N A N A
My weekends are nothing special. Nasa loob lang ako ng room ko at nakaharap sa computer.
Matapos ng halos limang oras na research at reviews simula noong alas siyete ng umaga ay pinahinga ko na ang mga mata ko. I was working with the kid’s mental health assessment paper. These have to be given to them on Monday morning. Nang matapos ay saglit kong sinilip online ang mga gawa ni Thomas.
Bilang Jacks ay talamak sa mga illegal adult sites ang mga erotic dj’s niya. May mga light version naman siyang ginagawa pero hindi matino ang plot nito at short lang din talaga. In conclusion, puro malaswa at Rated SPG ang mga kwento niya sa ilalim ng pangalan na Jacks. Wala rin akong nakuhang impormasyon na makokonekta ko sa Thomas na kilala ko.
Ganun din naman sa isa pa niyang pen name, si Venti. Fantasy at adventure nga lang talaga ang nasa mga likha niya. Maski isa nga rito ay walang bahid ng romance, ang meron lang ay ang marahas na bakbakan at pagdanak ng dugo. Still graphic but at least they are not s****l. Talamak din sa mga illegal sites ang story niya, at maski rito ay five stars ang rating ng mga ito.
Umaasa ako na sa dami ng gawa niya ay may isa man lang na repleksyon ng nakaraan niya. As a creator myself, hindi talaga maiiwasan na may mga eksena na hango sa katotohanan. It could be a scene, a dialogue, or the whole theme of the story. Pero wala akong nakita. Sa ginawa kong background check, may dalawa akong natutunan tungkol sa ka-collab kong ito; isa siyang shut-in na puro s*x at kalaswaan lang ang nasa isipan, at isa siyang delusional na fantasy main character.
Should I offer him free counseling? May kilala rin akong medical psychologist. Should I introduce him to her?
Huminto na ako, wala rin naman akong nakitang makakatulong sa pagsagot sa mga katanungan ko. Handang-handa na akong pumunta ng kusina at magluto ng paborito kong cheesy pasta. Kaso kung kailan patayo na ako ay tumunog naman bigla ang cellphone ko.
“Whoa. Someone’s missing me on the weekend?” I am pretty sure na galing na naman ito kay Christine.
I bet ay tungkol na naman ito sa susunod kong libro na nanganganib pang mangyari.
“Aah! I am really hungry. Sorry, girl. I'm cooking first.”
Tumungo ako ng kusina. Kumuha ng mga sangkap at nagluto na agad. It's important to take care of my needs first before the others dahil alam kong stress na naman ang dala ng text ni Christine.
After more or less than 5 minutes ay tapos na akong magluto. Nasa lamesa na ang mainit-init kong pasta na kagagaling lang sa oven. I took my phone. Isinabay ko ang pagbubukas sa message ni Christine at ang pagsubo ng pasta ko. Only to get disappointed because the message is not from someone I thought it came from. Habang binabasa ko ang dulo ng text ay naibaba ko ng wala sa oras ang tinidor ko.
“Meet at 1 PM. My house. Text me if you're unavailable.
– Jacks”
Nagmula sa isang anonymous number ang text pero may note ito sa dulo kung kanino ito galing. Nakalimutan ko na binigay ko pala kay Thomas ang personal number ko.
“Sh*t.” Mas gugustuhin ko pa na si Christine ang nag-text kaysa si Thomas. He's so much of a stressor than my editor.
Tumingin ako sa wall clock ko para icheck ang oras. Advance kasi ng ilang minuto itong sa cellphone ko. It's already a quarter to one, and I am not even sure if I need to worry about being late.
“I'm hungry. Bahala ka d’yan.” Ako muna.
- - -
I really don’t want to go, today’s my precious weekend, yet I don't have a choice because this is work. And Christine would hate it if I ditch my partner.
Agad na akong nagbihis ng disenteng damit pagkatapos kong kumain. Naka-pajama lang kasi ako kapag nasa bahay at oversized shirt. They feel and look comfortable so I like wearing them. Nang matapos ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Siguradong male-late ako ng husto kung mag-aalinlangan pa ako.
Dala ko rin ang laptop ko for note-taking at isang maliit na bag para lagyan ng wallet at cellphone ko. I don't know why I am being so elaborate, eh mangangapit-bahay lang naman ako… sa bahay ni Thomas.
Right. I’m starting to get nervous again.
Let’s say, sure, may amnesia siya. Pero paano kung bigla niya akong maalala?
Kidding. Ang ilusyonada ko talaga para isipin na malaki ang impak ko sa kanya to the extent na makaka-trigger ako ng memory restoration niya. I should just get going and get the job done.
Walking distance lang ang bahay ni Thomas. Magkaibang street pero hindi naman malayo. But for some reason, the road feels shorter now that I am wishing to arrive late to his house. I usually come on time or 5 minutes earlier in my meetings, except with this meeting with Thomas.
Ilang hakbang lang ay natagpuan ko na agad ang sarili ko sa tapat ng gate ng bahay niya. Pinag-iisipan ko ng mabuti kung itutuloy ko ba ang pagpasok o hindi. I can just text him that I am busy. Iyon naman talaga ang nasa text niya.
Nakapag-desisyon na ako, kaso biglang nag-ring ang cellphone ko.
Someone is texting me.
I really hope this is Thomas canceling the meeting. Kaya lang nang makita ko ang pangalan sa screen ay agad akong napa-buntong-hininga. I am both disappointed and relieved. Galing pala kay Christine ang text.
“Have the dialogue for the storyboard teaser submitted on Monday. The senior manager wants to see it.”
Oh, sh*t. I just missed my chance to run.
Ano bang meron sa Monday at ang dami ko naman atang ganap?
Nagbuntong-hininga ako bago pidutin ang doorbell. Tumunog ito ng tatlong beses pagkatapos nito ay pumitik ang lock ng gate. Tunog matigas at nangangalawang na bakal itong bumukas ng mag-isa.
So, it got the automatic open thing. We also have this in ours, pero nagkulang ata sa maintenance ang gate na ‘to to the point na nanigas na ang auto lock. Siguro kung first time ko ito ay iisipin kong minumulto ang gate sa matinis at nahihirapan na ingay na ginagawa nito.
I get that it’s the sign that Thomas is letting me in kaya pumasok na ako. Ni-lock ang gate at dumiretso sa pinto na iniwan niyang bukas.
Sinalubong ako ng dilim sa pagpasok ko ng bahay niya.
Naputulan ba siya ng kuryente?
“Hello. J-Jacks? It’s me, Na—”
“You’re here.”
“Aaah!” Napaatras ako sa gulat nang bigla na lang siyang sumulpot sa gitna ng dilim. He’s right in front of me. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone na nagpadagdag gulat sa akin dahil nakatapat sa mukha niya na nagmistulang puting multo.
“Oh… Shhh… ocks. Shocks! Shocks, Jacks.”
“Oh. Did I catch you off guard?”
“Oo!’
“Oh.” Napaatras siya tapos ay inalis sa mukha niya ang liwanag ng kanyang cellphone.
Hindi man lang ba siya magso-sorry?
Pagkatapos kong magulat ay bigla na lang nagka-ilaw, at nakita kong nasa gilid lang pala naming dalawa ang switch nito.
Tinitigan ko siya ng masama. I wanted to say what’s wrong with him? Pero mabuti na lang at nakuha ko siya sa tingin dahil siya na ang unang nagsalita.
“I was in my room.”
Oh. So, he’s saving energy now. Great.
I flashed a fake smile tapos ay umupo na ng kusa sa sofa.
“Sorry kung late ako.” I checked my watch and I am two minutes late. Probably because I was stalling outside his gate, thinking whether I should ditch him or not.
“I don’t mind. I would have slept if you were busy.”
“Yeah… right.”
Sana nga busy ako.
“Uh. Kumusta ang storyboard ng teaser mo?”
Bumuga siya ng hangin bago binuhat ang mabibigat niyang paa sa paglalakad pabalik ng silid niya. Nakababa ang kanyang mga balikat na para bang dismayado siyang bumalik sa loob.
Uh. He is such a weirdo. Hindi man lang siya nagsalita, kusa na lang siyang bumalik. Mabuti na lang magaling akong pumick up. His gesture says, “Right. I’ll go grab the storyboard in my room.” Kasi kung hindi ay baka inisip ko nang ayaw niya sa akin.
Kasali rin ba sa epekto ng aksidente ang pagbabago ng attitude ng tao? Or maybe he got a speech problem after hitting his head? The last one is rather acceptable, right? Nabanggit din kasi ito ni Alex. Speech problems can result in a change of attitude. Medyo nasa aspeto tayo ng cause and effect nahuhulog dito.
Habang naghihintay ay sinuyod ko ng tingin ang sala niya. In fairness ay malinis ito ngayon. Akalain ko na sana na naglinis siya ng bahay nang makita ko ang housekeeping service na flyer sa lamesa.
So, he doesn’t clean.
Oh… kay.
Let’s stop thinking about Thomas. Let's just stop. Although he is Thomas, he is no longer the same Thomas, which is a good thing for me. Because it will save me from shame and all stuff. Sa ngayon ay ito na muna ang iisipin ko.
“Here’s the storyboard.”
I jumped when Thomas came back unnoticed.
Okay, Nana. Let’s stop calling him Thomas. He is not the same Thomas. Nope, he's not. The Thomas you knew no longer exists, so let’s address him as Jacks. Mas maganda na tawagin ko siya sa pen name na ‘yan dahil mas bagay ito sa kasalukuyan niyang ugali at habits. Rough, unfriendly, and a mess… with a little bit of coldness.
“… I got these notes to help you with the brainstorming in case you got confused with the rough ske… tch. Nana, are you listening?”
Wait. What?
“I’m sorry. May—May iniisip lang ako. Sorry, ano nga ‘yun?”
Ipinikit niya saglit ang mga mata niya at saka huminga ng malalim. Mukhang naiinis siya. Pero kahit ganun ay inulit niya pa rin ang sinabi niya kanina.
“My editor called me. He wanted to check the first draft next week, Monday. It’s a bit of a rush on my side, I just came up with the storyboard today. But I already have a summary for the first chapter.”
Ipinaliwanag sa akin ni Jacks kung paanong nagsisilbing (parang) blurb ang teaser chapter ng mga webtoon. Naroroon ang pagpresenta sa mga bida at ng problema nila ng hindi nabubunyag ang plot twist. Pero dahil two days ago lang ay may tinatapos pa siyang isang project ay wala siyang oras para mag-isip ng iguguhit sa teaser chapter. Kaya para hindi sayang ang oras, habang nagco-conceptualize siya ay isusulat ko muna ang munting narration na naisip niya.
Maliban sa hindi pag-send ng summary niya through e-mail ay sinunod naman niya ang sinabi ko na isulat ito sa lenggwahe na kumportabe siya.
“Consider this done before ten,” I assured him.
Pinakita na rin niya sa akin ang storyboard ng teaser na rough sketch pa. It’s my first time to see a storyboard in person, at rough sketch pa talaga. Akala ko ay magiging presentable ito kagaya ng mga rough sketch na nakikita ko sa digital webtoons. Yet, it doesn’t contain anything maliban sa marumi at magulong linya na hugis tao.
“Uh… ang ganda. Maganda.”
“It’s a rough sketch.”
Yeah. A rough sketch.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at saka pasimpleng dinilaan ito. I was just trying to ease the air with a compliment. Mali ata na ginawa ko ‘yun.
“I also got these, by the way.” Yumuko si Jacks. May kinuha siyang notebook sa ilalim ng lamesa at saka inabot sa akin ito. “It’s the climax. Initial climax.”
Binuksan ko ang notebook at sumerpresa sa akin ang magandang physical drawing ng webtoon. Lapis lang ang gamit dito pero aakalain na printed dahil sa ganda at detalye. Binasa ko rin ang mga dialogue. Disente naman ito para sa paningin at inner reader voice ko.
Medyo inaasahan ko na ang ganitong sulat, lalo na at may experience na si Jacks sa pagsulat ng sariling dialogue at narration sa isa sa mga fantasy webtoon niya.
“Mmm… Magaling ka rin sa mga salita, ah,” panimula ko. “Hindi mo na ata ako kailangan,” biro ko pa…
Okay, fine. That joke was half meant.
Gusto ko lang malaman kung bakit niya pa ako kailangan kung magaling naman siyang magsulat in the first place.
Tinitigan niya lang ako na para bang wala siyang balak na sagutin ako.
Of course, hindi niya ako sasagutin. Para sa kanya ay ito ang unang pagkikita naming dalawa. I am but a stranger. Natural lang na hindi niya gusto ang biro ko.
Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang bigla naman siyang nagsalita.
“I also write, but only fantasy. I can only write the stories with emotions that are easier for me to understand. They come naturally.”
“Oh. Naiintindihan kita. Naiintindihan kita sa parteng iyan.”
I don't know kung magandang sagot ba ito. Especially when his fantasy stories are quite dark and full of angst. Just like their creator.
Pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko.
“I only write the things I want to write.”
Okay? I already got that part.
“Kaya ka ba nagsusulat ng erotic? Kasi kung ganun, naiintin…di…han ko… rin—”
Oh, gosh! Thomas Reyes was reborn as a pervert!
Sh*t. I’m going to ask Alex about this. Nakakapagpa-manyak ba ang amnesia? I studied psychology, that's why I understand the complexity of the human mind. So, posible ba?
“Hey. Hey. Are you listening?”
Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagpitik ng mga daliri ni Jacks.
“Yes. I am.”
“I said, I was looking for a romance writer to help me with the words.”
Romance writer? I am a romance writer.
“Hm? Bakit?”
“Didn’t you say you are listening?”
Oops, nahuli niya ako. I was spacing out again.
Umupo si Jacks ng maayos. Sabay na nag-krus ang kanyang mga binti at braso bago siya nagbuntong-hininga.
“The management wants something new from Jacks. Apparently, they meant some sweetness, so I’m writing romance. Yet, romance is not my cup of tea, that's why you’re here.”
Now, I get it. Romance pala ang susulatin niya ka—teka. The management wants something from Jacks. The pen name he used for his erotic dj’s.
“This is an erotic-romance, isn’t it?”
Tumango si Jacks.
Based on my research, this will be his first time to make a decent plot for an erotic story, huh. Nakahinga naman ako ng maluwag. At least I am not completely thrown at the pit of fire. Akala ko ay purong erotic ang susulatin ko, may romance naman pala.
“Mabuti naman,” batid ko.
I can definitely help him with that problem.
Inilipat ko na sa sunod na pahina ang notebook. Ganun pa rin naman, maganda ang guhit at may dialogues, kaso parang hindi pa ata ito tapos dahil isa sa mga karakter ay naka-rough sketch pa rin sa lahat ng panel sa pahina.
Ito na ata ang parte ng kung saan ay ma-ses*x na sila. Napagod ata siya sa pag-drawing, o baka nakalimutan niya lang na tapusin ito?
“Ba’t nawala? Tinamad ka bang tapusin ‘to?”
Tumingin si Jacks sa notebook. Bumuga siya ng hangin tapos mahinang binagsak ang sarili sa sandalan ng sofa.
“There's also that problem…” he mentioned.
“What's the problem here?”
Naubusan ba siya ng lapis na pangguhit? Or idea? Inspiration? Saan ba dito ang problema? I mean, sure there is this unfinished character but he can just draw this later, can't he?
Jacks smacked his lips. “I'm also not used to drawing multiple panels of women,” he confessed to me.
Teka, hindi siya sanay? Eh, ano na lang kaya iyong mga erotic at Rated SPG na doujinshi niya?
“Pero you're an erotic dj artist.”
“I used references with those.”
Ipinaliwanag sa akin ni Jacks kung paano niya ginagawang reference ang nauna niyang mga iginuhit. Binabago niya lang ng konti ang ibang detalye, kagaya ng mukha, damit, setting, plot, at kung ano-ano pang elemento para hindi mahalata na iisang reference lang ang pinanggalingan ng mga ito.
No wonder I got the feeling that Jacks has favorite s*x positions. Napansin ko kasi na at least tatlo sa mga na-research kong gawa niya ay may pagkakapareho. Inamin niya rin na nauubusan na siya ng reference para sa mga babaeng karakter niya kaya naisip niyang magpahinga muna sa erotic dj’s at gumawa muna ng fantasy webtoons.
Napapaisip tuloy ako kung ano ang original reference niya sa drawings niya. I'm sure may pinagmulan naman ang lahat ng iyon. Maybe he hired someone to do the positions and gestures. That's the most logical reason for him to perfect his drawings. Although hindi ko lang ma-imagine ang mga pinapagawa niya sa mga model niya. Those are s*x positions after all.
Anyway, his fantasy stories are doing very well kaya malamang ay wala siyang pinagsisihan. He's currently active as Venti, at mukhang magiging comeback project ni Jacks ang bagong webtoon na ito. At kagaya ng sinabi niya, unang project ito ni Jacks na may desenteng plot, hindi lang puro hubad na katawan ng mga karakter. I'm sure limited naman ang mga sexy na pose.
Wait. Oh. Sh*t. If he needs a reference mukhang matatagalan kami ng konti… konting-konti nito.
Sure ba ako na itutuloy ko ang collaboration na ito? Hindi na ba pwedeng magpalit ng webtoon artist. Because I am pretty sure that I can still say no to this project.