N A N A
“You had references with those?” I asked him to clarify his words.
Sumagi rin sa isip ko ang napaka exotic na erotic drawing ng mga babae sa webtoons niya.
It is already given na 80% sa lahat ng panels ng bawat dj’s niya ay walang saplot ang mga babae. It’s either they’re getting f*cked or they’re changing their clothes after getting f*cked. Erotic webtoons are pretty predictable but that is also the very reason why pent up people buy those arts to wank. Kaya naman hindi ako makapaniwala nang sinabi niya na gumagamit siya ng reference. It just implies that drawing the female body is not his strongest point.
Tama nga ako, kahit pa napakagaling niya sa drawing ay may kahinaan pa rin siya.
“I used photos online… and stuff,” Jacks replied.
Yup. Nag-downgrade nga si Thomas Reyes pagkatapos ng aksidente. Sumasang-ayon na ako kay Ryan ngayon. Poor thing. Sa palagay ko iyan ang naging kabayaran ng ginawa niyang paggamit sa akin noon. Karma na lang niya.
Nagbuntong-hininga si Jacks. “I’m worried,” he uttered, yet his face doesn’t show that he’s worried. He’s more like frustrated kaysa sa nag-aalala.
Itinaas ko lang ang kilay ko para ipahiwatig na hindi ko siya naiintindihan.
Ano ba ang ikinababahala niya?
Akala ko ay maiintindihan ni Jacks ang pagtaas ng kilay ko. I am openly curious about his reason. Kaso kasabay rin ata ng pagkawala ng alaala niya ay pagbagal niyang pumick-up pagdating sa body language. Sinandal niya sa kanyang kamay ang kanyang baba at saka nagbuntong-hininga. He did not notice my gesture at all.
Okay. Fine. I have to ask him vocally.
Nakakainis, ha. Bakit parang ako lang ito nagbubuhat sa usapan na ito? Ang bigat-bigat niya rin kaya. Wala ba siyang balak tulungan ang sarili niya? Tch.
“What are you worried about?” Umayos ako ng upo at hinarap rin siya ng maayos.
Let’s observe this guy.
Umangat ang ulo niya, nagpapahiwatig lang na muling bumaling sa akin ang atensyon ni Jacks.
“None… Really. I’ll figure this out,” maikli niyang sagot.
Okay. Alam kong nagsisinungaling siya pero hindi ko na siya pipilitin pa na sagutin ako. Alam ko na kung may kinalaman ito sa project namin, o makaka-epekto man rito ang bagay na kinababahala niya, alam kong dapat akong makialam. Pwede ko rin siyang pilitin na sagutin ako ngayon. Kaso hindi pa ako tapos sa pagproseso sa mga bagay-bagay.
The erotic-romance webtoon project.
Thomas returned with no memories of me, and as a new entire person.
My family pressured me to date a stranger.
All these worries would have been controlled if I still had something to keep my attention and mind balance. Magiging maayos sana kung may sinusulat akong libro ngayon. I know, it sounds off topic pero ito ang paraan ko ng pagbabawas ng stress. Kaso paano ako magbabawas ng stress kung pati ang trabaho ko ay nagiging sanhi na rin ng stress ko?
“See you in our next meeting. Don't forget about the teaser's manuscript.” Hinila ako pabalik sa kasalukuyan ng boses ni Jacks.
Sunod ko na lang namalayan ang palayo niyang likod. He's going back to his room.
How ungentlemanly of him for leaving a woman alone by herself.
I rolled my eyes. At sa huling beses ay tinitigan ko ang drawings sa notebook niya.
Ano naman kaya ang ginamit niyang reference sa iba niyang mga gawa? Sa dami pa naman ng mga erotic webtoon niya imposible na nagawa niya iyon sa pamamagitan ng pag-recycle sa mga poses ng dati niyang characters. There should be upgrades or changes.
But, wait? Why do I care? Trabaho niya ang mag-drawing, sa akin naman ay ang magsulat. Bahala na siya. Problema na niya iyon.
- - -
“You look terrible,” puna ni Christine nang dumating ako sa opisina.
“Yeah, tell me about that,” matamlay kong tugon.
Wala naman talaga akong balak pumunta. 3 PM din kasi ang out nila tuwing weekends kaya medyo aksaya sa oras kung pupunta pa ako. Kaso hindi ako mapakali sa bahay ng mag-isa.
“Anong problema?”
“Si Thom— Jacks. I can't get along with him. Hindi kami pareho ng wavelengths. Wala ka bang ibang maipapares sa akin?”
Pangalawang meeting na namin ito. Sa totoo lang ay hindi naman masyadong masama ang combination namin ni Jacks. Ayos lang naman na tahimik siya o madumi ang bahay niya. I don’t really mind if he is a complete mess, literally. Marami na akong naka-trabaho na ganyan, although hindi nga lang ako umabot sa punto na pumunta sa bahay nila. They just have the same vibes that Jacks give off and the same… style? Like they are also messy in appearance. Besides as someone who graduated in psychology, I am not ignorant of the reasons why they do what they do. Kaya medyo naiintindihan ko kung bakit ako ang pinili ng management para kay Jacks. Ang tanging nagpapahirap lang sa akin ay ang mismong pagkatao ni Jacks.
Jacks himself is the problem. The fact that he is Thomas, is so, so hard to bear. Hindi nga ako sigurado kung makaka-focus ako sa pagsulat nito.
“Hm? Hindi kayo magkasundo?” Nagtataka na tanong ni Christine.
Bakit weird ba na hindi kami magkasundo? Are we supposed to be best buddies?
Tumaas ang kilay ni Christine habang nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi ko inaasahan ‘yan. Iba ang narinig ko galing kay Kevin.”
“Ano naman?”
So, they just talked about me.
Ang sipag naman ni Kevin para magtrabaho pa rin kahit may personal siyang lakad sa ibang bansa.
“Jacks actually likes you. Except sa parte na… Uhm, biglaan ka lang daw pumunta sa bahay niya?”
“Oh. Oo. Pero… naayos na ‘yun.”
Wait. Jacks likes me as his partner? Ito siguro ang dahilan kung bakit siya pumayag na magkita ulit kami sa bahay niya.
“Talaga? Magkapitbahay nga lang pala kayo, no?”
“Somewhat. Nalalakad ko lang ang kanila.”
“Mabuti naman.”
“Right?”
“Right.”
So, ano na? Naintindihan niya kaya ‘yung request ko? I really don’t care if Jacks likes me as his partner. Hindi ko siya gusto. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong kaba sa tuwing magkasama kaming dalawa. Sa palagay ko ay hindi ako masasanay sa ganitong set-up.
“Then, bakit mo ayaw sa kanya?”
Bakit? To tell Christine the truth, lahat ng gumugulo sa isip ko ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. I hate to be feeling worried na baka isang araw ay maalala na lang niya bigla ang tungkol sa akin at sumbatan ako. Isa pa baka may madiskubre na naman akong sikreto niya. Ayaw ko nang masaktan,
“Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. He's cool. Actually, he's cold. Really, really cold, which is why I can't be with him. Cold is not my thing, Christine. Alam mo naman ‘yun.”
I told Christine half of the truth. Hahaba pa ang usapan kung ikukwento ko sa kanya ang hindi maganda naming pagsasama ni Jacks.
“Alam ko. Masigla ka at bubbly. At hindi ako magdadalawang-isip na bigyan ka ng masmasayang ka-collab. Someone you deserve. Kaya lang, Nana.”
“Kaya lang?”
“Kaya lang siya lang kasi ang erotic webtoon artist na nangangailangan ng writer, eh. Tapos ang director ang nagpasya na ipares kayo. I can't do anything about that.”
Napakamot ng ulo niya si Christine. “Hindi ba nakayanan mong tiisin si Kit dati? ‘Yung novelist na ang lamig din ng ugali? ‘Yung narcissist na lalaki, naalala mo ba?”
I sighed. “Yeah, yeah. I did.”
Kaso si Kit kasi ‘yun. Si Kit na walang kinalaman sa buhay ko. He’s insignificant to me, noon man o ngayon. Ibang usapan na pagdating kay Jacks.
“Don’t worry, Nana. I’m sure magiging mabilis lang ang collaboration na ito.” Christine tapped my back. “Pero mas maganda kung humaba pa ang erotic-romance ni Jacks para mas marami tayong kikitain.”
Ah~ Hindi pa rin talaga ako makakatakas sa editor kong income lang ang habol.
I can’t really say that to her though; ang tumigil sa paghahabol ng malaking kita at ikonsidera ang nararamdaman ko. Because I am someone who has never experienced poverty. Magtutunog selfish lang ako. No, it would be really selfish of me.
“Hays. So, wala na talagang pag-asa?”
Umiling si Christine. “I’m sorry.”
Okay. Kalma lang, Nana.
Mabilis lang naman siguro itong collab na ito, ‘di ba? 5 months? Ayos na siguro ang 5 months lalo na at sampung chapter lang ang nakalagay sa rough draft. May nahanap naman siguro siyang reference, no? Marami naman siguro siya nun, sa dami pa naman ng erotic webtoons na nagawa niya.
Pagsumikapan lang natin na hindi bumalik ang alaala ni Thomas sa mga panahon na iyon. Hindi lang naman kasi si Thomas ang may kasalanan. Maski ako ay may nagawa rin sa kanya.
How I wish I hadn't done that. Maybe my mind is at much more peace now.