N A N A
Pag-uwi ko sa bahay ay tumawag ako agad kina Alex at Ryan. We still have connections after all these years. Binibigyan nila ako ng advice from time to time for certain issues that I find hard to decide. Lalo na sa mga oras na disoriented akong mag-isip dahil sa emosyon. Just like before and always, mas malawak ang intel ng dalawang ito (within our batch) kaya sigurado akong may nalalaman sila.
I video called them. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap.
“Hey, girl. How are you?” pangungumusta ni Alex na nasa California ngayon.
He’s working as a doctor there. This guy really wants that job. It's his dream. Kaya nung nakaipon siya ay nag-aral siya ng medicine. A lot of ups and downs, yet there's he, doing his dream job. Nakakapagod nga lang daw pero pinili niya ‘yan, eh.
“Chill. Still talking to kids and writing things at home. You know, the usual thing,” tugon ko.
“Wala bang bago?” tanong naman ni Ryan.
He’s currently in Cebu. He lives there now. Taga doon naman talaga ang pamilya nila. Bumalik na ang pamilya niya roon for like three years ago. And he's now one busy guy. Sineryoso lang naman niya ang pagiging leader niya. He was a student leader during college but now he’s a community leader, a politician. Tumakbo siyang konsehal last year, and he won. Kaya pahirapan na rin siyang ma-contact dahil sa public service duties niya.
“Well, that's why I called.”
Lumaki ang mga mata ni Alex. Umalog ang imahe niya sa screen na para bang inaayos niya ang angulo niya o kung ano pa ba d’yan. Nang tumigil na ang malikot niyang screen ay sabik niyang tinanong sa akin na, “Did you get another boyfriend? Oh. Gosh! It's your third boyfriend! I'm so happy for you!”
I rolled my eyes. Akala ko kung ano na.
“No? I did not. Wait. Bakit mo naman nasabi ‘yan, Alex?”
“Kasi madalas iyan ang rason kung bakit ka tumatawag sa amin,” dagdag ni Ryan.
Come to think of it, I really always seek their advice every time someone’s trying to flirt with me. I mean, I got my two ex-boyfriends because they told me some bullsh*ts about enjoying the process, enjoying my life, meeting new people, and other stuff that I wouldn’t tell myself. Na-eenjoy ko naman kasi ang buhay ko without being in a relationship. But I have to admit, having someone significant beside you is an extra. Extra happiness because you have someone to share it with, at syempre, kaakibat din nito ang extra sadness sa tuwing hindi kayo magkasama.
Hays. I guess kailangan ko silang pasalamatan, kung hindi dahil sa kanila ay baka no boyfriend since birth pa rin ako ngayon. Although none of my past relationships were perfect, pero minahal ko naman sila… I guess.
“I'm sorry about that, okay? Alam niyo naman siguro na wala akong ibang pwedeng pagsabihan pagdating sa mga ganyang bagay.”
My family is busy with their own things. Wala silang oras para pag-usapan ang love life ko.
“So, what's the tea? Tell us already.” Naiinip na ata si Alex.
“May duty ka pa, Lex?” Ryan asked him.
“Hmn, I don’t have any. But I want to sleep so, whatever that news is, better tell us quickly. Akala ko love related.”
Okay. Gustong-gusto ko na rin kasi talagang magtanong. I just did some intro to set the mood. But it looks like parating nasa mood para sa tsaa itong dalawang ito.
“Okay.”
“Yup. Go, girl.”
“Well, naaalala niyo si Thomas, ‘di ba?”
I just mentioned his name once at muli ng nagising ang inaantok na si Alex. Maski si Ryan ay matuwid na rin na umupo.
“Bakit? Anong tungkol sa kanya?” At tuluyan na ngang lumitaw ang interes ng dalawa.
“Uh, I saw him today. Actually, we met, we talked. We had a conversation and everything…”
“What the hell, girl! Nag-usap kayo? Tapos. Ano? Kumusta?”
“Uhm…”
“Nag-sorry na ba siya sa’yo? Sa pagkakatanda ko ay hindi pa siya humingi ng tawad sa ginawa niyang panggagamit sa’yo.” There's a hint of hostility in Ryan’s voice pero kalmado pa rin naman ang ekspresyon ng mukha niya.
“Actually… hindi niya ako naaalala.”
“WHAT?” sabay nilang bulyaw.
“Paanong hindi naaalala?” Ryan asked.
“Elaborate, girl. Elaborate.”
“I don't know. I'm not even sure what happened to him.” Sana nga kaya kong i-elaborate. “He looks so different and very, very disorganized. Grabe, guys. Kung nakita niyo lang siya, ang laking gap. Hinintay ko nga na mag-iba ang course ng usapan namin but all we did was talk about work.”
“Wait, work?”
Binaggit ko sa dalawa ang tungkol sa collaboration project namin. Pati sila ay hindi rin inisip na hindi karaniwan na maging webtoon artist si Thomas. Magaling din kasi talaga siyang gumuhit. Madalas nga na siya ang pambato sa mga art contest ng department namin noon. Mas nagulat pa sila na nasa iisang kumpanya lang kaming dalawa, and the fact that I just found out about it.
“Agree. Ang weird nga nun, Nana,” pagsang-ayon ni Ryan na napapaisip din kung bakit ganoon na lang ang asta ni Thomas. “Hindi kaya nagsasawa na siya sa Mr. Perfect image niya?”
“Maybe.” I shrugged. “Still, imposible pa rin na hindi niya ako maalala dahil lang sa nagsasawa na siya sa image niya, ‘di ba?”
At isa pa ang magsawa sa pagiging perfect niya? It also sounds ridiculous. Unang-una, he’s just a complete package. An ideal man, hindi perfect. Dahil kung perfect siya hindi na niya ako kailangan pang gamitin to save his lover. Walang perfect na user.
“May point ka, d’yan. Wala ba kayong balita tungkol sa kanya? Bakit parang nag-downgrade ata siya.”
Downgrade? Hindi naman siguro. Sadyang na-disappoint lang kami kasi iba ang inaasahan namin kay Thomas… Alright, alright. Siguro nag-downgrade nga siya.
“Uh, the truth is,” Alex uttered, “May narinig akong balita tungkol kay Thomas dati. It was like, four years ago? Maybe a year after we graduate?”
“What about it?”
Since hindi naman sila ang kontrobersyal na ‘almost-girlfriend’ ni Thomas dati ay malamang mas marami silang natatanggap na tsismiss kaysa sa akin noon. Iba kasi ako, ako ang pinag-tsitsismisan habang sila ang nag-tsitsismisan.
“Oh, didn't you hear the news?” Alex asked with suspense.
“Ang alin?” ani Ryan.
“Thomas got into an accident. A motorcycle accident. I did not know all the details but Francine mentioned about him getting a serious amnesia or something? He hurt his head, it's not impossible to get that effect from the injury.”
“Amnesia?”
“Yes, girl. Pero akala ko short term lang ‘yun? Seems like the diagnosis was wrong.”
“Sa tingin mo ‘yan ang dahilan? Hindi ba parang ang hassle nun?”
“Posible. At saka nabanggit mo rin na pati si Kevin ay hindi niya nakilala, ‘di ba? Amnesia can be short term or long term, and there are cases that it will become permanent. In other words, the patient cannot retain his memories before the accident.”
May punto si Ryan. Ang effort naman ata kung niloloko niya ako. At base sa kilos ni Jacks kanina wala namang kakaiba. His expression is genuinely clueless. Parang hindi niya talaga ako kilala.
Natapos ang usapan namin ng mga alas syete ng gabi. Marami pa kaming pinag-usapan. Meroong tungkol sa buhay ni Alex at ng boyfriend niya. Nabanggit din ni Ryan ang tungkol sa balak nilang pagpapakasal ng long time girlfriend niya. They just got engaged. Mabuti na lang at may magandang balita si Ryan kahit papaano ay nalihis ang isipan ko tungkol kay Thomas, at natapos ang usapan namin na mas maganda ang mood ko.
Pero kinabukasan, panibagong araw, panibagong pag-iisip na naman. Kaya bumalik lang din sa isipan ko si Jacks.
I got really curious about what he's up to. Kaya tumungo na muna ako ng Engene bago pumasok sa trabaho.
“Look who's here early in the morning. Kumusta, Nana?” bati sa akin ni Christine nang nakasalubong ko siya sa elevator.
“Ayos lang, the usual. By the way, nabasa mo ba ang text ko sa’yo kahapon?”
“Yes, yes. Sinabi ko na rin ito sa management.”
Whoa. Ang bilis, ah.
“Bakit ka pala nandito, eh umaga pa?”
“Nothing.” Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin si Christine.
“Oh? Anong problema?”
“May records ba tayo dito ng mga works and projects ng mga webtoon artist?”
“Of course. May copies dito katulad lang ng mga published novels niyo. Bakit ba?”
“Pwede ko bang masilip ang kanya? I mean, ang kay Jacks?”
Agad na pumayag si Christine, lalo na at sinabi ko sa kanya na para ito sa collaboration. I need to get to know my partner’s art style, background, experience, and all stuff. Pero sa totoo lang gusto ko lang naman malaman ito dahil kay Thomas. The creator reflects their creation. Yes, nakakatulong din ito pero may gusto lang akong tingnan. Umaasa ako na may mahanap akong sagot sa mga nagawa niya.
“It's in this room.” Dinala niya ako sa malawak na archive ng kumpanya. Parang library ang lawak nito. Dito nakalagay ang mga kopya ng published books ng Engene. Even mine are here.
“Magsimula ka sa letter T.”
“T?”
“T, as in Thomas.”
Oh. Sh*t.
“Thomas… okay. Uh, Thomas lang ba?”
Tiningnan ako ni Christine na para bang may sinabi akong mali.
“Oo, Thomas lang. Hindi niya sinabi ang last name niya. Ang boss lang ang may alam. That guy is pretty weird and mysterious. He wears a mask during video calls and doesn't come into the office.”
Ang weird nga. Pati nga bahay niya ay parang hindi na niya naaasikaso. Balak ko sana na ikwento kay Christine kung anong klaseng tao sa bahay si Thomas, kaso parang ang sama ko naman nun. Malamang may rason si Thomas, also known as Jacks, para itago ang identity niya sa amin.
Nagsusuot nga raw ito parati ng mask, siguro ayaw niyang mamukhaan ng mga tao. At kahapon lang ay mukhang wala siya sa mood dahil pumunta ako sa bahay niya ng walang pasabi at nakita ko ang mukha niya. Malamang ay ito ang dahilan kung bakit malamig ang trato niya sa akin the whole conversation. I just invaded his privacy, unintentionally.
And again, hindi ganito ang kilala kong Thomas. Ang alam ko ay puno siya ng kumpyansa sa sarili. Alam niya kasi na may charm siya at ginagamit niya ito sa iba. Pero ngayon? Ibang uri ng charm ang meron siya. I don't even know if I still can call it a charm. It's more like an aura. A menacing dark aura.
“Iwan muna kita, ha. Magta-time in lang ako,” paalam sa akin ni Christine at saka umalis ng silid.
Nagsimula na akong maghalungkat sa rack ni Thomas. And surprisingly ang dami na pala niyang nagawang projects.
Nahahati sa dalawa ang rack niya. Ang isa ay nasa ilalim ng pen name na Jacks habang may isa naman na nagngangalan na Venti.
Jacks talaga ang pen name na gamit niya para sa mga dj at erotic stories niya, at napakarami nito rito. I don't know, he might have 20 doujinshis? Tapos na ako sa parteng ‘yan. Na-introduce na ni Christine sa akin kahapon ang galing ni Jacks sa genre na ito. Sapat na sa akin ‘yung napaka-graphic na drawing ng sexy na lalaki. That's why I started checking out the works under the pen name Venti.
Hindi ko inakala na siya pala ang artist ng isa sa mga paborito kong fantasy-adventure webtoon, ang Mr. Warlord.
“Can't believe Thomas is Venti. This webtoon’s plot is dope.”
May isa pa akong nakita na pamilyar na webtoon, ito ay ang Reborn as an Heir to a Powerful Axe Weapon. Hindi ko pa ito nababasa pero maraming kumakalat na content tungkol dito sa internet. These two webtoons are so big. Balita ko ay milyon ang kita nito sa digital market at sa physical bookstore. May tatlo pang webtoon ang nandito, pero hindi na sila pamilyar sa akin, at hindi rin ito series kaya mas manipis ang mga. Yet, I can see by the looks of the cover at lalo na sa reviews na nasa front page na patok din ang mga ito sa readers niya. Mas nauna pa nga ang mga short stories na ito kaysa sa mga series niya.
“Woah. He's a best seller.”
I did a quick flip through the pages of the webtoon. Ang gaganda ng drawing. Even his short stories are five stars! Sa Engene din pala niya ito pina-publish.
“Tapos ka na?”
I almost jumped when Christine surprised me. Hindi ko kasi namalayan ang pagbabalik niya.
“I guess?” I managed to reply despite the surprise.
Nakita ko na ang dapat kong makita. Nandito ako para sana magtanong kay Christine kung may alam siyang ibang genre na sinusulat ni Thomas. Pero nang sinabi niya kanina na hindi mahilig makipag-halubilo si Jacks ay agad ko ng kinalimutan ang option na iyan.
“Why come here for that? Pwede mo naman isearch sa internet ang pen name niya.”
Well, yeah. Pero kung hindi ako pumunta dito ay hindi ko rin malalaman na may isa pa pala siyang pen name. Either through Christine or through the archives, I still made a great choice of coming here to check the facts. Ipagpapatuloy ko na lang ang investigation ko sa bahay.
“Nagsusulat pala si Jacks ng fantasy adventure, no?”
“Yeah. Sikat ang pen name niya. Alam mo ba na siya rin ang nagsulat ng Mr. Warlord?”
“Oo, ngayon ko lang din nalaman. I knew that the writer is also the artist pero hindi ko inakala na si Jacks ‘yun.”
“Hm? What do you mean? Natural lang naman sa mga writer na gumamit ng magkaibang pen name para sa ib––”
“No, I mean. There's this uh, gap. erotic to fantasy adventure. Like, walang halong uh graphi— adult graphics.”
“Ahh, oo. Oo. Gets kita. Alam mo ba, si Jacks… or Venti, in this case, ay may VIP treatment sa webtoon department ng kumpanya. “
Hindi na kailangan pa ipaliwanag ng lubos ni Christine ang tungkol dito. Dahil maski ako ay alam ang tungkol dito. VIP treatment is another term for freedom here. The artist gets to decide to their own story, syempre may editor pa rin, pero sa pagkakataon na ito ay mas may say na sila sa gawa nila imbes na sumunod lang nang sumunod sa editors nila. VIPs also have big bonuses at malaking sahod. I bet may malaking fanbase din si Venti.
Isa pa, isang malaking luxury ang pagtatrabaho sa bahay para sa amin na inspiration ang nagpapabuhay sa likha. At kung hindi ako nagtatrabaho sa parehong kumpanya ay iisipin ko na freelancer siya. Wala kasing permanenteng office space ang isang freelancer.
“Is Kevin ang Jacks close?” Bigla ko lang naalala na itanong.
Tinitigan naman ako ni Christine. Ngumiwi siya saka sumagot ng, “Hindi rin. Walang excepted sa Jacks na ‘yun. Pareho lang ang trato niya sa lahat. Mabuti na lang talaga at magaling siya. Baka matagal na siyang pinabayaan ng management kung wala siyang perang naaakit para sa kumpanya. Masama ang ugali niya pero kailangan na tanggapin na multitalented ang artist na ‘yun.”
Yeah. Right. Oo nga, no? Marunong naman pala siyang magsulat, so bakit kailangan pa niya ng writer para sa bagong projects niya?