CHAPTER eleven “ATTORNEY Montecillo, sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!” Ang boses na nagmumula sa megaphone ang dahilan para mapabalikwas ng bangon sina Milo at Bianca. Agad na bumaba mula sa kama si Milo at sumilip sa bintana. Bumulaga sa kanyang mga mata ang isang private jet na kilalang-kilala niya. Pag-aari iyon ni Arthur Franz. Sa sobrang baba ng lipad ay tila nakapatong na ang jet sa ibabaw ng malawak na karagatan. “This is not happening!” bulalas ni Milo. Tiyak niyang sakay ng jet na iyon ang kanyang mga kaibigan kasama ang kanya-kanyang asawa. Hindi na siya nagtataka kung paanong nakalapit doon ang jet nang hindi niya namamalayan. Halos hindi kasi iyon lumilikha ng ingay, maging ang pag-ikot ng mga elisi niyon ay suwabeng-suwabe rin. “W-what is that?” tanong ni Bianca

