CHAPTER TWELVE HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ni Bianca habang iniempake ang mga gamit nila ni Milo. Napagkasunduan kasi nila na bumalik na sa siyudad. Nalulungkot siya dahil napakaraming alaala sa silid na iyon na siguradong mami-miss niya. Kunsabagay, nangako naman ang binata na madalas silang papasyal doon at alam niyang hindi ito sisira sa pangako. Napaigtad siya nang tumunog ang cell phone ni Milo. Agad niya iyong kinuha. Napangiti pa siya nang mabasa ang pangalang nakarehistro sa screen: Kuya ko J. Kung ganoon ay si Jared ang tumatawag. Nakakatuwa talaga ang magkapatid na Montecillo. Itatanong nga niya minsan kay Kristina kung ano ang pangalan ni Milo sa phone list ni Jared. “Milo, phone!” malakas na wika ni Bianca bago dinala iyon sa binata na kalalabas lang ng banyo. H

