N A N A
As usual, kailangan kong pumunta sa trabaho. I have two jobs, pero ang tinutukoy ko ay ‘yung isang trabaho ko na buong magdamag na nasa loob ng malamig at boring na guidance office. I heard na ngayon darating ang bago kong kasama. Mabuti naman. Friday ngayon, and Friday means another batch of kids who need someone to listen to them.
Surprise, surprise! Trabaho ko ito. Ako ang someone na tinutukoy nila. I don’t really mind listening to them. Kaso kung ako lang mag-isa ay baka abutin ako ng bukas.
Hindi kasi uso ang timer sa guidance office na ito. The kids can take their time and talk it all out to me, which can be fun or nerve-wracking, or sometimes, it’s nothing in between.
“Good morning, ma’am,” bati sa akin ni Ms. Lorenzo nang magkita kami sa entrance ng eskwelahan.
Sabay na kaming pumasok. Binagalan niya talaga ang paglalakad niya kahit na nagmamadali na siya.
“Kumusta ang araw mo, Gigi?”
“Uh, hindi pa po nagsisimula.” She replied.
Mukhang nagmamadali nga talaga siya. Naghihingalo siya ng bahagya at hindi siya mapakali, panay ang pag-check niya sa orasan ng cellphone niya.
“Late ka na ba?”
“Opo… Uhm…”
“It’s okay. You can go first,” pagbibigay permiso ko sa kanya.
I kind of don’t understand why she had to wait for me.
“Uh, salamat po. See you sa office po!” paalam niya at saka tumakbo sa kanang building. Habang lumiko naman ako sa kaliwa kung saan naroroon ang guidance office at ang basic education department.
Kumpleto sa levels ang private school na ito. May primary education, basic education na mula grade 1 hanggang grade 12, at tertiary education na may labing limang kurso. It’s a pretty big school pero hindi ko pa napapasyalan ang lahat ng building dito. Wala akong oras para pumunta sa malalayong department.
Malayo pa man ako sa office ay may napansin na ako agad na nakatayo sa tabi ng pinto nito. Lalaking nakasuot ng itim na suit at may dala rin siyang backpack. Mukhang hindi siya mapakali sa paghihintay dahil panay ang paglalaro niya sa tali nito.
“Excuse me, are you looking for something?” tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
Is he a college freshman na naligaw sa basic education department?
“Uhh. Good morning. Pasensya na pero wala akong hinahanap. I’m just waiting for some…one. Ms. Gamboa? Naphthalyn Gamboa?”
Oh. Mukhang tapos na ang paghihintay niya. But I don’t recall na may morning session ako, at hindi rin ako nagca-cater ng college student. It’s not my job to do. May sarili silang guidance office.
“Yes. May I know you?”
Umayos ng tindig ang lalaki. Tinuwid niya rin ang suit niya at saka tumikhim bago nagpakilala sa akin bilang, “Ako po si Chan, short for Channin, Channin Byers. Ang bago niyo pong guidance counselor.”
Ahh. So, ito na pala ang hinihintay kong kasangga sa mahaba-habang usapan ngayong araw.
“Pasensya na po kung hindi kita nakilala agad.”
“No, no. It’s totally fine. Akala ko nga freshman ka. Come on in.”
Binuksan ko na ang opisina. Tinuro ko na rin kay Chan kung nasaan ang kanyang lamesa na puno ng ngiti niyang pinuntahan. Masaya niyang inilapag ang bag niya sa lamesa at isa-isa niyang nilabas ang mga gamit niya.
“Uh, pasensya na po. Unang beses ko lang po kasing mapunta sa ganitong opisina,” sabi niya ng mahuli niya akong nakatingin.
“No. No problem. Do your thing.”
“Th-Thank you po.”
Sa palagay ko fresh graduate siya. Nahahalata ko sa pagkilos niya. Ganyan din ako dati sa una kong guidance office. Mas malala pa nga ‘yun dahil puro high school ang hawak ko.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang flag ceremony ng mga bata. Dumaan ang mga dalawang oras ng kapayapaan. Paper works dito, paper works diyan. At nang matapos ang lahat ng ito ay nagsimula nang dumating ang unang estudyante. Bilang senior employee ay ako na muna ang kumausap sa bata. Mga bandang alas dies nang dumating ang ikalawa, ikatlo, ika-apat… at hanggang sumapit ang alas kwatro at dumating na ang panghuling estudyante ngayong araw.
Goodness! Ako ang kumausap sa kanilang lahat. I really thought we could save time there. Turns out that this fresh graduate has yet to experience a session. Kulang pa siya sa experience kaya kailangan ko pa siyang turuan tungkol sa mga ilang bagay.
Seriously, why did they hire a total newbie?
Natapos ang araw ko sa opisina ng mga bandang alas singko na. Late na ako sa meeting ko kasama si Christine at ang staff ng romance department.
Paalis na ako ng office nang tumawag sa akin si Mom. Mukhang may family dinner kami ngayon, at hindi pwedeng hindi ako pumunta. Naubusan na rin ako ng dahilan para hindi umattend.
“See you bukas po, ma'am,” paalam sa akin ni Gigi.
Sunod naman na nagpaalam si Chan na napaka-sigla pa rin kahit alas singko na. “Salamat po, Ms. Gamboa. See you tomorrow po!”
“He sure is enjoying his first day.” Ganyan din ako dati. Don't get me wrong, I like my job. Sadyang napagod lang ako sa mga balitang naririnig ko nitong mga nakaraang araw. Lalo na kay Thomas.
Mabilis lang ang meeting, pero nakaka-pressure na balita ang hinatid nila sa akin. We just discussed a few things about a new chart coming out early this day. Gusto lang naman nila na maipasok sa ranking ang gagawin namin na webtoon ni Jacks.
Can I just have a break about him?
Nasa parking lot na ako nang agad kong natanaw ang isang lalaking naka-itim na nasa tabi ng kotse ko.
Dahil wala na akong maisip na palusot, pumayag na akong umattend ng family dinner. Pero hindi ko naman inasahan na walang patumpik-tumpik silang nagpadala ng driver para maghatid sa akin.
“Magandang araw po, Miss Nana.”
“Kanina ka pa po ba?”
Umiling si Manong Charter. “Hindi po. Limang minuto mahigit pa lang po akong naghihintay, ma'am.”
“Thank you for waiting. Tara na po para maaga rin po kayong makauwi ngayon.”
Sumakay na ako sa backseat ng kotse ko, at nagsimula naman na magmaneho si Manong Charter. Si Manong Charter ang chaperone ko noong nasa high school pa ako. Natuto na kasi akong mag-commute noong college.
Pagdating sa bahay ay sinalubong naman kami ng dalawang maid sa bahay. Inaasahan kasi nila na may dala akong gamit kaya mabilis silang tumayo sa tapat ng pinto habang naghihintay na may ibigay sa kanila na bagahe ang driver.
“Nandito lang ako for tonight. Hindi ako rito matutulog.”
Yumuko silang dalawa at tumabi sa gilid para makadaan ako.
Hindi na talaga nagbago ang bahay na ito. It always has been too large yet too suffocating for me. I realized it before high school, noong medyo nagkakamuwang na ako at medyo naiintindihan na ang mga pangyayari sa paligid ko. Kaya nung nakapag-ipon ako mula sa part time jobs ko noon ay umalis ako sa poder ng magulang ko. Sabi ko pa na para ito sa OJT ko. Anyway, they didn't care much and let me do whatever I want.
Umakyat na ako sa second floor kung nasaan ang dining area. Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang mamahalin na delicacies na malamang ay ang kapatid kong chef ang nagluto.
“Nana! You've finally come!” sigaw ni Anne nang makita akong papasok ng dining hall.
Si Annylin ang bunso namin. Pagluluto ang hilig niya simula pagkabata, kaya ito na siya ngayon, isa ng chef sa sarili niyang restaurant. Of course, Mom and Dad helped her to finance the start up.
Ilang segundo lang ay may kumalampag sa CR ng dining hall. Hindi nagtagal ay lumabas sa banyo si Kuya Zico na nag-aayos ng nagusot niyang polo.
Nahinto siya nang makita ako sa gilid ng lamesa. “I thought you're busy… again,” sabi niya.
Nakakatanda namin si Kuya Zircon, at kasalukuyang president ng main branch company ng corporation ni Dad. Gusto naman niya ang ginagawa niya kaya wala siyang problema rito. Bata pa lang ang interisado na siya sa pagpapatakbo ng negosyo.
Our family is a little different from the stereotyped wealthy family sa mga drama. Walang napipilitan na magpatakbo ng negosyo, at wala ring pinagbabawalan na makipagrelasyon sa taong nasa ibang estado ng buhay namin. My family sits in total peace and harmony, maliban na lang sa ilang aspeto. At nangunguna ako sa parteng ito.
Kasama sa family dinner ang pinsan namin na si Timothy. Sa amin muna siya nakikitira habang wala pa siyang nakikita condominium na malapit sa school niya. Wala naman siyang problema sa buhay maliban sa sekswalidad niya na hindi niya maamin-amin sa mga magulang niyang strict. If you want a family drama, ang pamilya ni Timothy ang mairerekomenda ko diyan.
Nagsimula agad ang hapunan nang naihain na ni Anne ang lahat ng ulam. So far the ambience is good dahil ang negosyo pa ang pinag-uusapan nila. Sa pagkakataon na ito ay si Kuya Zico ang sentro ng usapan.
“Ate Nana,” siko sa akin ni Timothy na agad ko naman na nilingon sa tabi ko. “May susunod na project ka?” sabik niyang tanong.
Umangat ang labi ko nang marinig ko ito.
“Meron. Pero collaboration, wala pa akong solo or bagong novel.”
Mahilig din kasing magbasa itong batang ‘to. Isa siya sa mga unang nakabasa ng mga gawa ko. Wala pa akong lakas ng loob na mag-apply sa Engene noon. Pero nang makita ko na masaya siya sa mga nababasa niya ay naisip ko na walang masama kung susubukan ko.
“A collaboration? Ang cool naman. Anthology na naman po ba ‘yan?”
Umiling-iling ako. “Hindi. It’s a webtoon.”
“Ah, oo. Nagbabasa rin ako niyan. Sabihin niyo lang po sa akin kung kailan ang release, ha. Bibili po ako for sure.”
Napangiti ako sa support ng batang ito.
“You're still writing?” Natigilan naman ako sa pag-ikot ng tinidor ko nang marinig ang tanong ni Dad.
“Opo, Dad.”
“Uh-huh.”
There goes the infamous uh-huh ni Daddy. Ganito parati ang tugon niya sa tuwing hindi siya interesado sa isang bagay.
Hindi sila tutol sa ginagawa ko, pero hindi rin naman sila interesado. Para sa kanila ang pagsusulat ng nobela ay hindi trabaho. Ang pag-iisip nilang ito ang dahilan kung bakit ako naging guidance counselor sa kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan. Ito ay para hindi nila isipin na wala akong ginagawa. Sa totoo lang ay ikatlong paaralan ko na ito.
“Are you dating now, Nana?” biglaan naman na tanong sa akin ni Mommy sa gitna ng katahimikan na iniwan ni Daddy.
Mukhang oras na para ako ang pag-usapan nila. Hindi ko namalayan na tapos na pala silang kamustahin si Kuya Zico.
“No, Mom.”
“Why not?”
“Marami pa akong ginagawa.” I told her that pero sadyang ayaw ko lang talaga muna ngayon.
“Rayler broke up with you?” tanong ni Kuya.
“No? But yeah… I mean, yes we broke up but it wasn't him who broke it off. It was me, okay?” paliwanag ko.
“Kung ganun, bakit hindi ka na lang makipag-date ulit? I know someone good.”
“Mom, no need.”
“But, are you not sad?”
“Of c—” Malungkot ba ako? “Of course, not. Matagal na ‘yun, mom.”
Totoong nasaktan ako nung naghiwalay kami ni Rayler pero may kasalanan siya sa akin kaya iniisip ko na lang na hindi ako ang mali sa relasyon. Isa pa, bumalik bigla ang pinakauna kong trauma, si Thomas. I still have to figure out what he's up to before moving on to dating again.
“Just tell me when you're ready. Na-kwento na rin kita sa kanya. He likes you, darling.”
Hindi ako ang nakakatandang anak kaya hindi ako napre-pressure pagdating sa mamanahin namin na mga negosyo. Pero ako ang nakakatandang anak na babae, at bilang pangalawa rin madalas na nasa akin ang mga mata ni Mom at Dad pagdating sa pag-aasawa. They wanted me to get married soon para mabigyan ko na sila ng apo.
Goodness. I can't do that yet. Hindi pa ako handang maging magulang. Bakit ba hindi nila unahin ang dalawa nilang anak na parehong nasa relasyon ngayon? Bakit ako pa?