PAGE FOUR

3000 Words
N A N A After the detour and long drive to our neighbourhood sa wakas narating ko na rin ang bahay ng webtoon artist na si Jacks. The houses here are almost all generic. Lalo na at nasa isang village ito kung saan ay pare-pareho lang ang disenyo ng mga bahay. Nag-iiba na lang sa mga dekorasyon at kulay nila. But this person’s house stands out because of its plain design. Hindi binago ang kulay nito. Nanatiling beige ang mga dingding at boring na boring na kulay puting bintana. Ganun din ang kanyang bubong na kulay brown. Base sa naaalala ko six years ago ay ganito rin ang itsura ng lahat ng bahay dito. Looks like someone doesn’t have the time to design their house. Madalas akong naglalakad dito dati patungo ng bahay ko noong wala pa akong sasakyan. I refused my mom’s offer to get me one. Wala lang, medyo ma-pride ako pagdating sa pinansyal na bagay. “Nasaan ang doorbell nito– oh. Here it is.” Medyo luma na ang itsura ng doorbell. Nababaklas na ang munting bubong nito na gawa sa plastik. Sa kabuuan ay parang matagal ng hindi tinitirhan ang bahay na ito. Malinis naman ang harap ng bahay nila. Nakatabas ang damo pero overgrown na ang ilang halaman. Kagaya ng san francisco na akalain ay tumpok ng fern plant sa kapal. Here comes nothing. I started pressing the doorbell once. Mahina lang naman. I am not even sure if it was pressed properly dahil sa tigas ng button. Baka nga sira na ito. “Christine did tell me that the person’s available… Lumabas kaya siya?” I scanned the street at baka lumabas ‘yung Jacks. May malapit pa namang tindahan dito. Halos dalawang minuto rin akong naghihintay. I finally settled to the first conclusion; hindi ko napindot ng maayos ang matigas na button doorbell. Nagdadalawang-isip pa rin ako na pindutin ulit ito pero ayaw ko rin naman na maghintay ng wala sa harap ng gate. So, I did it again. This time, dalawang beses ko na itong sunod na pinindot. “Should I just go back?” Baka sign na ito na hindi para sa akin ang webtoon? Hmm… Let’s give this person a chance. Bibilang ako ng sampu at kung wala pa ring lalabas uuwi na talaga ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat… Hindi pa nga ako nangalahati ng bilang ay nakarinig na ako ng pitik sa front door. Mabilis akong nag-ayos habang tinititigan ang dahan-dahan na pag-ikot ng bilog na doorknob. I tucked my hair and made sure that my suit doesn’t have a crumpled corner. At sa pagbubukas ng pinto ay inaasahan ko nang lalaki ang artist, I mean his pen name is Jacks after all. 80% is the chance na lalaki siya. May magulo siyang buhok… o baka kulot lang talaga siya? Hindi ako sigurado but his hair is definitely not straight and kindo of messy. Natatakpan ng kamay niya ang kalahati ng kanyang mukha ng takpan niya ang bibig niya habang naghihikab. Siguro ay natutulog siya. That explains why it took him a while to hear the bell. I am full on ready to greet my new partner. Magiging successful lang naman ang collaboration na ito kung pareho kaming cooperative kaya dapat ay makapag-establish na ako ng good relationship. I want a mutual understanding. Base sa mga experience ko pagdating sa mga collaborative project, ito ang susi sa maayos na negosasyon lalo na at iba’t iba ang opinyon namin bilang indibidwal. Mahalaga ito para hindi magmukhang pinagdikit na aso at pusa ang project namin. That’s what I really want to happen. Kaso habang papalapit siya ay isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Baka kasi may mali lang sa paningin ko. At isa pa medyo hindi presentable si Jacks. He’s wearing a worn-out white shirt and jogging pants. Nabanggit ko na rin ba na magulo ang buhok niya? Malayong-malayo sa kilala kong kamukha niya. “It’s impossible.” I mouthed. Kalahating metro na lang ang layo niya mula sa akin. Sapat na distansya na ito para makita ng malinaw ang mukha niya. Biglang bumigat ang mga paa ko at namamanhid ang dila ko. Binabalak ko panaman na batiin siya agad pero dahil sa gulat ay hindi ko na ito nagawa. “Who are you?” malamig niyang tanong na may halong pagka-arrogante. Mas matangkad din siya sa akin kaya literal din na mababa ang tingin niya sa akin, dagdagan pa ng hindi magiliw sa kapwa niyang ekspresyon. Kung makatitig siya sa akin ay para bang wala siyang alam tungkol sa writer na darating sa bahay niya. Parang mali ko pa na maistorbo ang tulog niya. “Uhm,” I began as I simply checked the folder if I got the right address, at tama naman ang pinuntahan ko. “Hi. I am Nana Kim, a writer.” Should I also tell him my real name? I think he already knows. “I assume you already heard about me from our company’s management? I am also from Engene, by the way.” Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tinitigan niya muna ang ito bago hinawakan at nakipag-kamay. “Jacks.” Ow… kay? Then, what? Maikli lang ang sagot niya at mukhang hindi siya interesadong makipag-usap. “Uhh… I am here to talk about our collaboration? Do you know about that?” Madalas ay dapat sa kumpanya ito nangyayari. Pero may iba talaga na gusto ng privacy. And since the company only requires us to finish our manuscript on time, visiting the building is not totally mandatory. Magpasa ka lang ng accomplishments weekly, online or walk-in, ay ayos na. “Ah. You’re the writer Kevin mentioned?” “Yes. ‘Yan nga ang sinasabi ko.” So, si Kevin pala ang nag-tip kay Christine tungkol kay Jacks. Kevin is our schoolmate in college. Kasama ko rin siya sa collegiate publication dati. Kung meron man na nag-set up nito ay si Kevin na ‘yon. Hindi ba’t parang ang sama niya kung sinadya niya nga talaga na magkita kami? He knows well how Thomas changed me. He was there. Usap-usapan nga sa opisina ng publication namin noon si Thomas. “Okay. Get in.” Binuksan na niya ang gate. Nag-alinlangan akong pumasok kasi baka biglang may sabihin siya. I mean, imposible naman na hindi niya ako makilala ‘di ba? Sa kabila ng ginawa niyang panloloko noon sa akin ay naging magkaibigan pa rin naman kami. Yup. I am talking about Thomas. The very same Thomas I was just reminiscing about earlier. At tama, si Jacks ay si Thomas. Kaso nga lang ay nawala na ang dating glow niya. Napaisip tuloy ako kung tama ako ng naaalala tungkol sa kanya. Dahil sa totoo lang ay ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Ni-isa ay walang bakas ng Thomas na kilala ko noon ang nakikita ko sa Jacks na ito. Pero magkamukha kasi talaga sila. Imposible. Nakatitig lang ako sa likod ni Jacks habang sinusundan siya sa loob ng bahay. May kambal kaya si Thomas? Hindi naman imposible ‘yan ‘di ba? Hindi naman namin kilala ng lubos ang isa’t isa. My friends in college didn’t even know that I am from a wealthy family not until I got them an easy access to Dad’s company for our OJT. Nang magtapos ang batch namin sa college ay wala na rin akong narinig na balita tungkol kay Thomas. Hindi na rin kasi kami gaanong nag-uusap simula nung nagka-girlfriend siya. Alam ko rin naman kasi kung saan lulugar. Since people were gossiping about us it’s kind of dangerous to keep a close relationship with him na may girlfriend na siya. Ngunit sino ang may akala na matapos ang maraming taon ay magkikita ulit kami. Sa ganitong pagkakataon pa talaga. Thomas was indeed great at art. Isa ‘yan sa mga skills at talents niya. He was Mr. Perfect after all. Hindi ko lang inaasahan na ipu-pursue niya ito to the extent that he’ll be a webtoon artist. At ang mas nakakagulat pa ay gumagawa rin siya ng mga X rated, R-18, Adult only rated na webtoons! “Uhm, where’s Kevin? I mean, do you guys talk?” tanong ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon pero sumagot pa rin siya sa tanong ko. “He’s out of the country for personal reason.” “Oh. Kailan daw siya babalik?” He stopped walking. Muntik pa nga akong mabangga sa likod niya. Humarap siya sa akin sabay sagot ng, “I did not bother to ask. We have a professional relationship.” A professional relationship? Pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman masama ang relasyon ni Thomas at Kevin noon, ah. Magkaibigan na nga sila bago pa kami naging magkaibigan ni Thomas. Binuksan na niya ang pinto sabay senyas sa akin na pumasok. Nauna akong humakbang… aaand the state of the house is just the same as its owner. The living room is a mess. Everywhere is a mess! “You… You seem busy,” komento ko. Muntik pang madulas ang dila ko at masabi na, You seem messy. “I am. I have things to do.” Tinuro niya ang sofa. Agad din naman akong sumunod at umupo roon. Kinuha rin ni Jacks ang mga damit sa sandalan ng sofa, nagpulot din siya ng mga papel na nakakalat sa sahig, at tinapon din ang walang laman na lata ng soft drinks sa lamesa. Pero kahit naglinis na siya ay marumi pa rin ang sala niya. Mukhang hindi rin naman siya nagmamadali dahil hila-hila niya ang mabigat niyang katawan habang ginagawa ito. Naririnig ko rin ang panay niya na pagbuntong-hininga. Wrong timing ba ang pagpunta ko? Parang mali ko pa ata na nandito ako ngayon. “I’m sorry if I disturbed you. My editor told me that you’re available today. But since you still have things to do, we can have our meeting next tim—” “It’s alright,” he coldly replied. Bumalik din siya sa sala at muli akong hinarap. “You’re here already… I only have coffee for drinks,” banggit niya bago muling tumalikod at tumungo ata ng kusina. He sounds so unfriendly. Ibang-iba talaga sa Thomas na kilala ko, at nawala rin ang chivalrous character niya. Bumalik siya na may bitbit nang tasa na may coffee and sugar sticks sa gilid. Inilapag niya ito sa lamesa at saka umupo na rin sa kabilang sofa. An instant coffee? I don’t think the old Thomas would like instant coffees. He even enjoyed talking about his brand new coffee maker before. Ano ba ang nangyayari? May camera bas a paligid? Is this a prank? Luminga-linga ako sa paligid ng bahay para maghanap ng hidden camera. Baka kasi meron. “What are we going to talk about?” “Ah! Yes, yes. Uhm…” Anon ga ‘yun? Muntik ko ng makalimutan na trabaho pala ang sadya ko rito. “Since you still have a deadline to meet, why don’t we skip the briefing about the story’s concept first. I’m sure you already have a storyline, right?” Tumango si Jacks bilang sagot. “Honestly, I really thought that the flow will be different pero dahil nga busy tayong lahat. I understand. So, I suggest that you can write anything about the plot first. It’s like a rough draft. Don’t worry about anything, just write the storyline and send it to me through here.” Nilagay ko sa lamesa ang business card ko. Yumuko naman siya para tingnan ang real name ko. Of course, I have the business card for my writing job with my pen name on it. Sinusubukan ko lang kung maaalala ba niya ang pangalan ko. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lang siya nag-react at tinabi lang ang card. “I’ll figure things out and check for plot holes or think of a way to improve the story, then we will discuss it later. Is that fine with you?” “Mn.” He quietly replied while nodding. Oh, gosh! Hindi talaga ito si Thomas. I mean, his face looks exactly like Thomas but he is not the Thomas in my memories. Opinionated na tao si Thomas, at hindi siya takot na ibahagi ito sa iba. Parati rin siyang nag-iisip kung paano mas mapapadali ang isang sitwasyon. He likes improvement kaya naman ay na-aapply niya ito sa ibang bagay. Thomas is burning with passion! “Ow…kay? Uhm, so…” Hindi ko maiwasan na titigan si Jacks. Maski ang liwanag sa mata ni Thomas na nag-padagdag sa malakas niyang aura ay nawala na rin. “What?” sambit niya nang huminto ako sa pagsasalita. Even the way he uttered that question is so cold. “Uhm. Sorry, sorry. Nakalimutan ko lang ang sasabihin ko. Nasaan na nga ba tayo” I quickly thought of another agenda. “Ah! Oo nga sa ano… Sa ano, ‘yung schedule ng meeting natin.” Again, kung may hidden camera man dito ay pwede na silang huminto. Nanlalamig na ang kamay ko sa sobrang kaba. “Sa nakikita ko kasi mas komportable ka na sa bahay magtrabaho. I actually live nearby. My house is just a few blocks away. Pero kailan mo ba gustong makipag-meeting, at saan mo rin gustong gawin ito?” Ako na ang mag-aadjust para sa kanya. Usually, the company is the best place pero dahil mukhang hindi siya pala labas na tao ay kailangan ko muna siyang tanungin sa gusto niya. “May alam akong coffee shop. Konti lang ang kini-cater nila na customer tuwing weekends dahil under staffed sila. Why don’t we me—” “How about here?” he suddenly suggested. “Here?” Napalingon ako sa makalat niyang sala. “It’s not always this messy. There’s a deadline around the corner, I can’t afford to hold a broom yet,” paliwanag niya. Okay. That’s it. Hindi ito si Thomas. Malinis na tao si Thomas, literal na malinis. He likes organizing things. At ayos lang din sa kanya na ihinto muna ang ginagawa niya para maglinis. “I-I don’t mind. Ayos lang din sa akin kasi malapit lang sa bahay.” Totoo na advantage ito dahil magkapitbahay lang kami. But I prefer it if we meet outside. I won't feel awkward if we’re not alone together. “Great. I have yet to submit the storyboard for the teaser next week on Friday.” “Oh. Is there anything I can help?” “I'm sending the draft through email as well.” I nodded. “Sure.” Pagkatapos kong sumagot ay muli na naman na tumahimik ang paligid. Now, what?” “Can I ask about the target end date?” Tanong ko na naman para lang labanan ang awkwardness na nararamdaman ko. Bumabalik kasi ito sa tuwing tumatahimik ang paligid. It’s torture! And the truth is, the question is irrelevant to me. Wala naman kasi akong ibang ginagawa so I don't mind kung kailan ‘to matapos. It's not like I will be writing a novel that is 100% words. Webtoon ito, 60% are all illustrations. Sa pagitan naming dalawa, si Jacks ang maraming trabaho na gagawin. “I'm not sure. I still ha—” tumigil siya sa pagsasalita at nagbuntong-hininga habang inaayos ang upo niya. “I'll check my schedule.” “That's fine by me. Uhm, okay na ba? If there's any further questions you can contact me by email and phone number… sa business card ko.” Turo ko ulit sa card kong nasa lamesa. Baka naman kasi maalala na niya ako ulit. Bakit ba parang ang hirap ng gagawin ko? Tatawagan ko pa si Christine to officially confirm that we are doing this collaboration project. Oh. Gosh. Iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako. It's not like this is my first time doing a collaboration. But this is definitely my first time with Thomas. “Is that all?” sambit ng artist. I hate this. Hindi masalita si Jacks, nakakailang tuloy umimik. “I think that's all.” Tumayo na ako at hahakbang na sana nang may naisip akong itanong. I turned back and asked him, “I'm sorry but do you have something to say to me, Thomas?” Sakto naman na patayo na rin siya, kaya dahan-dahan akong napatingala. At doon ko lang din napagtanto na tinawag ko siya sa ibang pangalan. Sh*t. I really intended to call him Jacks pero dahil puno ng Thomas ang isipan ko ay pangalan niya ang lumabas sa bibig ko. Napatitig ulit ako sa kanya. Napahakbang ako paatras. Itong-ito ang mukha ni Thomas sa tuwing seryoso siyang nag-iisip. Malamang ay narinig niya ang pagtawag ko sa pangalan niya. Oras na siguro para umamin siya. Gusto kong marinig ang pagtatapat niya. Naiintindihan ko naman na hindi naging maganda ang pagkakaibigan namin. Mas mabuti pa nga kung aakto siyang nahihiya dahil sa ganitong paraan ay alam kong hindi ako nag-iisa. Hindi lang ako ang nag-ooverthink. But he can stop pretending now. Handa na akong kausapin siya ulit tungkol sa nangyari dati. Pero… iba ang lumabas sa bibig ni Jacks sa inaasahan ko. “Should I say something to you?” Kulang na lang ay itaas niya ang kilay niya para ma-kumpleto ang pagtataray niya. Sa tono ng boses niya ay para bang gusto na niya talaga akong umalis. “Nope. No. Wala naman. I just thought if you have more to say about the project. Mukhang okay na nga talaga lahat,” I awkwardly responded with a weak smile. Umalis ako ng bahay ni Jacks na may maraming katanungan. Ang sarap ngang bumalik at kausapin siya tungkol dito. Hindi kaya ay naaalala niya ako pero ayaw niya lang ipaalam dahil sa galit siya sa akin? O ayaw na niya akong maging kaibigan? Does he also want a professional relationship with me kagaya ng kay Kevin? Siguro naman isa sa mga ito ang rason. Kasi kung wala sa mga ito ang rason, edi ano? Bakit siya nagpapanggap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD