binuhat ba niya ako sa papunta sa kama?! Dahil sa pagkaka-alala ko ay sa sahig ako bumagsak!
"Anong ibig mong sabihin, ineng? Walang tao o lalaki doon sa kwarto na iyon. Walang makakapasok doon." kalmado ngunit bakas ang gulat na tugon ni manang.
Hindi ako makapaniwalang tingnan siya. "Manang naman! Eh sa meron nga akong nakita! Ano bang ginagawa ng lalaking iyon doon? Kilala mo ba siya? Sabihin mo sa akin ang pangalan at kakausapin ko! Ang bastos naman niya para sa kama ko pa humiga! Mambobosa ba siya? Manyak? Arrghh! Walang hiya!" giil na giil kong sigaw at hindi maikalma ang sarili. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko.
Pano na lang kung noong nahimatay ako ay ginalaw niya ako?! Paano na lang ang kinabukasan ko?!
Natigilan ako nang ilang segundong hindi umimik si manag Eldren. Sa halip ay para siyang namulta bigla at napatulala.
Nangunot naman ang noo ko at napamaywang. "Manang? Ayos lang ba kayo? Natulala ka diyan?"
Bumalik siya sa ulirat. "Aah! Aaahh-eeehh... S-sigurado ka ba sa n-nakita mo?" tanong niya at tumango ako.
"Opo manang, may lalaki talaga akong nakita."
"P-pwede mo ba s-siyang ilarawan sa akin?"
Bumuntong hininga ako. "Well, nakahiga kasi siya at nakapikit kaya't hindi ko nakita nang maigi. Pero sa tingin ko ay binatilyo pa iyon. Nakasuot ng itim na damit at mukhang itim din ang pantalon. Oh see? Sino ba iyong tao na iyon?"
Nangulubot ang noo ko nang makita kong nanigas sa kinatatayuan si manang Eldren na parang binuhusan ng malamig na tubig. Namultang bigla ang labi niya.
"Manang? Ayos lang kayo?" pagtatanong ko pa.
Napalunok siya at saka nag-iwas ng tingin. "P-pwede bang.... pwede bang magkunwari ka na lang na walang nakita?"
"M-manang naman! Hindi naman pwede iyon! Paano kung isang araw ay nandoon ulit siya at may gawing masama sa akin?"
Umiling siya. "Walang mangyayaring masama sa iyo. Wala naman na iyong lalaking iyon. P-pinaalis ko na.."
"H-ho? Pinaalis niyo na? Pero hindi ko pa nakakausap! Anong ginagawa niya sa kwarto--"
"Ineng, wala na okay? Wala na iyon.. Kaya kalimutan mo na.."
"Hindi ko iyon makakalimutan." giit ko.
"Bababaan ko ang renta mo sa kwarto. Basta't kalimutan mo lang kung anong nakita mo."
Natigilan ako. "T-talaga ho?" di makapaniwalang usal ko at tumango siya. Malaking bagay na iyon para sa akin dahil nagtitipid ako pera. "Sige po! Makakaasa kayo! Yess!"
Madali lang namang kalimutan kung ano ang nakita ko. Basta ba't kapalit niyon ay ang bayad sa pag renta ko. Saka kung bumalik ulit ang lalaking iyon.. magaling naman ako sa martial arts kaya't lalabanan ko siya. Tsk!
NAGDAAN ANG isang linggo na payapa akong natutulog sa kama ko. Walang istorbo at walang ingay na nangyayari gaya ng sinabi ni manang Eldren. Wala na rin ang lalaking nakita ko at wala namang kababalaghan ang nangyayari.
Naayos ko na rin at napaganda ang silid na tinitirhan ko. Kaunting brush lang sa dingding at tiles sa sahig at naging malinis at kaaya-aya na tingnan. Pininturahan ko ng kulay ulap ang pader at tinanggal ang mga sapot ganoon din sa banyo at kusina. Sa kwarto ko naman ay kulay rosas ang pintura.
Masaya akong nag-iisa sa apartment na ito. Hanggang sa pumutok ang isang balita na nagmula pa sa bansang China.
Ang Corona Virus...
"Magandang gabi, Luzon, Visayas at Mindanao..."
Nakinig ako sa balita habang nagtatahi ng damit.
"Nagsimula ang nasabing virus na corona virus o Covid-19 sa bansang China, sa lugar na Wuhan na pinag aaralan pa kung sa paniki nga ba nagmumula! Ayon sa mga expert, nagkaroon ng vi---"
"What the f**k is happening to the world?"
Nanigas ako sa kinauupuan at naramdaman kong natusok ko ng karayom ang hinlalaking daliri dahil sa kilabot na kaagad bumalot sa katawan ko. Nanginginig ang kamay ko kinuha ang remote saka nanginginig na pinatay ang tv.
Halos maitapon ko ang damit na tinatahi nang mamatay ang tv at bumakas sa screen ang mukha ng lalaki sa katabi kong upuan.
"T-t-tangena...."
"What the? What's wrong with this woman?"
Napasinghap ako ng maraming hangin ng naramdamang kinapos ako sa hininga sabay....
"KYAAAHHHH!!!"
Tangena! Nagawa kong makalipad papuntang kusinaaaaa!
P-paano na naman nakapasok ang lalaking iyon s-sa silid ko?!!
A-ANO BANG PAKAY NIYAAA?!!!
Nanginginig ang buong kalamnan ko nang para siyang lumutang papasok sa kusina at salubong ang kilay na tumitig sa akin.
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat at takot na naramdaman.
A-ano bang klaseng taoooo tohh!!!
"SHET!!!" kumuha ako ng kutsilyo at umatras dahilan upang mapasandal ako sa lababo. Tinutok ko sa kaniya ang kutsilyo. "H-huwag kang lalapit! B-binabalaan k-kita... H-huwag k-kang l-lalapit.."
Nanginginig ang boses ko at halos hindi matuwid ang sinasabi ko.
Tumaas ang dalawa niyang kilay at takang tumingin sa likuran niya. Nagpalinga-linga siya ng tingin at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
"A-are you t-talking to me?" gulat niyang tanong.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa takor ngunit nakaramdam ako ng inis dahil sa pagka-slow niya.
"T-tangena! Sino pa b-ba ang kasuap ko dito?! Syempre ikaw lang! A-anong ginagawa mo dito sa silid ko?! A-anong kailangan mo sakin?!" nanginginig kong tanong habang mahigpit ang hawak sa kutsilyong nakatutok sa kaniya. Pinipilit kong lakasan ang loob ko.
"W-woman.... C-can you see me?" gulantang niyang tanong.
Kaagad nagsalubong ang kilay ko kahit pa natatakot ako sa biglaan niyang sulpot. "M-malamang! Nakikita kita syempre! S-sagutin mo ang tanong ko! A-anong ginagawa mo dito sa apartment na 'to!? Manyak ka noh!!!"
Mas lumaki ang gulat na bumakas sa mukha niya at napasabunot sa ulo. Gulat na gulat din siyang tumitig sa akin.
"Y-you can see me! You can see me! f**k! Oh f**k! f**k! s**t! She can see me! Oh my!!! She can see me! Woman! You can see me! Y-you can talk to me! You can talk to meeee---yess! Yesss!"
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita siyang nagtatatalon sa tuwa sa hindi malamang dahilan. Sobrang lawak ng ngiti niya na para bang nanalo sa loto at napapasuntok pa sa hangin.
"Womaaaan! It's a miracle!"
"A-ano?! M-miracle?! Tangena ano bang ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" gulantang sigaw ko ngunit hindi niya ako pinakinggan.
Akmang lalapitan niya ako na may malawak na ngiti sa labi nang umikot ako sa lamesa at tinutok sa kaniya ang kutsilyo. "S-subukan mong lumapit! P-papatayin kita!"
Napalitan ng pagtataka ang mukha niya. "W-what do you mean? I'm already dead, woman!"
"Ano?!! Nagbibiro ka ba?! Anong patay ka diyan! Papatayin pa lang kita kapag hindi ka talaga lumayas sa pamamahay ko!"
Bumalik ang ngiti niya sa labi saka umisang hakbang papunta sa akin. Halos lumuwa ang mata ko nang tumagos ang katawan niya sa lamesa at ngayon ay nasa harapan ko na siya.
Dahan-dahan niyang tinaas ang kamay niya upang hawakan ang kutsilyo ngunit lakibg gulat ko ng tumagos iyon sa kaniya.
"I'm dead.... And yeah, still handsome to be a ghost." ngiting sabi niya at kumindat.
Nabitawan ko ang kutsilyo at nanghihina ang tuhod ko naa bumagsak rin sa sahig.
Tangena.....
Mahihimatay na naman ako...